Chapter 14

13.1K 294 59
                                    

Angel's POV





"Na-text mo na ba si Max?" Abigail asked. She invited me for dinner, hindi ko naman sya matanggihan kasi kundi dahil sa kanya hindi magiging successful ng ganito ang business ko. She talk with some investors to make my business wider.

"Yeah. Hindi pa nagrereply pero I'm sure pupunta yun. Siguro may inaasikaso pa."

We're here in a fancy restaurant. Naka-order na rin ako para kay Max kaya sana naman mabasa na nya ang text ko. Tinatawagan ko naman sya kanina pero hindi rin sumasagot.

"Tapos na ang shift nya di ba? Di dapat nakaalis na yun ngayon."

"Nag-aaral rin kasi sya, baka may dinaanan pa o may ginawa sa school."

"Pero dapat nagreply man lang sya. Para naman malaman mo kung nasaan sya o anong ginagawa nya."

Hindi ako sumagot at tiningnan ulit ang cellphone ko.

"Wala ba syang naging ex girlfriend?" Biglang tanong nito. She sound like she just ask it out of nowhere.

Napatingin agad ako kay Abigail. "Wala." Diretsa kong sagot. "Ako lang ang nag-iisang babae sa buhay nya." Kapante kong wika. "Bakit mo natanong?"

"Nothing. It just cross my mind."

"Well, hindi naman kasi sya katulad ng ibang tao."

Ngumiti ito. "Talaga? Pero I'm sure nagka-gusto rin sya sa ibang babae di ba?"

Di ko napigilang magtaas ng isang kilay. "No. Masyado nya kasi akong mahal kaya hindi na sya nagkaroon ng time para pagtuonan pa ang ibang babae."

Kapag naririnig ko ang salitang magkakagusto si Max sa ibang babae hindi ko mapigilang magselos at magalit. Iniisip ko palang parang gusto ko ng magwala at pumatay ng tao.

"Oh come on, tao parin sya Gel. I'm pretty sure she had a crush on someone before pero hindi nya lang pinapahalata kasi baka magalit ka."

Tsss... Is she teasing me?

I chuckle. "I don't know. Maybe, yeah baka nga nagkaroon sya ng crush dati pero crush lang naman yun. I really don't care"

Of course i'm lying. I do really care, si Max magkakaroon ng crush? Ganun ba sya kaganda para maging crush nya? Tsss..

"Alam mo kung katulad ni Max ang darating sa buhay ko siguro papakasalan ko rin. Para kasing napaka-bait nya at maalaga."

Hindi ko alam pero iba yata ang dating sa akin ng sinabi nya. Pero di ba homophobic sya?

"Kahit babae pa?" Nagbibiro kong wika. I just want to see her reaction.

"Sure, ok lang. Basta ba katulad kay Max ang mga katangian." She smile and tuck her hair on the ear.

I stay calm. Kung hindi ko pa kilala kung ano sya baka iba na ang iniisip ko ngayon. Baka pinagselosan ko na sya, pero hindi. This is just a nonsense conversation kaya hindi ko sya papatulan.

"Well goodluck. I hope you can find another Max." Ngumiti ako ng plastik.

"Thanks. Feeling ko nga malapit na." Nonsense really.

"Alam mo baka mahirapan ka. Dalawa lang kasi ang kilala kong may ganung katangian eh."

"Ha?" Napakunot ang noo nito na parang hindi nya ako magets.

"Yung isa kasi pagmamay-ari ko na tapos yung pangalawa naman....papalapit na." Tumayo ako at sinalubong si Max.

"Sorry love di na ako nakareply ha. Nagmamadali kasi akong umalis sa meeting." Sabi agad ni Max ng makalapit.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now