Prologue

48.7K 499 16
                                    

Prologue

Pinuntahan ko na ang mga alam kong lugar na natunguhan ni bes pero wala pa rin siya. Lalo na iyong paborito niyang lugar at iyon ay 'yung lugar kung nasaan iyong puno ng mangga. Lahat ng lugar na pinuntahan niya talaga dito sa Quezon City. Pero wala pa rin kahit anong sign na nagawi rito si Aly.

Napapikit ako dahil baka tumulo na naman ang luha ko. Kapag nakikita ko sa phone ko iyong ngiti ni Aly hindi ko maiwasan tumulo ang luha ko. Bes naman kasi! Ano ba kasing ginagawa mo sa buhay mo?!

Pagkatapos noong aksidente ni Gideon at nakita ko siya hospital, hindi na kami gaanong nakakapag-usap. Hindi naman siya nagsasabi sa akin! Nakakainis! Tapos ngayon nabalitaan ko umalis siya?! Kainis, bes! Nakakainis ka talaga! Ito na nga iyong inaasam natin e, gagraduate na tayo o! Ito na o, pero umalis ka naman! Kapag talaga nakita kitang babae ka, sasampalin kita!

Nang wala akong nababalitaan tungkol sa kanya at pinagtatanong na siya sa akin ng mga classmate niya ay pumunta na ako sa bahay nila ni Gideon. Pero walang tao sa bahay na iyon. Nakailang tawag at text ako kay Aly pero wala pa rin. Kinakabahan na ako kaya pumunta ako sa bahay niya dati...sa mommy at daddy niya. Pero wala rin siya doon. Wala na rin sila tita at tito roon. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung ano ang unang ikikilos ko dahil wala na akong mapagtatanungan. Kaya pumunta na akong Autohub para kay Gideon, pero ayaw nila akong papasukin. Hindi ko nga lang si mamura dahil hindi naman ako sanay. I'm just asking about Aly pero wala silang maibigay sa akin. Kung si Gideon ang dahilan nito, malilintikan talaga siya sa akin! Bwisit!

Kaya pag-uwi ko sa bahay nag-isip agad ako ng maari kong gawin. Kung ayaw nilang kumilos para hanapin siya ako ang hahanap sa best friend ko. Hindi ko kaya at hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Naisip ko, maaring nandito pa rin si Aly at hindi pa siya nakakalayo. Maaring nagtatago o umalis siya ng Quezon City? Hindi ko alam, pero hahanapin ko siya kahit saan man na alam ko.

"AAAH KAINIS!" Napahiga ako sa kama ko nang lahat ng lugar dito sa Quezon City na napuntahan niya at nacheckan ko na! Kainis! Saan naman kaya iyon?! Tinaas ko pa iyong papel at napapikit.

BES! KAINIS! SAAN KA BA?! MALAMAN KO LANG NA OKAY KA TITIGIL NA AKO! KUNG GUSTO MONG MAPAG-ISA OKAY SIGE! BASTA ALAM KO LANG NA MAAYOS KA! KAINIS!

Bwisit! Halos sigawan ko na ang sarili ko para kay Aly. Hindi ko na namalayan ang luha ko na tumulo na naman. Napapikit ako. Please, please! Saan pa ba siya pwedeng magpunta? Napalog-in ako sa facebook at tinignan ko ang profile niya.

AJ Rodriguez

Pumunta agad ako sa photos. Tinignan ko iyong mga album niya at naningkit ang mata ko doon sa isang album.

Bulacan =)

Nakapangalan na Bulacan ang isang album niya roon. Tinignan ko ito para makita ko iyong lugar at kung saan iyon. Pero wala akong makita na maaring impormasyon. Bwisit! Bes, minsan maglagay ka kung saan a! Bwisit! Sinave ko na lang sa iyong ibang picture na pwedeng makatulong sa akin. Maaring nandito si bes. Maaring nandito siya. Walang masama kung pupuntahan ko ito.

Lord, sana nandito si Aly. Sana nandito po siya.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang hikbi ko. Pupunta akong Bulacan para sa kanya...para sa'yo best friend ko. Napatayo ako.

Pero...pero paano?

Naubos na iyong allowance ko kakaalis? Hindi ko alam kung saan iyon? Hindi ako gaanong maalam sa lugar?

PAANO?

Napasabunot ako. Paano na Nica? Ano nang balak mo? Kailangan ka ng best friend mo?! Hindi ka pwedeng maging duwag sa oportunidad na binigay sa'yo?! Napapikit ako para makaisip ng paraan. I need someone...someone who can help me.

Hindi pwede ang mom niya o kaya ang dad niya.

Sino pa ba?

Hindi pwede si Gideon dahil maaring siya ang may kasalanan nito?

Sino pa?

O God. Napabukas ako ng mata sa naiisip ko. No, hindi pwede! Hindi pwedeng ang unggoy na 'yun! Hindi...OO NA SIYA NA.

Karl de Vera

Napairap ako at napatayo. Wala na akong magagawa since best friend niya si Gideon which is may kasalanan SIGURO nito. Kailangan magdusa rin ang best friend niya! At saka kilala rin naman niya si Aly at nagkagusto siya rito?! Napairap ulit ako. Bakit ba ganito?! Kainis. Naiinis ako kapag naiisip ko itong unggoy na 'to?!

"Hindi ka pwedeng umayaw, Karl. Hindi pwede." Napangisi ako at kinuha ang phone ko para itext siya.

To: Karl

Maghanda ka! Aalis tayo!

Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti. I need to coerce Karl to help me. Kung magdudusa ako rito kailangan siya rin. Ganun 'yun! Napasuot na ako ng aking sapatos. Sinuklay ko lang ang aking buhok sandali at lumabas na ng bahay. Pupuntahan ko siya para makasiguro ako. Pumara  ako ng jeep para makapunta sa condo niya. Sandali lang ang pagbyahe kapag hindi traffic. Saka patok naman itong sinakyan ko kaya makakarating ako agad doon.

Ito iyong maganda sa patok e, pumasok ka ng maganda ang buhok pagbaba mo mukha kang baliw dahil sa buhok mong gulo-gulo. Well, hindi na ako magrereklamo dahil nandito na rin naman ako malapit sa building nung kay de Vera. Naglakad pa ako ng kaunti para makarating talaga sa condominium.

Alam ko pa naman kung saan siyang unit. Mabuti na nga lang mabait ang mga guard dito dahil hindi na ako inusisa. Nakapasok agad ako at nakarating sa floor kung saan ang unit nung unggoy. Napabuntong hininga ako noong nasa tapat na ako.

BAKIT NAMAN AKO KINAKABAHAN? Duh! Si Karl lang 'to! Rinig na rinig ko ang kalabog ng dibdib ko.

Kumatok ako pero walang nagbubukas ng pinto. "Karl," I whispered. Gaga! Ba't ka bumulong Nica! "KARL!" I knocked on the door pero wala pa rin.  Ay bwisit 'tong si Karl! Hindi ata nagbabasa ng text! Kumatok ako ng kumatok pero wala pa rin kaya napahawak ako sa door knob! Oh Lord, sorry po trespassing na po ata 'to. Sorry, desperada na ako para kay Aly. Kailangan ko lang ng makakatulong dito!

Hindi nakalock kaya pumasok na ako. "Karl?" Ay! Nandito ba ang unggoy na 'yun? Tinawag ko ang pangalan niya at nilibot ang mata ko sa loob ng unit niya. Ganun pa rin kapanget kasing panget niya...kasing panget ng dimples niya...ng mata niya...ng katawan niya! Basta kasing panget niya!

Oh my God, Nica maghunusdili ka!

Lumibot ako sa kusina niya pero wala siya roon. Kaya wala na akong rason para hindi buksan ang kwarto niya. Nang hahawakan ko na ang door knob ay may narinig akong ingay. Napatalon ako nang marinig kung ano iyon. May umuungol na aso! Oh my! Ano 'yon? Tinapat ko pa ang aking tenga sa pinto nung kwarto niya at lalong lumakas ang ungol! Pero ungol ng babae na ang narinig ko!

Baka...baka may nangyayari na!

Dali-dali kong binuksan iyong pinto ng kwarto niya at nalaglag ang panga ko sa nakikita ko. Napatakip ako ng bibig dahil may nakapatong na hubad na babae doon kay Karl.

O Lord, hindi po niya alam ang ginagawa niya. Patawarin mo po siya.


A Trip to Love (ARTL, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon