Chapter 26

9.2K 246 14
                                    

Angel's POV

"Becca? Hi." Agad akong bumeso ng makilala kung sino ang bisita ni kuya Alfonzo. His girlfriend, Rebecca Gutierrez.

"Angel. Kumusta?" Nakangiti nitong wika. She's gorgeous as ever.

"I'm fine, buti naman pumunta ka dito. Ang tagal na nating di nag-kita ah." Umupo kami sa sofa. "Saan si kuya?" Bumaba naman si Luis sa lap ko at agad nagtatatakbo. Sinundan ko lang ito ng tingin.

"Nagbibihis pa yata. Uhm oo nga, medyo busy kasi kami ni dad. Alam mo na, wala syang katuwang sa negosyo kundi ako lang. Si Lewis naman puro dugo at may sakit ang inaatupag."

"Hay naku, same as Max. Teka, di ba magkasabay sila ngayon sa Cebu?" Ang alam ko magkaklase si Max at ang kapatid nya sa medicine.

"Yeah, actually susunduin ko nga si Lewis at girlfriend nya mamaya sa airport." Kilala ko si Lewis pero hindi kami close, nakikita ko lang sya minsan kapag sinasama ni Becca sa mga party. She's also a lesbian.

"Ako rin susunduin ko si Max." 6 pm ang arrival nila kaya dapat maaga ako sa airport para hindi maipit sa traffic.

"Love, lets go?" Lumapit si kuya sa amin. "Andito kana pala Gel." Hinalikan nya ang noo ko. "Hey, Luis come here." Kinarga rin nito si Luis at hinalikan sa pisnge saka binaba ulit.

"Paano ba yan maiwan kana muna namin dito Angel. Humihingi kasi ng date tong kuya mo." She really have this sweet charm.

"Sure, no problem. Enjoy."

"Thanks. Bye." Nag-beso kaming dalawa.

"Take care kuya."

Kumindat naman si kuya bilang ganti. Hmmm.. Pa cute talaga.

Magkahawak kamay silang naglakad palabas.

"Manang." Tawag ko sa katulong ng maiwan na lang kami ni Luis dito sa sala.

"Po maam?"

"Iiwan ko muna si Luis dito. May pupuntahan lang ako pero babalik rin ako kaagad."

"Opo maam." Nilapitan nito si Luis.

"Ito ang mga gamit nya. Kapag umiyak sya, andito ang gatas nya. Ok?" Inabot ko ang maliit na bag.

"Ok po maam."

"At wag mo syang papakainin ng ice cream."

"Opo."

May tiwala naman ako kay Manang Fey kaya alam kong hindi nya papabayaan si Luis. Hinalikan ko muna ang pisnge nito bago tuluyang umalis.

I need to check the store. Ngayong ako na lang mag-isa ang nagpapatakbo nito kelangan ko talagang mag double effort. Tss.. Wala akong karapatang magreklamo dahil ginusto ko naman ito.

Pero aminin ko man o hindi malaki talagang kawalan ang pag-alis ni Abby sa company. Naiinis ako sobra, sana tinanggap ko na lang noon ang offer ni dad. Sana nga si Megan na lang ang kinuha kong business partner, di sana hindi mangyayari sa'kin to ngayon.

Speaking of Megan.

Papasok na sana ako sa kotse ko ng makita ko namang pumarada ang kotse ni kuya Lorenzo, i'm sure kasama nito si Megan.

"Kuya." Nakangiti kong wika ng bumaba si kuya Lorenzo sa kotse.

"Andyan ba si dad?" Lumapit ito sa akin.

"Wala, umalis sila ni mommy." Pasimple kong sinilip ang sasakyan nya. "Uhm sinong kasama mo?"

"Si Megan. Sige babalik na lang siguro kami mamaya." Tatalikod na sana ito.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now