Ayako

"I swear hindi ako pumunta kanina sa symposium"

"You bet you did, ikaw pinaka-late na nakapasok and the last one you know. And kakapasok mo palang nakatulog ka agad kay Anx. Amp."

"Hindi nga kasi, Aliyah. I was playing the app promise."

"Maybe in your sleep Ayako. Tulog ka talaga kanina." Sagot din ni Anx.

We were walking down the hallway papunta sa main gate ng school. Sabi nga raw, uwian na. To break what they said, sabi pa raw nila buong maghapon ako tulog pero I doubt it kaya sinasabi ko sa kanila ang kwento pero sabi raw nila wala naman daw nangyari na ganoon kasi kesyo nakatulog nga daw talaga ako.

Ugh. This is frustrating. "Bakit ayaw niyo ba saaking mani--"

"Ms. Solamiceca?" Bigla kaming napatingin sa nagsalita galing sa likod namin. He was the same guy who welcomed me sa school na 'to. He's the principal.

"Uhm yes sir?" Medyo nagforward ako ng kaunti sa mga kaibigan ko, a sign of respect na kausap ko siya.

Ngumiti lang siya at nagpatuloy, "Your transfer papers are in my room. Pwede bang pakisubmit iyon sa Faculty? Need raw ng ibang teachers for reference. I asked you the favor kasi it might be confidential, given na andon records mo." Explain niya sabay galaw ng dalawang kilay niya saamin. Tumango nalang ako at pinat niya ang balikat ko. "Okay then, I'll go first. Ingat kayo Anx and Aliyah." He cooly said and naglakad na palayo.

Napabungisngis nalang ako nang wala sa oras. Punong puno na nasa utak ko at gusto ko nalang itulog mga katanungan ko pero inutusan ako ng principal. Hays, as if naman na matatanggihan ko 'yon. Naggesture ako sa kanila ng wait lang and di na nagbother magexplain kasi sinabi naman ni sir ang dahilan.

"Dalian mo Ayako. Laro tayo partner race bago tayo uwi. Painggitin natin si Aliyah-- ah aray ko wag tenga ko. " Narinig kong sigaw ni Anx sa malayo na nagpatawa nalang saakin.

Nakarating naman agad ako sa principal area ni sir at nakita ko naman agad ang mga records ko na nakapatong sa lamesa niya. Inayos ko ito at lumabas na. Nilock ko na din ang room at naglakad palabas ng kwarto na pinagtatrabahuhan ni sir. Mas madaling matapos, mas okay. May naghihintay saakin sa labas kaya bawal babagal-bagal dito.

Sa labas ng room ni sir ay may nakadisplay na map. Dito ko hinanap ang location ng faculty since baguhan palang naman ako dito. Speed walk ang ginawa ko papuntang faculty kasi iikot ka lang ng isa at puro dirediretso na ang ruta. Madali lang siya mahanap kasi sa isang hallway ay siya lang ang pinto na nasa left.

I continued walking ...

5 minutes have passed and the atmosphere is getting suspicious. I saw this somewhere.

10 minutes. Nakakailang lakad na ako bit then parang wala pa akong nakakarating. My god. Kelan pa naging mahaba ang hallway ng school na 'to? Nakikita ko 'yung dulo pero parang kada hakbang ko ay walang nagbabago. Tumingin ako sa sapatos ko at sa paligid, baka prank 'to? Hidden camera? Pakana na naman nila Anjelou?

Now to think of it, this looks exactly like the hallway I saw in Koete. Kung nananaginip man ako... Or kung sa game lang 'yon. Then from the interior.... kamukhang kamukha nito as far as I've remembered.

My thoughts were cut nang parang biglang naging normal ang atmosphere sa paligid. Discarding yung kanina, naglakad nalang ulit ako. Baka guni-guni ko lang naman 'yon eh. I mean, yes it looks a like pero baka coincidental lang.

Pasimple akong tumingin sa sahig para makita na normal lang naman ang lakad ko. Also, no signs of prank, cameras and bullies so I'm safe.

Not until nakatama ako sa pader sa harap ko.

"Ouch." Nahulog ko ang mga papers dahil sa impact nang pagtama ng noo ko sa pader. Saan ba 'to nanggaling? Wala naman akong nakitang pader kanina ah.

Pinulot ko ang papeles habang hinihimas himas ang noo ko na siguro namumula na. Ibigay ko muna 'tong papers then magpapasama ako sa kaibigan ko na bumili ng yelo sa canteen. Agad akong tumayo kasi kumikirot at ang hapdi ng noo ko. Tumalikod ako para tignan siguro kung nakalampas ako but I saw an empty hallway.

akala ko ba.... andito na 'yong faculty room? ito na end ng school areas namin ah? dulong dulo na 'to kasi pader na sumalubong saakin.

but no sign of faculty rooms.

I scanned the left area to see na wala talagang pinto kagaya ng nasa map. Pero may pinto sa right.

It was a shining red door na parang nagraradiate ng isang vibe... kaso di ko alam kung anong vibe niraradiate niya. It was almost like dejavu.

Baka ito na 'yon at namali lang ako ng direction kanina. Pero pula? Seryoso? How come parang nag-eexist ang Koete sa real life?

Kinakabahan man ay kailangan ko nang magmadali. Dapat di ko tinatakot ang sarili ko. I need to give this to the teachers. Bravely, I was about to open the door kahit dahan dahan

pero in my dismay hindi pinto ang nabuksan ko.

It was my eyes.

"Maybe in your sleep, Ayako. Tulog ka talaga kanina." Anx said as Aliyah giggled.



What the hell is happening?

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now