(27) New partner

257 7 0
                                    

(27) New partner

< Cindy's PO.V. >

Panibagong araw na naman at heto nagpahatid na ako kay kuya Philip papuntang school. Hindi nga ako masyado nakatulog kagabi kakaisip sa mga nangyayari.

Bumaba na akong sasakyan at pumasok na sa gate ng campus. Napatingin ako sa may relo ko at 6:20 palang. Medyo maaga-aga pa para dumiretso ako sa room kaya napagdesisyunan kong umupo muna dito sa mga bench dito malapit sa may gate. Kinuha ko ang cellphone at nagbukas ulit ng fb.

At 'di na ako nagulat, bumungad ulit ang picture ni Kevin pati ng girlfriend niya. Sa ngayon, wala ng epekto sakin ang mga bagay na ganito at hindi ko na rin iyon naiisip. Maliban nalang sa cellphone na bibilhin ko na katulad ng ibinigay niya sakin para maibalik sa kanya, hindi ko pa yun nakakalimutan.

"Hey, Cindy?"

Napatingala ako dito sa kinauupuan ko at nakita ko si Dave.

"Oh, Dave." bati ko sa kanya. "Okay ka na ba? pasensya na talaga sa kuya-kuyahan ko, ah.. mainitin kasi talaga ulo nun kaya sorry sorry talaga."

"I'm fine now so... maaga ka pala pumapasok?" tanong niya at napatango lang ako. "I talked to Mam Castro yesterday... and I told her to change us being partners in the project.."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. "Paano na yung napag-usapan natin? diba napagplanuhan na natin ang lahat? may alam na ako kung saan makikita ang mga homeless people at--" di ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla siyang sumabat.

"Yeah yeah I know, but this won't work. I think hindi natin matatapos ang project kung tayong dalawa parin ang magkapartner."

"Dahil ba yun kay Kian?--err, sa kuya-kuyahan ko?" tanong ko pero 'di siya sumagot. "Mukha namang pinagsisihan niya naman yung nagawa kahapon kaya sa tingin ko hindi niya na tayo ulit papakialaman."

"Cindy, we're just going to change our partners, hindi ako mawawala. Nandito lang ako." nakangiti niyang sabi kaya bigla akong huminahon sa naging asal niya. Ehem. "Do you like me, Cindy?"

"H-Ha? ano?" di ko makapaniwala kong tanong dahil sa narinig ko.

"I mean do you like me to be your partner in the project?" nakangiti pa rin siya sakin habang sinasabi iyon.

"O-Oo naman.. atsaka may plano na tayo sa project natin tapos magpapalit lang pala tayo ng kapartner.."

"I'm sorry, Cindy. Nasabi ko na kay Ma'am na magpapalit tayo ng partner.."

Napabuntong-hininga nalang ako. Ano pa bang magagawa ko? kasalanan 'to ni Kian. May pasuntok suntok pa kasi siyang nalalaman! natakot tuloy si Dave.

"Ah, hindi ka pa pupunta sa room?" tanong niya. Umiling nalang ako at pinauna ko na siya.

Hays. Dito muna ako tatambay habang wala pang 7am. Mabuti nang lumanghap muna ako ng sariwang hangin dito sa labas nang guminhawa naman ang pakiramdam ko..

Tumigil ang mundo ko nang napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Kian at nakatingin din sa may direksyon ko... Teka.

Pinanliitan ko siya ng mata para malinawan kung siya nga ba talaga ang nakikita ko.

"Cindy"

Napatingin tuloy ako sa may gilid ko sa may tumawag sakin at napatayo agad ako bigla nang makita si Mam Castro.

"Yes Ma'am?.. Good morning po." bati ko.

"Good morning. Your new partner in my project is Miss Pamela Salazar. Good luck."

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now