Chapter 21

8.9K 248 19
                                    

Max POV

Sobrang busy ko ngayong araw. Kaninang umaga hindi na nga ako nakapag-paalam kay Angel na aalis dahil sa biglaang tawag sa akin ng kasama ko sa school. Malapit na rin ang exam namin kaya panigurado simula palang to sa pagiging busy ko. Dagdag pa ang trabaho ko sa hospital. Hayy, kelangan ko na sigurong mag-resign para mabigyan ko ng sapat na oras ang pagdo-doktor ko.

"Max hindi ka ba talaga sasabay sa amin?" Tanong ni Anton. Nag-aaya silang uminom sa bar.

"Hindi nga ako sasabay, kulit talaga nito. Sige na umalis na kayo baka umulan pa hindi pa yan matuloy." Sabi ko habang tinitingnan ang dumidilim na langit. Nasa labas kami ng school at kumakain ng barbeque.

"Bahala kana nga. Tara guys." Nagsitayuan silang lahat.

"Sige Max, aalis na kami." Sabi ng isa naming kasama.

Tumango lang ako. Nagsialisan na nga silang lahat kaya ako na lang ang naiwan dito sa mesa.

"Nay, magkano po lahat?" Ako pa ang pinagbayad ng mga kumag.

"200."

Ibinigay ko agad ang pera. Umalis na rin ako at tinungo ang sasakyan ko.

Bubuksan ko na sana ang kotse ng biglang may nahagip ang mata ko. 'Abby?' Napatigil ako. Hindi ako pwedeng magkamali, parang nakita ko talaga sya.

"Pssssttt."

Napalinga-linga ako sa paligid.

"Max." Isang kamay ang kumapit sa braso ko.

Napalingon agad ako. "Abby? Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti ito. "I want to see you."

"Ha? Teka paano mo nalaman na andito ako?" Inalis ko ang nakahawak nitong kamay sa braso ko.

"Pumunta ako sa trabaho mo kanina. Sabi nila wala ka raw. So yun I ask them kung saan ba kita pwedeng makita, sabi naman nila baka andito ka raw sa school." Binalik ulit nito ang hawak sa braso ko. "Alam ko kasi na wala ka sa bahay nyo."

Tinitigan ko ang kanyang mata. Ano na naman ba to.

"Abby, ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Walang-paligoy-ligoy kong tanong. "Alam ko na lahat, alam ko na kung ano ang mga sinabi mo kay Angel. Bakit mo kelangang gawin to sa amin? Hindi kita maintindihan."

"I'm sorry. Ang totoo nagseselos kasi ako sa kanya Max kaya nagawa kong sabihin na gusto ko sya para sa ganun malito sya. Pero ikaw talaga ang gusto ko. Ikaw at hindi sya."

"Pinaglalaruan mo ba kami? Pwede ba Abby wag ka ng magsinungaling, huling-huli kana."

"Hindi ako nagsisinungaling Max. Kayang-kaya ko yung patunayan sayo."

Sabay kaming napatingala sa langit ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Shit. Binuksan ko ang kotse at pinapasok na rin ito.

"Saan ang sasakyan mo?" Tiningnan ko ito.

"Sumakay lang ako ng taxi papunta dito." Sagot nito habang pinapahid ang medyo basa nyang braso. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at binigay sa kanya. "Thank you." Ngumiti ito kaya umiwas ako ng tingin.

"Hindi kita pwedeng ihatid kaya ---."

"Sorry kung sinabi ko yun kay Angel." Putol nito sa sasabihin ko. "Alam ko mali ang ginawa ko sa kanya pero wala na kasi akong ibang maisip para ---."

"Abby, listen. Kasal na kaming dalawa, ok? Alam ko na may iba kang rason kung bakit ginagawa mo to sa amin." Seryoso kong saad.

"What do you mean? Wala akong ibang rason Max." Hindi ito makatingin ng diretso sa akin.

Labstory II (gxg) - SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon