(21) Account

310 9 1
                                    


(21) Account

< Cindy's POV >

"May I take your order, sir?" tanong ko sa isang customer dito sa shop. Pansamantalang naging waitress muna ako at tagatanggap ng tawag sa telepono. Ayaw kasi akong paalisin ni Pedrong manyak dito sa shop niya dahil gusto niya raw akong makita, hays..

"Pa-order ako ng isa, yung medium." sabi ng customer at isinulat iyon sa maliit na notepad na hawak ko.

"Okay, sir. Isang medium size bowl of ramen." pag-uulit ko sa order niya at pumunta sa may counter.

Ibinigay ko naman agad yung isang notepad kay Pedrong manyak sa may counter at sinadya pamg hawakan ang kamay ko pagkaabot ko sa kanya nung papel, argh.

Nginisian pa niya ako habang nakatingin sakin kaya napatalikod nalang ako at napabuntong-hininga.

Nakita ko naman si Patricia na papasok dito sa shop na nagliliwanag ang mukha. Mukhang may magandang nangyari, ah.

"Uy, blooming ka yata ah?" pansin ko sa kanya nang nakangiti. Nakatanggap siguro 'to ng tip sa customer.

"Ah, wala. In love na yata ako.." sabi niya at biglang lumawak yung ngiti niya.

Ang saya nang makita ko siyang ngumiti ng ganun. Ngayon ko lang kasi nakita yun at ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ngumiti siya ng ganun.

"Oy! oras ng trabaho ngayon!" biglang sigaw samin ng tito niyang manyak. "Dalhin niyo 'to sa table 3!"

Nag-unahan pa kami ni Trisha sa paglapit sa counter sa sobrang taranta. Pero siya na yung kumuha ng order para ibigay sa customer. Inspired eh.

.
.
.
.
.

"Trisha, ikwento mo na sakin kung bakit ka inlove!" excited na sabi ko sa kanya dahil gusto ko siyang magkwento. Free time kasi namin ngayon. Wala yung tito niyang manyak dahil may nag-aapply na bago dito sa shop at kinausap 'yon. Pinagpahinga naman kami ni kuya Edwin kaya magagawa naming magkwentuhan ngayon.

"Wala lang 'to.. na-love-at-first-sight lang ako sa isang customer na pinagdeliveran ko kanina ng order." kumikislap yung mga mata niyang sabi.

"Wow naman! taga saan?" curious ko na tanong. Masaya kasi ako para sa kanya at sa tingin ko close na kami para alamin yung lovelife niya hehe.

"Taga Love Road Subdivision. Alam mo bang bihira lang yung mga customer namin na taga dun?"

"Ah, oo. Marami talagang mga gwapo at magagandang nakatira dun. Dun nga ako nakatira eh, hehe." share ko lang sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Talaga??... pwede ba akong dumalaw sa inyo paminsan-minsan 'pag may time? baka sakaling makita ko siya doon 'pag pumunta ako ulit sa subdivision na yun."

The Pulubi Girl Living With The Rich GuyWhere stories live. Discover now