Chapter 18

10.6K 280 38
                                    

Angel's POV

"Hey little one." Nakangiti kong wika sa isang batang lalake, ngayon ko lang sya napansin. Nakatayo ito sa tabi ko at nakatingin lang sa akin. I think he's just 2 years old.

Pagkatapos namin sa salon tumungo naman kami ni Max dito sa super market para mag-grocery ng kunti.

Hinihintay ko sya dito sa may parking lot dahil meron pa syang nakalimutang kunin sa loob.

"Ma-ma." Inosenti nitong wika.

Dumukwang ako para marinig ko ito ng maayos. "Where is your mama baby boy?"

"Ma-ma." Ulit nito. Nakatitig lang ito sa akin na parang hindi alam kung ano ang gagawin.

Luminga-linga ako sa paligid. Baka sakaling may makita akong naghahanap sa kanya.

Shit, baka nawawala na to.

"Ahmm.. We will find your mama ok?" Hinawakan ko ang kanyang mukha. Napansin ko ang mga kunting dumi sa kanyang kamay. Medyo hindi rin maganda ang ayos ng kanyang damit pero ang cute nya paring tingnan.

"Kain." Napangiti ako sa sinabi nito. Ba't ba ang cute-cute nya.

"Gusto mong kumain?"

Tumango ito. Nakakaawa naman, baka kanina pa sya nawawala at gutom na gutom na.

"Love." Narinig kong sigaw sa likuran ko. "Sino yan?" Tanong ni Max ng makalapit sa amin. Binuksan nito ang likod ng kotse sabay lagay ng mga pinamili namin.

"I don't know, nakita ko lang sya dito."

Lumapit naman si Max sa bata at paluhod na umupo. "Hey small guy, what is your name?"

"Ma-ma." Yun parin ang sinasabi nya.

Nagkatinginan kami ni Max. "He just keep saying that. Baka naman nawawala na sya Max. Ereport na lang kaya natin?"

"Sige. Bumalik tayo sa loob, baka pwede nila tayong matulungan." Hinawakan nito ang kamay ng bata. "Tara, hanapin natin ang parents mo ha?"

"Pakainin muna kaya natin sya bago natin ibalik? Kawawa naman parang gutom na gutom na." He seems hungry ang tired.

"Uhm.. Sige." Kinarga ni Max ang bata. Ngayon ko lang napansin na naka-tsinelas lang pala ito at madumi din ang mga paa.

Iniwan muna namin ang kotse at bumalik sa loob ng mall.

Agad kaming humanap ng makakainan pagkapasok namin.

"Anong gusto mong kainin baby boy? Fried chicken?" Naaaliw si Max habang karga-karga ang bata.

Pumasok kami sa isang food court.

"Uupo na muna kami, ikaw na lang ang bumili."

Binaba ni Max ang bata. "Sige. Ikaw may gusto ka bang kainin?"

Umiling ako. "Wala, busog pa'ko."

"Ok." Tumalikod na ito kaya humanap na ako ng ma-uupuan. Hawak-hawak ko ang bata.

Mabuti na lang at may bakante pang mesa. "Miss." Tawag ko sa isang crew.

"Yes maam?"

"Pwede bang makahingi ng pang-batang upuan?"

"Opo maam. Wait lang po." Agad naman itong umalis at kumuha ng baby chair.

"Thank you." Sabi ko sa crew. Kinuha ko naman si baby at pinaupo. Yan, mas komportable na.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti, he have this cute and charming aura. Habang hinihintay namin si Max pinupunasan ko naman ang kanyang kamay gamit ang tissue at alcohol ko.

Labstory II (gxg) - SEQUELDonde viven las historias. Descúbrelo ahora