Ayako

"Bahala siyang putangina doon HAHAHAHA." Tawa ni Arabelle na malakas habang pinupukpok ang lamesa sa canteen. "Sus para laro 'yon tapos may magpapabuhat lang na iba. Dumbell? Dumbell? Dumb lang naman sa dumbell 'yong creator sa game. As if. Irap niya at sumubo ng kinakain niyang siomai.

"Yep. May pa-mamamatay pa daw lol. Someone will die my ass." Dagdag naman ni Anjelou at nag-apiran sila ng kaibigan niya.

Andito ulit kami sa parehas na lamesa. Kumakain si Atler at Anx, naglalaptop ulit si Ammony-- samantalang ako ay nakatulala lang. Parang may mali. Parang mali na umalis kami sa laro na 'yon. Parang may mangyayari talaga.

Habang may kanya kanya silang ginagawa ay pinagmamasdan ko si Aliyah na nakapila para bumili ng pagkain. Pumayat siya pero nagkakulay na ang katawan niya. Magaling na ata siya at wala ng sakit. Siguro kakausapin ko nalang siya mamaya. Simula nang bumalik siya ay parang naging ilang kami sa isa't isa. Hindi kami masyadong nag-uusap. May prinoproblema ata siya? Damayan ko nalang mamaya.

Kasunod sa linya ay isang babae na pamilyar ang mukha. Saan ko nga uli siya nakita?

"Ayako, ubusin mo kinakain mo." Bigla akong siniko ni Anx.

"A-ah oo. " kinuha ko na ulit ang kutsara ko  at susubo na sana, kaso bago 'yon ay hinarap ko si Anx. "Wala ba talagang Koete si Aliyah?"

Tumango naman siya kahit puno ang bibig. Hinintay ko pa siyang ubusin ang nasa laman ng bibig niya bago siya makasalita. "Akala ko pa naman tatanungin mo kung okay na siya galing sakit niya. Iba ka talaga, Ayako." Naiiling at natatawang sambit niya bago sumubo ulit.

Napanguso nalang ako. Oo nga naman. Bakit hindi ko 'yon naisip na itanong? Masama na ata akong kaibigan at masyado kong inooccupy ang isip ko ng ibang bagay porke hindi ko na siya nakikita. Hays, I feel bad. Tumingin ulit ako sa pwesto nila pero wala na si Aliyah sa linya. Si babaeng familiar ang mukha nalang ang natira.




Suddenly, the atmosphere felt weird.


"Teka... Nararamdaman niyo ba nararamdaman ko?" Napatingin kaming lahat kay Ammony nang mapansin naming natigilan siya. "It feels... weird."

Tumango naman kami. Shit. Parang may hindi magandang mangyayari. "I'm getting fucking goosebumps." At niyakap ni Arabelle ang sarili niya.

Para akong hindi makahinga.... Parang may mabigat na mangyayari...

Napatingin uli ako sa linya ng makita si Aliyah na papalapit doon. Nakangiti niyang kinausap ang mga nagseserve, inabutan naman siya ng tinidor nito. Bago siya umalis ay tumingin siya sa pwesto namin... at nagtama ang mga mata namin. Walang sabi sabi ay bigla niya akong kinawayan habang nakangiti ng malaki.

"Ayako!" Tawag niya saakin. Mukhang magaling na siya.

"Ali--"

"ALIYAH!" Naagaw ng malakas na sigaw ni Anx ang atensyon ng lahat ng nasa canteen. Nakatuon ang tingin niya sa puwesto na malapit kung asan si Aliyah. Kanya-kanya kaming nagtinginan at nagulat kami nang biglang may umusling tubo galing sa taas. What... the... Parang angslowmo ang nangyari simula noon.


Nahulog ang tubo....

.



Tumakbo si Aliyah...

.


Niyakap ni Aliyah ang babae na mahuhulugan nito...

.

Sinubukan niyang umiwas.....




.

.
..
.






.
.
.










Pero huli na at tumagos ang malaki at kalawang na tubo sa katawan nilang dalawa.



Halos walang makahinga sa bilis ng nangyari. Natigilan ang lahat sa isang tunog. Parang gumuho ang mundo ko.. Ang kaibigan ko.



"Aliyah!" Biglang tumulo ang luha ko at tumakbo agad ako sa pwesto nila habang wala pang nakakagalaw sa nangyari. Nang makarating ako sa duguang sahig sa canteen ay napahagulgol nalang ako at napaluhod. "A-aliyah..." Ang sakit. Ni hindi ko man lang siya nakausap bago siya mawala. This is so sudden. Why would this happen?

Habang umiiyak ako ay naramdaman ko nang biglang umingay ang nasa likod ko at kanya kanya na rin silang sigaw at tili sa nangyari. May mga tumawag na rin ng mga guards at nagreport. Nagkakagulo na sila.



Pero nanatili ako sa harap ng duguang mga katawan.



One was Aliyah, the other was Idenzel.

Kaya pala familiar siya saakin kasi nakasalubong ko siya sa cr noon.

And what made it oddly familiar is her name is.... is...

"Ayako! Okay ka lang ba?" Naramdaman kong hinila ako ng mga kasama ko kanina palayo sa dugo na kumalat sa sahig. "Huwag kang susugod sa crime scene! Kokontakin ko agad ang principal,hintay lang kayo." Sermon saakin ni Atler habang nilabas din ang cellphone niya. Sila Anjelou at Arabelle ay hinawakan ako kahit kusa nilang iniiwas ang paningin nila sa harap. Kusang nagpanic ang mga estudyante sa canteen sa nasaksihan.

Nakakadiri.

"Ayako, ayos ka lang ba?" Kakarating rin ni Anx at Ammony sa pwesto namin. Napansin kong nanghina ang tuhod ni Anx nang makaharap ang wala ng buhay na kaibigan namin. Si Ammony naman ay napatakip ang bibig.

"G-guys..." Tawag ko sa nanginginig na boses.

Unti-unti naman silang tumingin saakin at sa bagay na tinitignan ko. Para akong nilamon ng takot at ng lamig nang tumingin kami sa isang cellphone na malapit sa pwesto namin.


Ȩ̷̪̩̭̩͚̩̳̳͚͛̔̇́͛̾̎̅̍l̷̢̤̗̖͍͈̤̦̔̋̓̊̕̕͝ỉ̶̢̬̫̗̗̖̩̪̮̃m̸̨̟̣̝̣̲̼̅̽̊̈͂̏į̸̛͕̗̗̦̠̿́̿̀̓̓͌͝ͅn̶͖̞͓̜͇͋̑̃͒̌̓͌̚a̷͎͖͉̐̇̎̂̂̋͠t̵̠̬̖̰̑̓̒̇͒̌̀̽͗͝e̶̡̳̯̥̽͂͜d̶̡̰̱̺̣̞̤͈́̽̎̓

-Idenzel
Sorry, they didn't save you ¯\_ʘ‿ʘ_/¯

𝙆𝙤𝙚𝙩𝙚

Koete went darker.

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now