(14) A new friend

331 11 4
                                    


(14) A new friend

<Cindy's POV>

"Sige na po, kuya. Kahit isa nalang din ako sa mga taga-deliver niyo ng pagkain, ayos na po yun sakin! Kailangan ko lang po talaga makahanap ng trabaho ngayon." pangungumbinsi ko kay manong dahil malapit na yung time para sa pangalawang klase ko. Kailangan hindi na ako ma-late ulit kundi mapapalabas na naman ako. Sayang yung pagpapaaral sakin ni Mam Anna kung hindi ko gagawin iyon sa tama.

"Haist! sige, sige na! sabado at linggo ang simula ng trabaho mo. Sige, alis na!" pagtataboy ni manong sakin at nginitian lang ako nung kasama niyang babae.

"Yehey! maraming salamat po! bye po!" masigla kong paalam sa kanila.

Ito yung huli kong inapplyan at pinilit ko nang makapasok ako dahil kailangan kong magkaroon ng trabaho agad. Atsaka babalik na ako sa school, baka ma-late pa ako ulit.

Tinakbo ko yung school namin at grabe mukha akong naligo sa pawis pagkarating ko ng school. Ang dungis ko na.

Pagkapasok ko ng gate, may mga nakatambay na babae na halos nandidiri ang tingin sakin.'Di ko nalang sila tiningnan at nakatungo nalang akong naglakad.

"What happened to that girl?.."

"Ang baho niya na siguro, ew. Basang-basa siya ng pawis."

"Oo nga, parang 'di babae."

"I know, right. May burara pala dito sa school na 'to."

Kinuha ko nalang yung panyo ko at pinunas punas sa sarili ko. Wala ding silbi dahil basa na rin yung panyo ko, huhu. Nakakahiya naman kung papasok ako ng room ng ganito. Tapos aircon pa sa loob ng room, baka magkasakit ako n'yan.

Napabuntong-hininga nalang ako. 'Di na naman ba ako ulit papasok niyan? Iniisip ko palang ang magiging bulong-bulungan ng mga kaklase ko sakin 'pag nakita akong ganto, parang gusto ng umatras ng paa kong hindi na pumasok.

Mabagal lang akong naglakad papuntang room at nagpaypay ng sarili gamit yung panyo. Bahala na.

"Hey." Lapit sakin ng isang babae.

Nakakapagtaka lang at may lumapit saking babae.. bubullyhin ba 'ko nito?...

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at mas lalo ko pang binilisan yung paglakad ko.

"Wait, miss!"

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya at napatungo. Ano bang kailangan niya sakin?..

Nakita ko nalang na inabutan niya ako ng panyo. A-Anong gagawin ko diyan?

"Tatanggapin mo ba o hindi?" tanong niya. Binigyan ko lang siya nang nagtatakang mukha at dahan-dahang kinuha yung panyo. "Punasan mo 'yang pawis mo."

Ginawa ko naman 'yon pero naalinlangan akong gamitin dahil bago nadikit ang panyo sa mukha ko ay naamoy ko yung pabango doon. Ang bango. Parang nakakahiyang ipangpunas lang ng pawis..

"Okay lang. Gamitin mo na." sabi niya pa at dinampi ko na yun sa mukha ko at pinunasan yung noo, gilid ng pisngi, leeg, at kung ano pang mapupunasan.

"Salamat.." nahihiya ko pang sabi. Napangiti naman siya sakin.

"Kelsey." sabi niya sabay lahad nung kamay niya.

"Cindy." sabi ko naman pabalik at  nakipagkamay.

Ang lambot ng kamay niya! napabitaw nalang tuloy ako agad. Baka kasi naramdaman niya kagaspangan ng kamay ko, nakakahiya.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon