(42) Let's have a deal

8 1 0
                                    

<Cindy's P.O.V.>

"Puno na yung basura, kailangan itapon na 'to." sabi ni kuya Edwin. "Kian, tapon mo muna 'to sa trashbin sa labas."

Inabot naman agad yung mga plastic ng basura kay Kian.

Sinundan ko naman siya sa labas at kinuha ko na yung pagkakataong tanungin siya.

"Hoy, Kian. Anong ginagawa mo dito ha?? hindi ko alam kung nang-iinis ka lang o sinusundan mo lang talaga ako eh.." naiinis pero mahinang sabi ko sa kanya. Mahirap na pag may nakarinig samin.

"Kung sinusundan lang kita, bakit ko naman gagawin yon? hmm?" sabi niya na may pang-asar pa na mukha.

"Ewan.. Malay ko sayo!? sa dinami-dami kasi ng pwedeng pag-applyan dito pa talaga?? atsaka, alam mo ba kung magkano lang ang kinikita namin dito kada araw?? eh ang yaman yaman mo na, nasa inyo na lahat, magtitiis ka pa bang magtrabaho dito?"

"Cindy, calm down. Naiinip lang naman ako sa bahay at gusto ko may gawin ako. And... and.. I-I need an actual experience! Balak ko din kasing magtayo ng sarili kong business. And Ramen Restaurant ang gusto kong ipatayo. I want to observe.. and know how things work here sa Ramen Shop niyo." paliwanag niya naman na ikinaspeechless ko naman bigla.

"Ano kokontra ka pa?" tanong niya ulit nang hindi ako makapagsalita.

Teka, hindi pwedeng wala akong pambara sa kanya. Isip Cindy, isip.... >_<

"Ah... t-talaga ba??? dito talaga!? Eto lang ba yung Ramen Shop sa buong mundo?"

"You know what, isipin mo na gusto mong isipin." nginitian niya pa ako pagkatapos at inumpisahan niya nang ilagay isa-isa yung mga plastic na puno ng basura sa trashbin.

"Alam mo wala akong iisipin sayo, kaya nagtatanong na ako sayo. Pero sige.. ikaw bahala... bahala ka sa buhay mo. Basta wag mo nalang sabihin sa kanila na magkakilala na tayo at wag mo kong kakausapin kapag nandito tayo sa loob."

"Why not?"

"Kasi ayoko lang malaman ni Trisha na matagal na tayong magkakilala.. crush ka kasi niya simula noon pa nung nag-order ka samin ng ramen for delivery at sya yung nagdeliver sa bahay niyo.. hindi ko sinabi noon sa kanya na kilala kita kasi for sure gusto ka niyang makilala at ayaw din naman kitang istorbohin nun, naiintindihan mo na?"

"Ohh, I don't blame her kung naging crush niya ako but thanks for telling me. And sure deal, I won't tell anyone here na magkakilala tayo. But wag mo naman akong pagbawalan dito sa shop like you're the owner of this place, heh.

"Ok, deal! Chupi." pagtataboy ko sa kanya at nauna na akong pumasok sa loob.

"Chupi!?" gulat na pagkakasabi niya pero hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan ko na siyang iniwan.

~*~*~

Fast forward....
10:47pm.

"Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" biglang usap nitong si Kian na nakasunod pala sakin na naglalakad pauwi.

"Hindi." simpleng sagot ko.

"Heh, what an irresponsible useless bf you have. Sabay kana sakin sa car, pareho lang naman tayong taga-Loveroad." aya niya sakin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Makasabi ng irresponsible useless bf kay Kevin, akala mo naman ikinalamang niya na yon.

"Hindi mo ba alam? dumating na mama niya kahapon galing states kaya naiintindihan ko kung bakit wala siyang time sakin ngayon?" sabi ko.

"What!? No, I didn't know about that.. what a surprise.." react naman nitong si Kian.

May nakita naman akong bukas na tindahan at nilapitan muna iyon. Napapagod na kasi ako at parang gusto ko uminom ng malamig na softdrinks pangpalamig ng ulo ko na kanina pa mainit. Baka kahit papaano naman ay maibsan 'tong pagod at kawalan ng mood ko ngayon.

"What are you doing? bibili ka?" habol sakin ni Kian nang makita akong papunta sa may tindahan pero hindi ko lang siya pinansin.

"Pabili po ng coke." sabi ko sa tindera.

"Hey, ako din." sabi niya. Hinarap ko naman agad siya.

"Akin na pera." sabi ko.

"Tss." inabot niya naman sakin yung 200pesos na sahod na ibinigay ni Boss Pedro sa kanya.

"Sobra. Etong 100 lang." Ibinalik ko naman agad sa kanya yung isa niyang 100.

"No, just keep the change." sabi niya nang hindi kinukuha yung pera sa kamay ko.

"Kunin mo na. Pinaghirapan mo 'to kanina sa pagtatrabaho. Sayang naman yung pagod mo kung-"

"I just want a softdrink." pagputol niya sa sinasabi ko.

Nanahimik nalang ako at binulsa ko nalang yung 100 pesos pati yung sukli niya. Okay, mayaman siya eh. Ayoko nalang makipagtalo, napapagod na ako.

"Oh." abot ko sa kanya ng softdrinks na nasa plastic.

"Why is it in a plastic? akala ko nasa bottle or can yung binili mo." puna niya pa. Etong mayaman na lalaking 'to talaga, first time niya lang ba makakainom ng coke sa plastic?

"Pareho lang 'yan, atsaka mas mura yung nasa plastic kaya pwede na yan." nakakunot kong sabi sa kanya sabay higop ng coke sa straw.

"Is this also one about pulubi things do?" tanong niya nang naglakad na kami.

"Seryoso ka ba? Syempre hindi! Alam mo Kian, ikaw na rich kid. Pasensya kana kung wala kang kamalay-malay na nakasanayan naming laki sa hirap na sa plastic uminom ng coke ha." sarcastic ko na sagot. "Atsaka ba't kaba nakasunod sakin? may kotse ka diba? ayaw mo gamitin?"

"Alright, let's go to my car."

"Kasama ako?" tanong ko.

"Yeah."

"Salamat nalang! pero maglalakad lang ako."

"Alam mo ikaw lang siguro yung maarte na pulubi na nakilala ko. Isasabay na nga kita para makauwi ka kaagad pero tinanggihan mo pa, tsss."

Teka.. pulubi?.. kailan niya ba matatanggal sa isipan niya na hindi na ako pulubi?..

"D-Didiretso ako sa bahay ni Kevin!" pagsisinungaling ko. "Kaya mauna kana."

Pagkatapos ko namang sabihin yun ay tuluyan niya naman agad akong iniwan dito mag-isa at sumakay na sa kotse niya..

Hindi na ata talaga magbabago ang tingin sakin ni Kian..

.
.
.

< Kevin's P.O.V. >

"Sa monday makakapasok na si Lianne sa school mo. Please guide her as it will be her first day there." Sabi ni mom at napatango nalang ako. "And next friday, babalik na ako sa states so while Lianne is still looking for somewhere to stay, I suggest na dito nalang muna siya tumira with you para maguide mo siya sa mga lugar dito. Samahan mo siya lagi kung saan siya pupunta so she can be familiar with this place."

"Mom, I told you I already have a girlfriend so I can't promise that I'll spend most of my time with her."

"Who's your girlfriend? do you have a photo? can I see it?"

Binuksan ko agad yung gallery ko at pinakita sa kanya yung isang stolen shot na kuha ko kay Cindy.

"I know you're just playing with that girl. Break up with her."

"What? I'm serious about her, mom."

"No, you can't be with her. You look better with Lianne."

"Hindi ako makikipagbreak kay Cindy."

"Kevin! I'm your mom, I know what's best for you!"

"No.. I can't do that, mom.. I love her.."

"Love? well, someday I know you will realize everything. So for now go and get close with Lianne."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now