Chapter 20

9K 221 12
                                    

Angel's POV

"Gel, what a surprise." Nakangiting wika ni Abigail. "Pasok ka." Mas lalo pa nitong binuksan ang pinto ng condo nya.

Agad naman akong pumasok at umupo sa sofa. Pag-gising ko kanina wala na si Max sa tabi ko kaya iniwan ko muna si Luis kina dad, sinabi kong pupunta muna ako sa store para kumustahin ang mga empleyado ko. I lied, si Abigail talaga ang pupuntahan ko hindi na kasi ako makakapaghintay pa ng isa pang araw para maka-usap ang babaeng to.

"Magprangkahan nga tayo. Gusto mo ba ang asawa ko?" Diretsa kong saad.

Mukhang nagulat naman ito sa sinabi ko pero agad ring nakabawi.

"H-ha? Saan mo naman yan ---."

"Pwede ba iba na lang Abby? Baka kasi ikaw ang ka-una-unahang tao na mapapatay ko kapag hindi mo tinantanan si Max. Akala mo ba hindi nya sasabihin sa akin ang mga sinabi mo?"

"G-gel, hindi ko alam ang sinasabi mo."
Nagmamaang-maangan pa talaga.

"Just tell me the truth Abby. Ayoko sa lahat yung tinitira ako patalikod. Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo. I know there is something in your head right now."

Mahina itong tumawa na parang cool na cool lang. "Gel, I don't like her, ok? Tsaka di ba ikaw ang gusto ko. Maybe she just mis-understand what i've said. Ikaw talaga ang gusto ko at hindi sya."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Punong-puno na ako. "Ako talaga ang gusto mo? Sige nga subukan natin." I grab her nape ang kiss her lips. I just want to know kung totoo ba o hindi ang pinag-sasabi nya na gusto nya ako.

Let see how she will react on my kiss.

I slightly bite her lips gaya ng ginagawa kong paghalik kay Max. Naba-baliw si Max kapag ginagawa ko to sa kanya.

Wala akong nakuhang reaksyon pero dama ko ang paninigas nya sa kanyang kinatatayuan.

Mas lalo ko pang diniinan ang halik ko, this time I use my tongue.

Isang malakas na tulak ang nagpatigil sa akin. "Oh my god! You're so fuckin gross Angel." Sigaw nito. Madiin nitong pinahid ang kamay sa kanyang labi.

Hindi ko napigilan ang matawa. "Gross? I thought you like me? Akala ko ba gagawin mo ang lahat para sa akin?" Shit, nakakadiri. "Hindi mo ba nagustuhan?"

"Damn you!" Tumalikod ito. Halik lang pala ang katapat mo. Tsss..

I wipe my lips hard. Shit. I can still taste her lipstick.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "So ano? Aaminin mo na ba na hindi mo talaga ako gusto at naglalaro ka lang?" Hinawakan ko ang kanyang braso at pinaharap ito. "Tell me Abby, ano bang plano mo sa amin ni Max? Are you trying to ruin us? Or are you bored and just want to have some fun?"

Nagtuos ang mga mata namin.

"Bitiwan mo'ko." Agad ko namang binitiwan ang kanyang braso. Dumistansya ito sa akin. "I guess dapat ko ng tigilan ang pagpapanggap. Total parang hindi naman umeepekto ang mga drama ko sayo."

Napataas ang isa kong kilay sa narinig. "Bitch! Kung ganun plano ---."

"Yes!" Putol nito sa sasabihin ko. "Plano ko to lahat. Alam mo ba gusto kong masuka kapag nakikita ka."

Damn!

Kinuyom ko ang isa kong kamay. I want to slap her.

"Ano bang gusto mong mangyari? Ano bang ginawa ko sayo?"

"Wala kang ginawa. Ang totoo nyan tama ang sinabi ni Max sayo. Sya talaga ang gusto ko at hindi ikaw." Ngumiti ito ng nakakaloko. "When I first saw her I thought wala lang, akala ko she's another freak lesbian. Pero nung nakita ko ulit sya sa mall at pinakilala mo na asawa mo biglang nag-iba ang pakiramdam ko sa kanya. Alam mo ba plinano ko lahat para magkita ulit kami. I stalk her everywhere. I like her so much and it hurt me so bad knowing she's yours."

Di ko napigilan ang kamay ko. Pinatikim ko ng isang sampal ang pagmumukha nya. "Bitch! Kung ganun ginamit mo'ko."

Agad nitong hinawakan ang kanyang pisnge at tumingin ng masama sa akin.

"Layuan mo ang pamilya ko Abby kundi magkakasubukan talaga tayo. This will be my last warning." Dinuro ko ang pagmumukha nya.

"Hindi ako natatakot sayo, bitch!" Pabalang nitong sinampal ang kamay kong nakaduro sa kanya.

Ah ganun!

"Wag na wag mo'kong susubukan Abigail. Hindi mo pa ako kilala." Nararamdaman ko ang ugat ko sa leeg na nanggagalaiti rin sa galit.

"Let see Angel. Let see." She smile devilishly. "Sisiguraduhin kong iiwan ka nya."

Mukhang hindi talaga sya natatakot sa akin.

Napatiim bagang ako. Ngayon palang gusto ko na syang patayin.

"Watch your mouth Abigail. Hindi mo alam kung anong pinagsasabi mo."

"You're very selfish and manipulative Angel. Sabagay kung gaya rin ni Max ang magiging partner ko siguro magkakaganyan rin ako." Hindi parin nawawala ang ngiti nya.

Pumikit ako at pilit kinakalma ang sarili. 'Relax Angel, she's just another woman who want to ruin your relationship. Gaya rin sya ng mga babae noon, they want to play with you, they want to test you. Gusto nilang subukan kung hanggang saan ang kayang mong gawin para sa inyo ni Max.'

"Umalis kana sa company ko." Tumalikod ako at tinungo ang pinto.

"My pleasure."

Hindi na ako sumagot at tuluyan ng lumabas ng condo nya.

Hindi ako makapag-isip ng matino ngayon.

I don't get it.

Napaka-bobo naman nya para gamitin ako. Sobrang bobo para isipin na hindi ko malalaman ang lahat ng to.

---

Dumiretso ako sa bahay ng mga magulang ko.

"Dad, si Luis?" I kiss his cheek.

"Nasa taas kasama si Megan. Naglalaro sila ni Chris."

Kinuha ko ang baso ng alak ni dad sa mesa. I drink it straight.

"Hey, why are you trembling?" Nakakunot noo nitong tanong.

Huminga ako ng malalim. Shit. Hindi ko ma control ang panginginig ng kamay ko.

"Dad, help me." Naiiyak kong wika.

"Why? What happen?" Umurong ito sa akin at hinaplos ang likod ko. "Tell me Angel, may nangyari ba?"

"Gusto ko ng bumalik ulit sa states. Ayoko na dito dad. Feeling ko may masamang mangyayari kung hindi kami aalis ni Max."

"Angel, siguro hindi ako ang dapat mong kausapin tungkol dyan. You should talk to Max. At anong sinasabi mo na may masamang mangyayari?"

"I can't tell you dad. Pero please tulungan mo naman akong kumbinsihin si Max na bumalik na lang kami sa states. Tell her that it's better for us to just live there. Please dad."

"Hindi kita maintindihan. Ano na naman ba yang pumasok sa utak mo? Maganda naman ang takbo ng buhay nyo dito di ba." Umalis ito sa tabi ko.

"Dad naman, ayoko na dito. Para akong nasasakal, feeling ko kung hindi pa ako kikilos ngayon baka magulo na naman ang buhay namin ni Max."

"You're being paranoid again. Kasal na kayo, ano pa bang kinakatakot mo?"

Tumayo ako. "I don't know. I just don't like what I'm feeling right now. Parang may bumubulong sa akin na dapat ito ang gawin ko, na ito ang mas makakapanatag sa akin."

Hinawakan ni dad ang kamay ko. "Relax, ok? Walang mangyayaring masama, trust me. Siguro kelangan mo munang magpahinga at pag-isipan ulit yan."

"No, I'm serious about this. Gusto ko lang naman tulungan nyo akong kumbinsihin si Max. Alam ko kasi na makikinig sya agad sa inyo. Dad, ayokong masira ang pamilya ko. Mababaliw ako kapag nangyari yun."

Napahilot ito sa kanyang sentido. "Fine. Susubukan ko syang kausapin mamaya."

Pinunasan ko ang namamasa kong mata. "Thanks dad." Niyakap ko ito ng mahigpit.

Ito na ang pinaka-madali at mas mabilis na paraan para ilayo ang pamilya ko sa babaeng yun. Hindi ko sya bibigyan ng pagkakataon na makalapit man lang.

••••••

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now