(30) September 6

241 7 0
                                    

(30) September 6

[ Cindy's P.O.V.]

Kasalukuyan akong naglilinis ng lamesang tapos na sa pinaggamitan ng customer.

Nilapitan  naman ako ni Aris at kinuha yung mga gamit na na bowl dito sa lamesa.

"Salamat." sabi ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Ayoko kasing pumunta sa may lababo para ilagay yung mga nagamit na bowls doon dahil nandun si Pedro. Syempre hindi ko pa rin nakakalimutan kung anong klaseng tao siya. Hays, naalala ko na naman ulit si Trisha.. ayos na kaya ang pagtrato sa kanya ng tito niya? mukhang ganun pa rin yata..

"Ayos ka lang?" Bigla akong natauhan nang biglang nagsalita si Aris. Nasa tabi ko pa rin pala siya.

"Oo, salamat." sagot ko na may kasamang tango. Pinagpatuloy ko nalang ang pagpunas sa lamesa atsaka nagpatuloy naman sa may kabilang mesa.

"Miss?"

Napalingon ako sa customer na nasa gilid ko at agad kong pinuntahan yun.

"Paorder pa ulit. Two orders, take out." sabi nung lalaking customer na may kaedaran na.

"Okay po, sir."

Dali dali naman akong pumunta sa counter para i-follow up yung order.

"Kuya Edwin, two orders po for take out. Table 8." sabi ko at biglang sumulpot dito sa may kusina si Trisha.

"Cindy!" tawag niya sakin sabay lapit at hila palayo kay kuya Edwin.

"Oh?" nakatingin ako sa mukha niyang parang nagulat.

"Yung lalaking customer na sinabi ko sa'yo na taga Love Road? nandito siya ngayon!!" mahina pero halata sa boses niya ang excitement.

"Talaga?" di makapaniwalang sabi ko habang hila hila niya ako palabas ng kusina. Sa wakas, makikita ko na rin yung lalaking nagpainlove sa kaibigan ko! hehe.

"Nasaan?" tanong ko kay Trisha habang pinalibot ko ang tingin sa mga customer at bigla naman akong natigilan nang makita ko si Kian..

"Ayun, oh! yung nakatungong lalaki na may hawak na cellphone!" kinikilig na bulong niya sakin.

"S-Siya!?" sabay turo ko kay Kian. Halos 'di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. K-Kelan pa siya nandito!?

"Oo! ano ka ba! wag mo ngang ituro, nakakahiya!" pagpigil sakin ni Trisha. Bigla namang napatingin sa direksyon namin si Kian. Napalunok ako at nag pa-automatic na talikod ko.

Wag niyang sabihing nakita niya ako!

"Ehem. Nakatingin na siya satin. Ikaw kasi masyado ka namang nagpahalata." bulong ulit sakin ni Trisha at bigla namang dumating si Pedro at sinaway kami.

"Anong tinatayo niyo diyan at nagawa niyo pang magtsismisan!? Oras ng trabaho eh.. tulungan niyo nga dun sina Aris." suway samin ni Pedro. Nataranta naman ako, 'di alam kung saan pupunta. "Oh! bigay niyo sa table 5." pahabol niya pa.

Napatingin ako sa table 5 at anak ng pating talaga! si Kian yung nandun sa table 5..

"C-Cr lang po ako." palusot ko para makatakas na makatago kay Kian. Nginisian naman ako ni Pedro sa narinig. Bigla tuloy umatras ang paa kong hindi nalang pumunta sa cr!

Kinuha naman ni Trisha yung tray na may laman ng order at siya na ang nagbigay dun sa table 5..

T-Totoo nga na gustong kumain ni Kian ng ramen ngayon.. Hindi ako makapaniwalang kakain siya dito ng mag-isa at hindi kasama ang mga kaibigan niya..

"Akala ko ba magc-cr ka?" pagtataka ni Pedro. "Gusto mo ba samahan pa kita?" Hinimas himas niya pa ang buhok ko.

Napaatras ako habang umiiling at nginiwian siya.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now