Chapter 28

9K 260 32
                                    

Angel's POV

**

Pumarada ako sa tapat ng condo ni Abby.

I thought i'll never feel this pain again.

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Naninikip ang dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. I can't stop crying.

'I fuckin hate you Abby. I do really hate you. You're such a slut bitch.'

Hindi parin nawawala ang panginginig ng kamay ko. I want to slap Max, pero hindi ko ginawa dahil andun si Luis. Ayokong makita nya kaming nagkaka-ganun kaya mas pinili ko na lang umalis.

Hindi ko alam kung sino ang nagpadala ng mga pictures pero isa lang ang sigurado ko. Gusto nyang masira ang pamilya ko, gusto nya kaming masira ni Max.

At sino pa ba ang gagawa nun kundi si Abigail. I know she's the one behind this drama. Walang ibang gagawa nito kundi ang malanding yun.

That bitch.

'Gusto mo talaga akong subukan Abby? Fine, i will give you what you want.'

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili. I fix my hair, sinuot ko rin ang shades ni Max na naiwan sa kotse para hindi makita ang namumugto kong mata.

Bumaba ako sa sasakyan at pumasok sa loob ng building.

Pinindot ko ang 4th floor ng elevator kung saan nakatira si Abby.

Pagkarating ko sa taas, hinanda ko ang sarili. Ipapakita ko sa kanyang hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko. Ilang beses ko na ba syang binalaan? Pero hindi parin sya nakinig at mas lalo pa nya akong ginalit.

Huminto ako sa tapat ng pinto nito. I take a deep breath. Hindi na ako makapag-hintay na ipadapo ang kamay ko sa pagmumukha nya.

Akmang kakatok na sana ako sa pinto ng biglang nakarinig ako ng malakas ng kalabog sa loob.

Sunod-sunod na kalabog.

Tinanggal ko ang shades ko at nilagay sa bulsa.

I can sense that she's not alone.

Pinili kong wag ng kumatok at dahan-dahang pinihit ang doorknob, hindi ito naka-lock. Tamang-tama lang ang pagkaka-bukas para marinig ko ang nangyayari.

"Ken, ano ba! Give it to me." Sigaw ni Abby.

Tumawa ang isang lalaki. "No, no baby. Ito pala ang gamit mo ha? Kaya pala ang galing-galing mo sa kama dahil gumagamit ka nito? Ano, masarap ba to Abby?"

"Fuck you. Huwag mong iniiba ang usapan, just give it to me."

"Of course i'll give this drugs to you."

Drugs?

"Ken hindi ako nagbibiro. Ibalik mo yan sa akin, wala tayong relasyon kaya pwede ba umalis kana dito."

"Yeah, i know. Nagkamali ako, akala ko matino kang babae pero hindi pala."

"Akala ko rin totoo kang lalaki pero hindi pala. Hindi ka ba masaya na pinagbigyan kita? You're such jerk. Naniwala ka talagang magkaka-gusto ako sayo?" Nang-iinsulto itong tumawa.

"Ginagago mo ba ako? I'm a Montemayor and you have no right to insult me."

"Ahhhh, bitiwan mo'ko. Ken ano ba nasasaktan ako!" Nagpupumiglas nitong sigaw.

"Alam mo bang pwede kitang isumbong sa mga pulis dahil dito?"

Pulis?

"Wala akong pakialam. Just give it to me. I need that."

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon