CHAPTER 53: RESEARCH

Start from the beginning
                                    

"Good morning kuya. Kamusta na yung pakiramdam mo?" tanong ni Kaycee.
"Okay na ako Kaycee. Ang galing kasi ng nurse ko eh." sabi ko sabay tingin kay Athena.
"Well thanks to Ate Athena. Kasi kung hindi dahil sakanya hindi ka gagaling." sabi ni Kaycee.
"Nako! Wala yun. Ganon naman talaga pag magkaibigan diba?" sagot ni Athena.

She look at me and she smile.

"Maiba ako, alam niyo kagabi nanaginip ako na may nag sabi daw saakin ng I LOVE YOU. Kaya lang hindi ko nakita yung mukha niya eh." kwento ko.

Biglang nabulunan si Athena.

"What happened ate Athena? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Kaycee.
"Ah oo naman Kaycee. May na alala lang ako. Never mind." sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Ewan ko ba kung anong nangyayare sa babae to. Ang wierd niya ata ngayon ah. -_______-

******

Nagdecide kami ni Athena na magcommute nalang papunta sa school. Habang nag lalakad kami papasok ng university, hindi kami nag kikibuan ni Athena. Ano ba talaga kasing nangyayare sa babaeng to? Bakit parang awkward ata siya saakin?

"Athena?"
"NAKO WALA AH! WALA AKONG SINABING GANON OKAY? WALA! WALA KANG PROWEBA!" Sabi niya.

Bigla akong napahinto sa pag lalakad at tinignan siya na parang ewan.

"Ha? Ano yung ibig sabihin mo Athena? Ano yung wala?" pag tataka ko.

Tinignan niya ako tapos bigla siyang tumawa ng malakas.

"Ah wala! Sabi ko ang ganda ganda ko. Hahahaha." tumatawang sabi niya.

Ha? Ano daw? Ang wierd talaga ng babaeng to. Ganon ba yung epekto pag kulang sa tulog ang mga babae? Ang gulo ah -______-

"Athena pwede ba na tayo nalang yung partner sa thesis? Lahat kasi sila may partners na eh." sabi ko.
"Sige! Sure kendrix." Nakangiting sagot niya.
"Okay. See you sa library mamayang uwian ah? Kailangan natin mag research para thesis natin." sabi ko.

Hindi na siya sumagot and she just smile.

******

@THE LIBRARY...

Habang nag hihintay sa pag dating ni Athena, naghanap muna ako ng libro na pwedeng mabasa. Kinuha ko yung Romeo and Juliet na libro at binasa ko. Now I understand kung bakit gustong gusto ni Athena ang libro na to. Kasi kahit medyo tragic yung ending ng story, Romeo and Juliet proves that they love each other so much. And they fight for their love hanggang sa kamatayan nila. Kahit naman ako noh! Handa akong ipaglaban si Athena hanggang kamatayan eh. Maya maya pa, dumating na si Athena. Pero nasa malayo palang siya, amoy na amoy ko na yung mabahong kinain niya.

"Athena ano yung kinain mo?" tanong ko.
"Salted peanut na may maraming maraming bawang. Bakit?" Tanong ko.
"Wala. Ang baho kasi eh." sabi ko.

Tingnan niya ako ng masama sabay hampas sa balikat ko.

"Che! Arte neto. Ang sarap sarap kaya ng Salted peanut na may maraming bawang. Hay ewan ko sayo. Tara na nga. Maghanap na tayo ng libro na gagamitin natin para matapos na tayo." sabi niya.

Hindi ako sumagot at sumunod nalang. Naghiwalay muna kami para maghanap ng libro na magagamit namin. Nang makakuha na ako, agad ko siyang hinanap para tanungin kung okay na ba tong nakuha kong mga libro. Pero naabutan ko siya sa isang bookshelf na may inaabot na libro.

"Hay! Ang cute talaga ng mahal ko. Para siyang bata na hindi abot yung gusto niyang laruan. Hehehe." Bulong ko.

Lumapit ako sakanya at kinuha yung libro na gusto niyang kunin tapos bigla kaming nag katitigan.

"Ah thank you Kendrix. Tara na. Mag research na tayo para matapos na. Mag gagabi na oh." sabi niya sabay iwas ng tingin saakin.

Bigla akong napangiti nung nakita ko na namumula yung mga pisnge niya. Ang cute talaga ng baby ko. Hehehe. Habang nag aaral kami, hindi na namin na pansin ang oras. Eh lahat kasi ng attention ko na kay Athena na eh. Sobrang seryoso kasi ng mahal ko sa pag aaral eh. Kahit na seryoso yung itchura niya, maganda parin siya eh. Hindi rin pala napansin na kami nalang ni Athena yung naiwan dito. Pero okay lang. As long as kasama ko siya. Okay lang ako. Hehehe. Hay! Ewan ko! Hindi ko alam kung ano yung nangyayare saakin eh. Hindi ko talaga maiwan na titigan yung magandang mukha niya eh. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinawi ko yung buhok niya papunta sa likod ng tenga niya gamit yung ballpen na hawak ko.

Bigla namang napalingon saakin si Athena at tinignan ako na parang ewan.

"Ah...ahh... Hinawi ko lang yung buhok mo kasi nakakasagabal sa pag aaral mo eh." sabi ko sabay balik sa pag babasa.

Sa kalagitnaan ng pag reresearch namin nang biglang namatay ang mga ilaw tapos ang sumunod nalang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Itutuloy...

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now