(13) Notice me, senpai

329 11 2
                                    


(13) Notice me, senpai

< Cindy's P.O.V. >

Ginawa na palang kwarto yung study room ni Kian at nandito na ako ngayon. Dito na raw ang kwarto ko sabi ni Mam Anna. Hindi ko akalain na kay Kian pala yung study room na 'to dati?.. nag-aaral pala siya? hmmm.

Hindi rin pala ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari sa ginawa ni Kian sa cellphone na binigay sakin ni Kevin. Nag-aalala ako kung anong magiging reaksyon niya 'pag nalaman niya yung nangyari. Pero siguro naman okay lang kay Kevin, matagal niya naman yatang kilala si Kian na ganun atsaka mabait naman si Kevin.

Naligo na ako at nag bihis at pagkatapos ay bumaba na papuntang kusina. Nadatnan kong kumakain na sila Isaac, Kiara at mam Anna sa lamesa.. nasaan si Kian?

"Good morning sister!/Morning ate/Goodmorning, Cindy." sabay sabay nilang bati sakin

"Morning." bati ko pabalik sa kanila na may ngiti ng konti at umupo na.

"By the way Cindy, nauna nang umalis si Kian. Hindi nga kumain ng almusal eh. Alam mo ba kung bakit?"medyo nag-aalalang tanong ni mam Anna pagkakain ko.

"Ah... 'di po eh." sagot ko.

Baka naman tuluyan nang mas nagalit sakin si Kian.. Hays, hindi ko kasi siya maintindihan! Nananahimik lang naman kasi ako pero siya 'tong mahilig manggulo.

Tiningnan ko ang oras, 6:25 ng umaga na. Ganito kasi yung oras nung dumating si Kevin dito kahapon para sunduin ako. Magsasabay kaya kami ulit pumasok ngayon?

Hinintay kong dumating si Kevin hanggang sa mag-6:45.

Male-late na 'ko.. mukhang 'di na yata siya darating.

"Do you want Philip to drive you nalang to school? you're getting late na." Mam Anna.

'Di na ako nagsayang ng oras at nagpahatid nalang ako sa driver nilang si Philip papuntang school. Late na ko nito, lagot.
.
.
.
.
.
"You, Miss transferee! you're late in my class!" Alam ko..

Matamlay na dumiretso ako papunta sa may upuan ko.

"Did I tell you to sit down, miss transferee!? Get out!" Okay.

Lumabas ako ng room ng naluluha. Konti nalang at tutulo na yung luha ko. Ano bang nangyayari sakin?..

Pinunasan ko ng panyo yung luha na namumuo sa mata ko. Maganda siguro kung tatambay nalang ako sa garden dito.

Biglang naman akong kinabahan nang makasalubong ko si Kevin. Babatiin ko sana siya pero bigla niyang tinuon ang atensyon niya sa cellphone niya at nilagpasan ako na parang 'di niya ako nakita.

"Kevin!" 'di ko napigilang tawag ko at napatigil naman siya sa paglalakad at lumingon sakin.

Wala siyang sinabi kahit isang salita. Hinihintay niya lang ako sa kung anong sasabihin ko..

"Kevin, sorry.." Yan nalang ang lumabas sa bibig ko. Mukhang alam niya nang nasira yung cellphone na binigay niya sakin.. Akala ko pa naman 'di siya magagalit or magtatampo. Bigla akong nainis sa sarili ko.

"You don't need to be sorry.. I understand." walang kabuhay-buhay niyang sagot. "It's best if we don't talk." sabay alis niya ulit.

Huh?? bakit ayaw niya na 'kong makausap?? dahil ba yun cellphone na binigay niya at nasira yun? hindi ko maintindihan!

Napabuntong-hininga nalang ako. Siya na nga lang ang nag-iisang nakakaintindi sakin tapos mawawala rin siya sa buhay ko? hays..

Umupo nalang ako sa isang bench dito sa garden ng school at tiningnan yung mga halaman. Kung nakakapagsalita lang ang mga butterfly, higad at langgam edi sana may kumakausap sakin dito para magbigay ng advice para kausapin ulit ako ni Kevin. Kaso hindi eh, nandyan lang sila pero atleast sinasamahan nila ako.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now