Ayako

Dismayado. Iyan ang mapapansin sa mga pagmumukha namin ngayon nina Anx, Ammony at Arabelle. Sabi ni Arabelle ay hindi naman 'yon clue at papel lang na walang sulat. Nasayang lang ang pinaghirapan namin at puyat namin para makuha 'yon. Nainis si Ammony at Anx dahil sila talaga ang nag effort ng sobra.

"Sorry, wala talaga eh." Arabelle shrugged. Napatungo nalang ako habang ang dalawang lalake ay nagdadabog pa. "Ampapanget niyo, umayos nga kayo."

"Sayang puyat ko kasi" Maktol ni Ammony at tumingin saakin na nakabusangot. "Asan na pala si Atler?"

"Baka na-late ng gising dahil sa stress na nasugatan ang avatar?" Tumawa si Anx at napatawa na rin si Ammony. Mga baliw nga.

Tumayo ako at tinaasan ako ni Arabelle ng kilay. I mouthed na magsicr ako at tumango nalang ito.

Hindi ko masasabing close na kami pero nagkakasundo na rin kami kaya wala na ako masyadong problema. Kailangan rin ata niya ng kadamay ngayon dahil wala ang kaibigan niya dahil sa kapatid nito. Baka nalulungkot siya at wala siyang kasama kaya sasamahan ko nalang siya.


Palabas na sana ako nang makita ko si Atler na palapit na sa pinto ng classroom namin. "Atler!" Tinawag ko ito.

Napatingin naman siya saakin at kinawayan niya ako. Nagmadali siyang lumapit saakin at huminto sa harap ko. "Saan punta?"

"Cr lang." Tungo ko. "Hanap ka na nila doon." Ngiti ko at nilampasan na siya.


Pinalampas niya muna ako bago siya dumaan sa gilid ko para pumasok sa room. Lalayo na sana ako para maglakad pa pero biglang umalingawngaw ang nakakabinging sigaw ng isang lalake sa likod ko.

"Atler!" Nakahiga na si Atler at namimilipit sa sakit nang makita ko siya. "A-ano meron?" In an instance ay dinayo ng maraming tao ang pwesto namin. Nagsilapit na rin sila Anx, Ammony at Arabelle sa amin. Medyo nagpanic ako at hindi ko alam ang gagawin. Mas lalong hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari.

"A-ang sakit ng likod ko" impit na sigaw ni Atler.

"Shhh wag ka sumigaw." Medyo nagpapanic na rin na sabi ni Arabelle at tumingin saakin na hindi rin alam ang gagawin.

Inilayo ko nalang siya ng kakaunti at ang dalawang lalake na ang sumuri sakanya.

"Anong meron?"
"Ewan sumigaw lang siya pagkatapak palang sa room eh"
" Kawawa naman"
" Baka nadulas? "
" Hala bakit may dugo? "

Agad na nabaling ang tingin namin nang makarinig kami ng dugo.


Sa sahig ngayon ay nagkalat na dugo na papunta sa pwesto ni Atler. Mapula... at nakakadiri kasi sariwa pa ito. Nagtinginan si Ammony at Anx na parang nagkakatindihan bago nila inikot si Atler para makita ang likod nito.




Napasinghap ang lahat sa nasaksihan namin sa puting uniform ni Atler.




May guhit ito ng tumatagos na pulang dugo.... kagaya ng naging sugat ng avatar niya sa Koete.

"Tabi!" Biglang nahawi ang mga tao na nakapalibot saamin nang biglang may nagmamadaling lalake na pumunta saamin at kinarga agad sa likod niya si Atler. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi man lang namin nakausap at nakita ang lalake na dumaan.


Pero isa lang ang nasa isip ko.

"A-Aiden?"


----------

"MAY SUNOG SA CLINIC!"

"SI ATLER!"

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now