(3) Meeting Kian

498 16 1
                                    


(3) Meeting Kian

< Cindy's P.O.V. >

"Who are they?" tanong ng anak ni Mam Anna at medyo kinabahan ako kaya napatingin nalang ako ng diretso kay Isaac.

"Oh, Kian! meet Isaac and his sister Cindy." masayang pagpapakilala sa amin ni Mam Anna sa kanya. "Simula ngayon, makakasama na natin sila dito."

Napalunok ako at napatingin ako dun sa anak ni Mam para makita kung anong naging reaksyon niya. Kinakabahan ako.

"What? ..why?" nakakunot-noong tanong niya at bigla siyang napatingin sa damit na suot-suot ni Isaac. "And why is he wearing my old shirt?"

"I gave it to him, Kian. Tutal pinanliitan mo na naman yung damit na 'yan. So instead na itapon at ipamigay sa iba, why not giving it to him?" paliwanag ni Mam Anna sa anak niya at nakita ko namang napatingin na sa akin si K-Kian..

"Okay, whatever. Pero bakit sila titira dito?"

"Sa labas lang sila natutulog at wala silang tirahang matutuluyan at dahil narin natuwa ako ng ibinalik ni Cindy sakin yung nahulog kong wallet non, sinama ko sila dito."

"Don't tell me ma, nag-uuwi ka na ng pulubi dit—"

"Stop questioning me, Kian!" seryosong suway sa na sa kanya ni Mam.. at napa-walkout habang umiiling nalang yung anak niya.

"M-Mam Anna.." hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ng pinigilan niya ako.

"You can just call me Tita Anna, not mam." seryoso niyang pagkakasabi at parang natakot ako bigla kaya napatango nalang ako.

"Mukhang ayaw po samin ng anak niyo.. aalis nalang po kami." napatango naman si Isaac sa sinabi ko. Tama naman kasi na umalis kami dito dahil wala naman kaming karapatan ng kapatid kong manirahan at makasama nila kami sa bahay nila.

"Don't worry, 'wag kayong matakot. Mas ligtas kayo dito kaysa sa labas." sabi nya ni Mam.

"Pero—"

"No buts. Ako ng bahala sa inyo." at lumapit siya samin para yakapin kami.

Binigyan naman kami agad ng kwarto ni Mam Anna para daw makapagpahinga muna kami pagkatapos naming nag-uusap-usap. Sinabi niyang hati lang muna daw kami sa iisang kwarto na mayroong double deck bed habang hindi pa nalilipat ang study room ng anak niya.

"Napakabait ni Mam Anna, 'no?" nangingiti kong usap kay Isaac habang nakaupo ako sa ibabang bed at siya naman yung sa taas.

"Oo nga ate, eh. Ang lambot nung kama, ang sarap matulog nito!"

"Kaso, nakakatakot yung anak niya. Ayaw satin.. sa bagay, isang pulubi lang naman tayo para manirahan dito sa mala mansion bahay nila."

Nang wala na akong marinig na boses ni Isaac ay napasilip ako sa taas at nakitang nakatulog na ang kapatid ko.

Napahiga nalang ako sa kama ko at nakaramdam nalang bigla ng antok pagkalapat ng likod ko sa may kama.

--

<Kian's POV>

I can't believe mom would bring someone like that in our house. Alam na kaya 'to ni dad? tsk.

"Hey, lalim ng iniisip natin, ah. Balita namin sayo may chix na nakatira dito sa bahay niyo? haha. Gusto naming makita, dude." si Kevin.

By the way, nandito nga pala sa bahay ang mga tropa kong babaero. Nagsipuntahan sila dahil gusto daw nilang makita yung pulubing ikwinento ko kay Lloyd. Tss, basta sa babae talaga ang ative nila. Mga babaero talaga.

"Baliw. Hindi chix yun, pulubi nga eh." panlilinaw ko.

"Ano? nagdala si Tita Anna ng chix, i mean, pulubi sa bahay niyo?" 'di makapaniwalang pag-uulit ni Clarisse.

"Akala ko pa naman chix." sabat naman nitong si Mark at binatukan naman siya agad ng girlfriend niya na si Frances.

"Yeah, hindi ba kayo nakikinig? palibhasa nakarinig lang ng babae, chix agad sa inyo. " naiinis na sabi ko sa kanila, mga chicboy talaga anwala.

"At bakit naman nag-uwi si tita ng pulubi dito sa house?" singit ulit ni Clarisse. "Be careful, baka may balaking masama yun dito or pagnakawan pa kayo."

"Well kung intensyon ng pulubing 'yon na magnakaw sa bahay, uunahan ko na siya I can give her money basta umalis lang siya dito sa bahay namin."

Naagaw ang atensyon naming lahat sa may kusina ng may narinig kaming may nabasag na baso.

I stand up and immediately runs to the kitchen to check what happened.

At ngayon ko lang nalaman na lampa din pala ang pulubing yon. Nakita ko ang bakas sa mukha niya na natatakot siya at medyo naluluha. Nanahimik nalang ako habang nakatingin sa kanya pati sa nabasag na baso. Narinig niya siguro yung pinag-uusapan namin ng mga kaibigan ko .

"P-pasensya na..sorry po.. 'di ko sinasadya.." she said with teary eyes while she's trying to pick up the broken pieces ng nabasag na baso sa sahig. Pinabayaan ko lang siya at tinitingnan lang ang ginagawa niya.

"Hey, anong nangyayari dyan dude—oh, she's the girl?" biglang sulpot ni Kevin

Napatingala naman yung babae kay Kevin at ibinalik din naman agad yung atensyon sa pagpupulot ng mga bubog.

"Oh, anong ginagawa mo diyan? Let me help you." sabi ni Kevin. Heh, what is he trying to do? hokage talaga siya tss. Siya yung pinaka chickboy sa tropa, pati pulubi papatulan.

"Pre," tawag niya sakin. "Papanoorin mo lang ba kami dito? Hindi ka ba tatawag ng maid para tulungan kaming ligpitin 'to?" sabi niya with matching kindat.

"Heh, busy yung mga maid." wala kong pakeng sagot. Aalis na sana ako ng bigla akong may narinig.

"Aw.."

Napatingin ako dun sa babae.

"Ayan tuloy, nasugatan na si baby." sabi ni Kevin habang kinuha niya yung nasugutang kamay nung babae at pinatayo na niya siya. "Gamutin natin yan baby."

Baby daw? kadiri niya.

Nang nakatayo na yung babae at tumingin sa kanya, biglang lumapad ang ngiti ng babaero, the fvck?

"Chix naman pala talaga eh," nakangising baling sakin ni Kevin.

Tsss, whatever.

Umalis na akong kusina. I don't care about her anyway.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now