Ayako

"Literally, what is this?" Reklamo ni Anjelou habang nakatitig sa isang area sahig na pinapalibutan namin. Kanina pa kami nakaupo at nakatitig sa sahig at kanina pa nagsasakitan ang ulo namin kakasolve. Well, mostly ang mga lalake lang naman ang nagsosolve. Wala naman kaming kwenta dito ni Anjelou.

"Can you stop your complaints and just guess this? Tatlong araw na tayong andito. I'm starving, sweating and I really want to go home. If alam ko lang na kada isang araw ay kada isang game dito sa Koete ay sana hindi ako pumayag sa plano niyo." Reklamo na rin ni Ammony at napatayo.

Yes he was right. Three effin days. Andito na kami nakatambay ng tatlong araw. No foods and such, tinuring talaga kaming avatar. Napipiga na ang energy namin at wala na kaming lakas para magsolve pa.

Napatahimik ng saglit ang grupo namin at napatingin ako sa kabilang dulo ng classroom. Nakatayo ang limang avatar at nakapalibot rin. They were paralyzed a minute ago pero ngayon ay automatic silang nagtipon para sagutan ang last game.

Habang nakatingin ako sa kanila ay pnagmamasdan pa rin ng kagrupo ko ang litrato na pinapakita sa baba. I really don't know what that is. Blur siya, and hindi ako familiar sa app. It has a blue theme, parang sinulid ang mga lines na nagdedesign sa kanya. It's impossible na famous app 'to kasi wala akong alam ni hint sa app na 'to. Hmp. If only we weren't in this virtual word at nasa totoong buhay edi sana masisearch namin 'to.

Anx turned to look at me. Lumapit siya at bumulong. "Alam mo ba?" Napailing nalang ako bilang sagot. During the past two days ay nagkaayos kami, not bringing up the topic. Casual lang kaming ulit nag-usap at hinayaan ko nalang na huwag nang alalahanin ang nangyari. Syempre, para masolve ng maayos ang mga games kailangan ng teamwork. Gulat nga ako at sa mga gan'tong events pala ay magagamit ko ang utak ko. Lalo na sa game 1 at 2. Akala ko 'yon na ang pinakamahirap pero may hihirap pa pala.

Napapunas nalang sila ng kanya kanya nilang pawis at sinubukan pang mag-isip. "Phew, kahit ako hindi ko rin alam. Never in my life akong nakakita ng ganyang app." Biglang singit ni Ammony. Napatango naman si Anjelou kahit nakakunot ang noo. Mukhang seryoso na 'to. Hindi na ata siya magrereklamo pa. "Anjelou, baka alam mo? Being one of the greatest players in Koete baka may nakita kang hidden na ganito sa mga quest mo?"

Agad na umiling si Anjelou. "Wala akong alam na ganyan. I swear. Si Arabelle partner ko sa pagiging magaling sa Koete. If only she was aware edi sana makakahingi tayo tulong-- pero seryoso di ko 'to alam."

Tinaas naman ni Atler ang kamay niya. "Me neither." Sabay sabay kaming napabuntong hininga. Paano na namin 'to gagawin?

Now that I think of it, guessing is more difficult than solving. Mas madali na magsolve na may mga utak ang kasama mo kesa  sa humula na wala talaga kayong alam. Swerte na nga namin kanina at nakalagpas kami sa round na 'yon. Muntik na kaming ma-out kung hindi lang sa skills ni Ammony sa vocabulary. Who would have thought na aircon ang sagot?

Well, sa unang tingin wala ka talagang maiintindihan pero ang bilis ng utak ni Ammony na isolve at 'yon at utak ni Atler narin para makuha 'yong passcode. Buti nalang talaga kami ni Anx, with a little help of Anjelou, ang nakakuha ng tamang sagot sa Game 1-- kung hindi ay parang pabigat lang kami.

"Nakita ko 'to sa Running Man, 'yong may magnanakaw raw." Laki matang sabi ni Anjelou habang nakatitig sa unang game.

"So ano sagot?" Taas kilay na tanong ni Atler.

"I forgot.. but it was about symmetry? I guess?" Sagot niya ulit.

"Ano raw? Equality?" Singit ni Anx na naguguluhan. Probably he's anxious.

Napaface palm nalang ang iba at hinayaan nalang siya maguluhan. Nagsalit naman ulit si Anjelou, "Close enough. So what was the letters again?"

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now