(19) Delivery girl

300 10 0
                                    


(19) Delivery girl

< Cindy's P.O.V. >

"N-Natatakot ako sa kanya.. ang dami nang namasukan dito pero hindi rin nagtatagal.. kaya nabuhayan ako ng loob ng dumating ka, Cindy.. may makakasama na ulit ako dito at makakausap.." humahagulgol niyang sabi kaya hinagod ko lang ang likod niya at sinusubukang patahanin siya.

Mukhang nakakaranas din siya nang panghihipo sa tito niya. At ang matindi, baka nga hindi lang hipo ang ginagawa sa kanya..

Naaawa ako sa kanya..

Pinunasan niya naman ang mga mata niya atsaka ngumiti. "Sorry, Cindy. Hindi ko napigilan."

"O-Okay lang. Pwede mo sakin ilabas lahat ng saloobin mo na 'yan sa susunod." sabi ko naman at nginitian din siya pabalik.

"Salamat. Tara na, bubuksan ko na yung shop para makapagsimula na tayo sa pagtrabaho."

Tumango ako at sinundan ko siya palabas ng room.

<Kian's POV>

"Bakit hindi mo pa kasi ligawan si Clarisse ha, Kian!?" Franchesca.

"Oo nga, nag-kiss na pala kayo eh, hahaha." Kevin.

"Baka hindi lang kiss nangyari sa inyo?" Mark.

"Hahaha." Lloyd.

Mga baliw talaga 'tong mga kasama ko, sarap patalsikin dito sa bahay. Mamaya marinig ni mom mga pinagsasasabi nila sa sobrang ingay nila and maybe pag-chismisan pa ako ng mga katulong sa bahay, tsk.

Ayoko sanang harapin mga tropa ko ngayon but every saturday talaga nandito sila para tumambay, haist! and then Clarisse went to my room and then she kissed me for no reason! at brinoadcast niya pa talaga sa mga tropa namin kaya eto puro pang-aasar ang ginawa samin ng mga babaerong 'to.

"Hays, oo nga Kian. Wala ka bang formal na pangliligaw na gagawin sakin? I'm waiting for years! but still you're not doing any move.." nalulungkot na sabi ni Clarisse.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maligaw-ligawan si Clarisse.

"I just thought that maybe hindi ko na kailangang manligaw para sagutin mo 'ko, Clarisse.." nakangisi ko namang banat sa kanya. Naghiyawan na naman ang mga mokong, tsss.

"You're right. But I want you to court me." lapit nito sakin sabay yakap sa may braso ko.

"Kawawa naman si Lloyd! siya nalang yung walang girlfriend 'pag naging kayo, hahaha!" sigaw nitong si Mark. Sinamaan naman siya ng tingin ni Lloyd.

"Si Kevin pa, dude." paala ko sa kaniya. Baka nalilimutan niyang wala pa ring girlfriend yung babaero na 'to.

"Oh, akala ko sila na ni Cindy?" si Mark.

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now