Chapter 9

11.3K 263 18
                                    

Max's POV


Sa wakas malapit na ang end ng shift ko, isang oras na lang at makakauwi na rin. Hayy.. Nakakapagod.

"Max pwedeng maki-suyo?" Wika ni Marilyn, isa sa mga kasama ko at matagal ng nagtatrabaho dito.

Ngumiti ako. "Yes? Ano yun?"

"Paki dala naman to sa office ni doc Alejandro oh. Naiwan kasi ni Lila eh. Kelangan nya kasi to ngayon para mapirmahan." Inabot nya ang isang folder. "Please?"

"Sure. Sige iwan mo na lang dyan."

"Salamat, ang bait mo talaga."

"Walang anuman basta ikaw."

"Sus, ikaw talaga. Sige ha. Iwan ko na lang dito."

"Ok."

Tumalikod na ito at bumalik sa kanyang pwesto.

After kong matapos ang lahat ng patient chart tumayo na ako. Kinuha ko ang folder at umakyat na sa 5th floor. Nasa taas ang opisina at conference room, doon rin nakalagay ang mga records ng mga patyente.

Pagkarating ko sa office ni doctor Alejandro agad kong binigay kay Lila ang folder.

"Ai salamat Max. Nakakahiya, naabala kapa tuloy." Sabi ni Lila ang secretary ni doc.

"No problem. Sige alis na'ko."

"Ok. Salamat ulit."

Ngumiti lang ako at lumabas na.

Ang tahimik naman dito.

Papasok na sana ako sa elevator ng biglang nakarinig ako ng isang sigaw at malakas na kalabog. Napahinto ako at napalinga-linga sa paligid. Dalawang janitor sa may kalayuan ang nakita ko pero hindi naman yata sila ang sumigaw dahil parang boses babae ang narinig ko.

Napansin ko ang isang kwarto sa may likuran ko. Ayun, isang sigaw na naman. Hindi naman sobrang lakas pero abot parin sa kinatatayuan ko.

Humakbang ako para tingnan kung anong meron. Nasa tapat na ako ng kwarto, bubuksan ko na sana ang pinto ng --.

"I'm sorry. I just don't feel it anymore." Teka. Arabela? Parang boses yun ni Bel. Isa sa mga doctor dito.

Binitiwan ko ang pagkakahawak sa pinto.

"I hate you. Fuck you Bel. Fuck you!" Sigaw ni --

Kathy? Yun sigurado ako boses yun ni Kathy.

Shit! Nag-aaway ba sila? Pero last month lang nakita ko silang naghahalikan ah.

Dapat na yata akong umalis. Ayoko namang makialam at makinig sa pag-uusap nila.

Dali-dali akong tumalikod at tinungo ang elevator.

Pagkabalik ko sa station naabutan ko naman ang iba kong kasama na abala sa mga ginagawa.

"Max endorse na tayo para makauwi kana." Mabait na wika ni Dom, sya ang papalit sa akin ngayon.

Ngumiti ako. "Sige. Salamat naman hindi ka late ngayon." Biro ko.

"Hindi traffic eh."

Umupo ako sa tabi nito at sinimulan na ang endorsement. Hindi naman masyadong marami ang patyente kaya hindi rin mahaba ang ipapasa ko sa kanyang responsibilidad.

"End of endorsement. That's all thank you." Nakangiti kong wika ng matapos. Tumayo ako at inayos ang bag ko.

"Max I have a favor."

"Hmmm? Ano?"

"Pwede mo bang iwan yang ballpen mo? Nakalimutan ko kasi sa bahay yung akin." Nahihiya pero natatawa naman nitong sabi.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now