(23) Friend request

283 12 1
                                    


(23) Friend request

< Cindy's P.O.V. >

"Cindy!"

Napabuntong-hininga ako nang marinig ko yung boses ni Kian. Napalingon naman si Dave sa my gilid namin at napatigil na kami sa paglalakad.

"Ayan ba yung sinasabi mong groupings? kayong dalawa lang!?" taas boses niyang tanong sakin.

Talagang hinintay niya ako dito ha.

"Oo." simpleng sagot ko. Totoo naman kasing dalawa lang by group eh..

"Tsss. At saan naman kayo pupunta?" tanong niya ulit.

Hay nako, ang daming tanong. Pwede naman na siyang umuwi.

"Sa may coffee shop lang, bro. Don't worry, wala naman akong balak na masama kay Cindy. Pag-uusapan lang namin yung documentation project na gagawin namin." biglang singit naman nitong si Dave.

Nakita kong kumunot ang noo ni Kian kaya binaling ko ang atensyon ko kay Dave. "Sorry sa kuya-kuyahan ko ah? Ganyan lang talaga siya, laging highblood. Alam mo naman 'pag tumatanda.." mapang-asar na parinig ko kay Kian.

Sinadya kong sabihin 'yon kay Dave para maasar si Kian. Tulad kasi ng kay Kevin, parang ayaw niya rin akong pasamahin kay Dave. Ano bang problema niya sakin at ayaw niya akong magkaroon ng kaibigan o makakasama man lang?..

Deserve ko namang magkaroon ng kaibigan ah..

[ Kian's POV ]

"Sorry sa kuya-kuyahan ko ah? Ganyan lang talaga siya, laging highblood. Alam mo naman 'pag tumtanda.."

What the fvck? Anong pinagsasasabi niya??

Kuya-kuyahan!?..

At ako tumatanda kaya laging highblood!? Eh sa pagkakaalam ko magkasing-edad lang kami, damn it!

I brushed my face because of embarrassment. Tumawa kasi yung pa-cute na lalaking kasama ni Cindy sa sinabi niya about me, fvck!

Kuya-kuyahan pala..

"Sasama ako sa inyo sa coffee shop sa ayaw't sa gusto niyo!" I said as I'm trying to calm myself down. Tsk.

"No problem, bro." sabi nitong panget na 'to and Cindy just gave me a big sigh. Heh, naistorbo ko ba sila sa date nila? Buti nga.

Dumating kaming coffee shop na nakasunod lang ako sa kanila, tch! Nagmumukha akong chaperone kakasunod sa kanila, tsk. Sa gwapo kong 'to? tsss.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now