(29) Unexpected remembrance

237 6 0
                                    

(29) Unexpected remembrance

< Cindy's P. O. V. >

Sa sobrang bilis niya maglakad habang hila-hila niya 'ko, nabangga ako sa kanya nang bigla siyang tumigil sa tapat ng isang jewelry shop.

A-Anong ginagawa namin dito?..

"Kian, ano yung emergency na nangyari??" pagtataka ko.

"I wanna buy something for her. Please help me of what should I pick." sabi niya at pumasok na siya sa loob kaya napapasok na rin ako dahil hila-hila niya pa rin ako.

"Hindi si mam Anna yung nag-text?" tanong ko ulit.

"What? no. Wag ka na magtanong, sumunod ka nalang."

Emergency na 'to para sa kanya? o baka palusot para makabili si Kian ng pangregalo kay Clarisse? Sisimulan na niya yatang ligawan siya.. kawawa naman si Kevin. Mukhang gusto ni Clarisse si Kian eh. Mab-broken-hearted na naman  yata siya, hays..

"Hmmm.." - ako na tinitingnan yung mga jewelries dito sa shop.

"Just take your time to look for a good one." sabi niya sakin habang tumintingin rin siya dito.

"Ano bang alam ko dito? sana sa iba ka nalang nagpatulong.." reklamo ko. May klase pa kasi ako baka ma-late ako sa second subject.

"Edi piliin mo nalang diyan kung saan ka nagagandahan, tsss."

"Pwede na 'to. Baka ma-late pa ako sa second subject ko." sabay turo ko dun sa isang kwintas para matapos na.

"Are you sure?" sabay tingin niya dun sa napili ko.

"Oo, pwede na 'yan." tinatamad na sagot ko. Halos lahat naman ng nakadisplay dito para sakin maganda naman lahat.

"Tsss, okay." sabi niya at pinakuha niya na yung kwintas dun sa salaminan at nagbayad na agad gamit ang card sa may cashier. Pagkatapos ay nag-drive na si Kian pabalik ng school at nakaabot naman ako sa second subject ko.

At nung dumating ang oras ng uwian ay wala na kaming inaksayang oras ni Pamela at ginawa na namin yung documentation video namin sa labas. Salamat sa Diyos at natapos din naman namin iyon agad kahit na late na kami nakauwi. Pag-e-edit nalang ang kulang.

"Good evening po." bow ko kay Mam Anna na ngayon ay nadatnan kong nanonood ng tv sa sala.

"Oh, Cindy Good evening. Nakahanda na ang dinner mo sa kusina. Kain ka na, baka gutom na gutom ka na." sabi niya sakin. Alam niya kasing ginawa ko ang project ko kaya na-late ako ng uwi ngayon.

"Sige po." sabi ko at dumiretso na ng kusina.

Bago pa ako nakapuntang kusina ay nakita ko si Kian na pababa sa hagdan. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa may loob ng kusina.

"Cindy."

Napalingon ako kay Kian habang tinatanggal ang takip ng pagkain sa lamesa.

Nagulat naman ako nang nilapag niya sa tapat ko yung box ng kwintas na binili namin kaninang umaga sa mall..

"She didn't like it. Sayo na 'yan." walang kaemo-emosyong sabi niya sakin. Medyo nahiya ako ng konti dun. Baka tingin niya na naman sakin niyan, walang ka-taste taste dahil sa pinili ko.. pero..

"Di niya talaga tinanggap??" pagtataka ko.

Sa pagkakaalam ko kasi, pag gusto mo ang isang tao, kahit anong ibigay niyan, tatanggapin at magugustuhan mo.. pero bakit hindi naging effective kay Clarisse? mukha namang gusto niya si Kian eh..

Atsaka, buti naman at 'di niya ako sinisisi ngayon na hindi iyon tinanggap ni Clarisse.

"Hindi nga. Ayaw mo rin ba sa pinili mo? sige itatapon ko nal--"

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now