Chapter 33

8.4K 245 21
                                    

Angel's POV

"I want her to sign the papers immediately attorney. Gawan mo ng paraan para mapapirma sya agad." Pagtutukoy ko sa ina daw ni Luis. Gusto kong mawalan na sya ng kahit katiting na karapatan sa anak ko. She doesn't deserve to be his mother.

"I will. Bukas na bukas pupuntahan ko ang address nila." Pormal na wika ni attorney Delos Reyes.

"Kelangan pa ba talaga love? Aalis na tayo sa makalawa di ba. Tsaka magiging legal na ang pag-ampon natin kay Luis, ok lang naman ---."

"Gusto ko lang manigurado Max." Di ko napigilang magtaas ng boses. Andito kami sa pinaka dulong mesa ng restaurant. "Hindi natin alam baka may balak syang huthutan tayo ng pera. Ayokong mag-tiwala sa mga kagaya nya. Nagawa nya ngang iwan ang anak nya sa mga taong hindi nya lubusang kilala di ba? Sa tingin mo matino ba ang gagawa ng ganung bagay?" I crossed my arms. Napansin ko naman ang pagbaba ng tingin ni attorney.

Nakakainis talaga si Max. Tss.

"Ahmm. Siguro mauuna na ako sa inyo. Aasikasuhin ko muna ang mga papeles para maihanda bukas ng umaga." Tumayo ito. "Tatawagan ko na lang kayo bukas kapag ok na."

"Ok attorney. Make sure she will sign it. Ayoko ng mag-aksaya pa ng mahabang oras sa kanya. The faster the better." Uminom ako ng wine para kumalma.

Ngumiti lang ito bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Max sa tabi ko.

"Hayaan mo na lang ako, pwede?" Inirapan ko ito. "Kahit anong sabihin mo sa akin ngayon hindi na magbabago ang isip ko. Si Luis ang pinag-uusapan natin dito Max. So what kung pipirmahan nya ang legal custody? Wala naman sigurong masama kasi binayaran mo na rin sya."

"Tapos na kasi kaming mag-usap, she already promise not to bother us again. Baka kapag ginawa mo yan magbago pa ang isip nya."

What? Napataas ang kilay ko.

"Anong karapatan nya para magbago ng isip? Alam mo kapag ginawa nya yan baka umabot na kami sa demandahan." The nerve of that woman. Subukan nya lang at hindi ko sya kakaawaan.

"Naisip ko lang naman ---." Naputol ang sasabihin ni Max ng mag-ring ang cellphone ko.

Si kuya Rafael. Agad ko itong sinagot.

"Yes kuya bak ---."

"Bumalik na kayo ngayon dito sa bahay. Si Luis kasi --."

"What? Anong nangyari kay Luis?" Bigla akong kinabahan.

"Naglalaro sya kanina kasama si manang sa may garahe. Sabi ni manang kumuha lang daw sya ng pamunas tapos pagbalik nya wala na si Luis. Wala rin sa pwesto ang guard kanina kaya hindi nya nakita kung lumabas ba si Luis o hindi."

Napatayo ako. "Ano?! H-hindi nyo ba hinanap sa loob ng bahay?"

Napatayo na rin si Max. "What happen?" Nag-aalala nitong tanong.

"Mahigit isang oras na kaming naghahanap pero wala talaga. Nagpatulong na rin kami sa mga namamahala dito para makita ang cctv, tinitingnan pa lang nila ngayon."

Napalunok ako. My hands is now shaking. "U-uuwi na kami."

Pagkatapos kong maibaba ang cellphone agad kong hinawakan ang kamay ni Max at hinila paalis.

"Excuse maam. Your bill?" Habol ng isang waiter sa may pinto.

Huminto naman si Max at kumuha ng pera sa wallet nya. "Sorry. Keep the change." Abot nito sa pera.

Nauna na akong naglakad sa may kotse. Hindi ko alam pero parang wala na ako sa sarili, hindi ako makapag-isip ng matino. Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni kuya na nawawala si Luis.

Labstory II (gxg) - SEQUELTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang