Ayako

A night in 7/11 eating the ice cream I lost kanina is so relaxing.... not until you realize that the person you've been looking for is seating beside you. Di ko maiwasang mapatitig. Like his avatar, he was really handsome.

Busy siya sa pagdila sa ice cream while I was busy looking at him. Lahat ng tanong ko ay naiurong ko. I'm so amazed na si mysterious Aiden ay nasa tabi ko.

Pinagtitinginan na ata ako ng tao kasi kanina pa ako sa pwesto ko na 'to. Kanina pa ako nakatulala sa kanya at ngumingiti ngiti ng onti. Baka pati siya ay napansin na rin na ang awkward namin dahil hindi pa kami nag-uusap.

"Uhm" he tried to break the silence. Agad akong naging aware sa itsura ko kaya umupo agad ako ng maayos. Pasimple kong sinampal sampal ang sarili kasi nakakahiya. Will you snap out of it, Ayako? Oo gwapo siya pero ughh gwapo nga sya!!!
"My real name is Angelobrix" and he offered his hand.

Oohh. "I'm Ayako." I said at tinanggap ko naman 'yon. I internally screamed when I touched his hand.

"I know" he chuckled.

Omygod he knew? "Hala paano?" Stupid question to ask, malamang nakalagay ang pangalan ko sa taas ng avatar namin tuwing nagkikita kami.

Bigla siyang napaubo. "I mean, you are the transferee right? Sa 11A?" Napatango nalang ako. Ah so nakilala niya ako not because of the app but because transferee ako.

Anyway, speaking of--- "Kaklase ba kita?"


"Obviously hindi." Prenteng sagot lang niya nang matapos na ang kinakain niya. Pasimple pa siyang nagpunas ng gilid ng labi niya. "Anak ako ng janitor na nagtatrabaho sa school niyo. Sa ibang school ako nakikitrabaho but I'm very welcome diyaan kasi anak nga ako ng janitor. Minsan tumutulong rin ako and I know the buildings very well" Sabi niya in a cool way.

Wow. He was proud of being a janitor's child. It was cool... pero buti nalang wala siya sa school namin. Kasi for sure magiging victim of bullying rin ang abot nito.

Napansin niya atang nakatunganga ako kaya nagsalita siya ulit. "Alam mo ang swerte mo."

Huh? "Bakit?"


"Kasi nakita mo ako, hindi ako madalas magpakita sa ibang tao eh. You know baka mashook sila saakin."


Napatawa ako ng mahina. "At bakit naman? Ano ka multo?" Biro ko sakanya.

Napasimangot siya at tinignan ang cellphone ko. May kung ano siyang pinindot at lumabas doon ang pangalan niya. "I'm the most famous player of Koete at your service."



I checked my phone to confirm at siya nga. Omg! I can't believe it. With almost 10 million coins, thousands of gems, and more than 100 million followers? He is in the record! Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Kaya pala parang ang lakas ng appeal niya eh. "Woah." I couldn't find the right words to say. Mapapawoah ka lang talaga. Swerte nga. "So... do you know what is in that red door?"



"I know.." He smirked. "But I wouldn't tell you."

Gulat at confused, I answered. "And why? "

"Kasi gabi na. You need to go home. Chat nalang kita mamaya sa Koete."

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now