(41) Not so new mate

7 1 0
                                    


Kinabukasan.

< Cindy's P.O.V. >

At dahil dumadami na ang customer sa Ramen shop na pinagtatrabahuan ko, request ni Boss Pedro na magduty ako mamayang hapon pagkatapos ng klase ko.

Hindi ko naman matanggihan dahil kawawa naman silang tatlo nina Trisha dun kung sila sila lang ang kikilos.

"Deep in thought?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Pam. "Cindy, what now? we need to do the video na or else wala tayong maipapasang project on time." sabi nito pagkaupo niya sa tabi ng seat ko.

Oo nga pala! di pa kami nakakapagvideo ng documentation about homeless people..

"Sige, gawin na natin mamaya pero mabilisan lang, kailangan kasi ako sa trabaho mamaya eh.." paliwanag ko. Napabuntong-hininga naman siya.

"Fine, basta kailangan matapos lang natin 'to." sabi ni Pam at umalis na siya sa tabi ko para bumalik sa talagang seat niya.

Hays, ok lang naman siguro kahit ma-late ako ng konti mamaya sa shop diba?

3hrs later...
Uwian.

"Pam, halika na." aya ko na sa kanya na busy pa sa pagreretouch.

"Saan ba banda yung mga homeless people? let's just meet nalang dun kasi I have to change clothes first. I don't want to wear uniform while doing that." sabi niya habang patuloy siya sa paglalagay ng mascara sa pilik-mata niya.

"Pero-"

"No pero pero Cindy! Remember, ako yung nasa video so I need to look formal and pretty. Text mo nalang sakin yung location." pagputol niya sa sasabihin ko. Wala naman akong magagawa at napahinga nalang ako ng malalim bago ko siya iniwan sa room.

Ayos! mukhang may malelate talaga sa trabaho ah...

Habang naglalakad ako papunta sa lugar ng mga homeless people ay pinag-iisipan ko kung uuwi din ako ng bahay para magpalit ng damit o hindi na..

.. Napagpasyahan ko din agad na wag nalang. Baka mamaya dumating na  din kasi dito si Pam.

25mins later...

Mag-aalas-kwatro na, wala pa din siya.. malelate na talaga ako nito sa shop..

"Pot, si ate Cindy ba yun?"

"Gagi, baka kamukha niya lang?"

Napalingon ako bigla sa gilid ko sa narinig ko at abot langit naman ang ngiti ko nang makita ko si Osang at si Potpot, mga kakilala namin ng kapatid ko nung nasa kalye pa kami. Kinawayan ko naman agad sila at agad na lumapit sa kanila.

"Osang! Potpot!" nakangiti kong bati sa kanila. "Kamusta? ang tagal na nating hindi nagkikita ah."

"Ate Cindy ikaw yan!?!?" di makapaniwalang sambit ni Pot.

"Oo, ako nga!"

"Sabi ko na sayo eh si ate Cindy yan eh." sabi naman ni Osang.

"Gagi men, mayaman kana? anong nangyari sayo?" sabi ni Potpot habang tinitingnan ang buong pagkatao ko.

"Hindi! may kumupkop lang samin kaya nasa maayos na kalagayan na kami ni Isaac. Ngayon nakatira na kami sa kamag-anak namin." Nawala naman bigla yung ngiti ko nang napagtantong buhay-kalye pa din 'tong dalawang batang 'to..

"Sana may kumupkop din samin.." nalulungkot na sabi ni Osang.

"Osang-gala!! wahahahahaha!!! ang pangit na nga ng pangalan, pangit pa ng mukha! kaya di ka magustuhan ni Tupe eh! nyahahahaha!"

Napatingin naman kami sa grupo ng mga kabataan na sumisigaw.

"Hoy, Nica! sinong sinasabihan mo ng pangit ha!? Grrrr." akmang susugudin naman ni Osang si Nica pero napigilan ko pa.

"Teka, sandali nga!!" awat ko sa kanila, pero nagpumiglas naman 'tong si Osang sa pagkakahawak ko sa kanya at sinugod bigla yung Nica atsaka sila biglang nagsabunutan. Nagkantyawan lang yung ibang kabataan na kasama nung Nica habang pinapanood sila.

"Huy!! tigilan niyo na nga 'yan!" sigaw ko habang sinusubukan kong paghiwalayin silang dalawa. "Gusto niyo bang kalbuhin ko kayo ha para di na kayo makapagsabunutan!? may dala ako ditong gunting! sorry nalang sa magugupitan nito!" pananakot ko sa kanila. Pero hindi pa din sila tumigil. "Sige! guguntingin ko na kayo!"

"Oh my god! what the hell is happening here!?!?!?" Si Pamela, dumating na pala.

Inawat naman bigla nung mga kasamahan nung Nica at napatigil naman silang dalawa ni Osang sa pagsasabunutan. Napatingin din naman agad silang lahat kay Pam.

"Wala te, tinetesting lang namin mga buhok namin kung matibay." sabi nung Nica sabay tawa pati ng mga kasamahan niya. Napatingin naman ako kay Pamela na ngayon ay may nagtatakang mukha.

"What!? tinetesting- really??" napatingin naman sakin si Pam. Teka.. wag niyang sabihing maniniwala siya don??

"Halika na nga, Pam. Osang at Pot sama kayo samin." sabi ko habang hinatak na sina Pamela, Osang at Pot palayo sa lugar na 'yon. Masasayang lang kasi oras namin dito kung di pa kami aalis.

Napagpasyahan nalang din namin na sina Osang at Pot yung iinterviewhin namin sa documentary na gagawin namin. At sa awa ng Diyos, natapos din yung pagvivideo namin. Binigyan din naman namin sila ng dalawang basket ng mga grocery items at bigas pagkatapos.

"Yay, we're done!" masayang tugon ni Pam sakin.

"Ieedit pa natin 'to. May kilala ka bang marunong? mas maganda sana kung-" Napatakip ako bigla ng bibig nang naalala kong... "Alis na pala 'ko, Pam! may trabaho pa pala ako!!"

"Huh? wait.. don't leave me here! It's only 7:30pm. Hatid mo muna ako sa sakayan. I'm not familiar with this place! nakakatakot dito. Kanina lang may nag-aaway, and there's a lot of stray dogs everywhere." medyo natataranta na niyang sabi.

Napabuntong-hininga nalang ako at hinatid na siya sa may sakayan.

Pagkatapos nun ay nagmadali na akong pumunta sa Ramen Shop at hingal na hingal na dumating dito.

"S-Sorry, late ako. May tinapos lang." hingal na hingal na pagkakasabi ko pagkalapit ko sa may counter.

"Cindy?? magpahinga ka muna diyan sandali at hingal na hingal ka. May bago naman nang nahire si tito na tutulong satin, hihi." Parang kinikilig pa na pagkakasabi ni Pam.

"Oh, buti naman." sabi ko habang nakatungo at hinahabol pa din ang hininga ko. Phew, buti naman at may bago kaming makakatulong dito sa shop. Ang hirap kasi 'pag kami-kami lang ang kikilos lalo na't dumadami ang mga kumakain dito...

"Bigay mo 'to sa Table 7, Kian." rinig ko kay kuya Edwin kaya naman napaangat agad ako ng ulo at anak ng kabayo! nakita ko yung pagmumukha ni Kian!!

ANONG GINAGAWA NIYA DITO!?

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now