Chapter 43

7.2K 215 22
                                    

Angel's POV




"Ano namang itatago ko sayo?" Nagtatakang tanong ni Max.

Pigil na pigil ko ang sariling magalit. Tss.. Iniisip ko parin ang kalagayan nya.

Bumuntong hininga ako. Ugghh! Nakakagigil.

"Nevermind. Sa kwarto na tayo mag-usap." Tumalikod ako at pumasok sa loob ng bahay.

Ramdam ko namang nakasunod ito sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Pagkaakyat ko sa taas dire-diretso akong pumasok sa aming kwarto.

"Angel hindi mo pa ako sinasagot. Saan ka ba talaga pumunta kanina?"

Hinagis ko ang cellphone ko sa kama at hindi ito pinansin.

She suddenly grab my wrist. "Bakit ba ayaw mo akong sagutin." Alam kong nagtitimpi na rin ito.

"Fine. Gusto mo talagang malaman?" Hindi ko na kaya. Kanina ko pa to kinikimkim, feeling ko kunting tulak na lang at sasabog na ako.

Binitiwan nya ang kamay ko. "Oo. Gusto kong malaman kung saan ka pumunta kanina."

I take a deep breath. Bahala na. Malalaman at malalaman nya rin naman ang lahat kahit ano pang gawin kong pagtatago.

"Sa doctor." Lakas loob kong wika.

She doesn't seem surprised. "Bakit ka pumunta sa doctor."

"Ano ba sa tingin mo?" Naiinis ako. Ginagawa nya parin akong tanga.

Nakita ko ang paglunok nito. "Angel, ---."

"Hindi ba tama ako? Ikaw ang may tinatago sa akin Max."

"Anong ibig mong ---."

"Sabihin mo nga, hanggang kelan mo ba itatago sa akin ang sakit ko?" Gusto ko ng umiyak.

Halata ang pagkasurpresa nya sa sinabi ko.

"Total andito na rin tayo. Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ang totoo. Explain everything to me."

"L-love.." Yun lang ang lumabas sa bibig nito.

"Hindi mo ba inasahan na malalaman ko?"

Nakatitig lang ito sa akin.

"Alam mo iniisip ko parin kung saan ba talaga ako nagmana ng ugali. Pero ngayon sigurado na ako na kay dad ko nakuha ang lahat." I'm wise and manipulative, no doubt.

"Angel iniisip lang ni tito ang makakabuti sayo." Wow, nagawa nya pang depensahan ang ama ko.

"Bullshit!" Diin ko. "At ikaw anong iniisip mo? Alam mo ba kung ano ang nasa utak ko mula ng malaman ko na may problema ako?" Naluluha na ako. "I start to doubt my self. I start to doubt if i really deserve your love." Hindi ko alam kung tama ba ---."

"Ssshhh.." Hinawakan nito ang magkabila kong pisnge. "Don't say that. Napag-usapan na natin ang tungkol dyan. I choose to love you Angel. Please wag kang mag-isip ng ganyan."

"I'm insanely sick." Naaawa ako sa sarili ko.

"No, you're not."

Mapait akong ngumiti. "Really? Kaya pala ang tagal nyong tinago sa akin to." Tuluyan ng pumatak ang luha ko. "Max naman, tama na alam ko na ang lahat. I just need your explanation. Mas lalo akong mababaliw kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo."

"I'm sorry." Niyakap nya ako ng mahigpit. "I'm really sorry love."

"Please tell me."

"I will. Wag ka ng umiyak." Hinaplos nito ang likod ko. "I'm sorry."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now