Chapter 17

9.7K 257 19
                                    

Max's POV


Anong oras kaya yun uuwi?

Hay.. Nakakabagot.

"Oh love." Nagulat ako ng makita si Angel na pumasok ng kwarto.

Agad itong lumapit sa kama at gumapang papunta sa akin. "Sorry." Malambing itong yumakap at sumiksik sa katawan ko.

"Why? What happen?" Hinawakan ko ang mukha nito.

"Sorry kasi hindi ako nagpasundo sayo."

I just smile and kiss her forehead. "It's ok. Saan ba kayo pumunta?" Ang totoo kinabahan ako kanina nung nalaman kong aalis sya kasama si Abby. Ang babaeng hindi ko malaman kung ano ang gusto sa buhay. Tsk.. Mabuti at iniwan ko agad sya kanina sa parking lot, hindi ko talaga maintindihan ang babaeng yun.

"Wala. Wag muna natin syang pag-usapan baby." Yumakap pa ito ng mahigpit. "I miss you."

Masaya ako kapag sinasabi nya ang salitang miss nya ako kahit parati naman kaming magkasama. Feeling ko tuloy para parin kaming magkasintahan. "I miss you too love. Gutom kana ba? Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano baby basta luto mo."

Dahan-dahan akong bumangon. "Sige magpahinga ka muna tapos bababa lang ako para magluto ng pasta. Gusto mo yun?"

"Yeah." Tipid nitong sabi. Wala ba sya sa mood?

"Bakit parang matamlay ka yata. May masakit ba sayo?"

Umiling-iling ito. "Mabaho kasi yung nasakyan kong taxi kanina."

Natawa ako. "Yan kasi, sana tinawagan mo ako na uuwi kana para nasundo kita agad."

"Ok lang, pero next time hindi na talaga ako sasakay ng taxi."

"Mabuti naman." Tumayo ako. "Pahinga ka muna, babalikan na lang kita kapag luto na."

"Ok." Dumapa ito sa kama at binaon ang mukha sa unan.

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina. Binilisan ko ang pagluluto para makakain na kami agad, kahit ako gutom na rin.

Pagkatapos kong maihanda ang lahat binalikan ko si Angel sa kwarto.

"Love?" Maingat akong umupo sa kama. Nakatulog na yata ang asawa ko. "Love? Kain na tayo." Tumabi ako sa kanya at hinawi ang iilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. I really like watching her sleep, her face is so peaceful and innocent.

I give her a light kiss on her nose. "Love, gising na muna." Bulong ko.

Nagulat ako ng bigla itong bumangon. "Max!" Sigaw nito.

Agad kong hinawakan ang kanyang mukha para ma-relax ito. "I'm here love. Ssshhh.." Niyakap ko ito ng mahigpit.

She sob. "Akala ko iniwan mo na ako."

"Ha? Bakit ko naman gagawin yun love? You're just dreaming." Hinaplos ko ang kanyang buhok. "I love you."

Hindi na sa akin bago ang ganito. Noon talaga natataranta pa ako kapag nagigising sya sa gabi at sumisigaw.

"Hindi mo naman ako iiwan di ba?" Humihikbi parin ito.

"Hinding-hindi mahal ko. Ano bang klaseng panaginip yan ha?"

"Para kasing totoo eh. Sumama ka raw sa ibang babae tapos iniwan mo na lang akong mag-isa dito sa bahay."

"Hindi yun mangyayari love. It's just a bad dream." Pag-aalo ko sa kanya.

"Hindi ko alam ang gagawin kapag iniwan mo'ko Max." Tuluyan na itong napaiyak.

Tiningnan ko ang kanyang mukha at pinahid ang namamasa nyang mata. "Hey love look at me. Panaginip lang yun, ok? Hindi ko yun magagawa sayo."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now