Ayako

"At mukhang naadik na nga po ang ating munting transferee. Yo, Ayako kamusta?" bumungad si Anx na kakapasok lang sa room. Wala pa si Aliyah kaya sa upuan niya muna ako nakaupo. Pagkalapit ay binaba niya ang bag niya sa upuan niya at tumabi saakin sabay silip.



 Pagkalapit ay binaba niya ang bag niya sa upuan niya at tumabi saakin sabay silip

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Name: Anx
Code: 4MXX1

Tipikal na lalake lang si Anx. Magkalapit na magkalapit ang avatar niya sa itsura niya sa totoong buhay. Parehas sumisigaw ng loko-loko.

Mahina akong natawa sa naisip ko. Umusog pa ako ng kakaunti kasi ang lapit na ni Anx masyado sa cellphone ko. "What the hell?! 18K coins tapos 22 Gems? What the--- how'd you do that?" Gulat na gulat ay kinuha niya agad ang cp niya at ikinompare ang nasa screen ko sa nasa screen niya. "Pambihira, ako nga isang linggo nang nagkoKoete tapos nasa 1k coins at 2 gems lang nakukuha ko eh."

Napaismid ako sabay tawang mapang-asar."Baka magastos ka masiyado. Ako nga di pa nagpapalit sa blue na damit na yan." Itinawa ko nalang ang pagreklamo niya habang nanonood ng ads--- isa rin 'tong paraan para dumami ang coins mo. Well, paulit-ulit lang naman na ads pinapakita dito tsaka wala naman akong reklamo. Goal kong mapadami ang coins ko ^^ Hihihi.

"Wala, madaya! May cheat ka 'no?" Pag-iimbestiga saakin ni Anx.

"Wala nga." Sagot ko nalang at inekis ang ads na natapos. Bago ko pa makuha ang reward ko ay inagaw na agad ni Anx saakin ang cp ko at sinuri. Tinaas pa niya lalo para di ko maabot. Pinagtitinginan na kami dito. Luh? Ano akala ni Anx? Love story ba 'to? Pinaggagagawa niya? "Hoy balik mo 'yan pagkatapos ah." Pagsasawalang bahala ko sakanya at upo nalang ulit. Kung akala niya love story 'to na kailangan kong hablutin sakanya tapos mapapahiga kami ay aba no no. Maghanap siya ng lovelife niya sa iba jusko.

Napaupo din siya habang nagiiscroll. Tumingin siya saakin na parang di siya makapaniwala. "KAYA NAMAN PALA ANG DAMI MONG COINS."

Napatakip na agad ako ng tenga sa sasabihin niya. Ilang araw pa lang kami magkaklase pero alam ko na ugali ne'to lalo na kung tungkol sa Koete.

"Jusmiyomarimar Ayako. Ke Japanese Japanese mo ang plain mo. Gumamit ka naman ng chechebureche. Magdesign ka at bumili ka ng interior mo. Sumali ka sa mga trends sa Zoete. Magpafollow ka! Magpalit ka ng damit! Ano yan? Walang event, walang ligo? Ano ka, ako in real life? Jusme, kung bakla lang ako baka ako pa nag-ayos sa'yo sa Koete makita mo. " Litanya niya ng pagkahaba haba.

Napapout nalang ako."Jusme ka rin. Porque simplehang coat lang naman meron ka at shades. Ano ka bulag? Bulag sa pag-ibig? Torpe kay Aliyah?" Bigla nalang niyang tinakpan ang bibig ko nang mapansing pinapalibutan na kami ng mga kaklase namin. Ay hala. Ganoon na ba kalakas ang boses namin? Anong epekto 'to?

Mahina nalang siyang natawa habang binitiwan ang bibig ko. Sinabayan ko na rin ng tawa para less awkward. Nakakahiya ampochi. "Ah ewan ko sayo Anx." Bulalas ko pero nakatingin pa rin saamin ang iba. Napakagat ako ng labi. Ah ewan ko na rin sayo Ayako. Bahala na.

"Ayako, dami mo daw coins. Baka naman pagift."
"Hala ako din"
"Ako din, follow kita"
"Follow rin kita basta bilhan mo ko ng coat."
"Ayako bestiieee bakanamaaaan. "

Biglaang dumami ang nakapalibot saakin at kanya-kanya na rin silang sigaw.

Oh no. Ang coins ko? Bwiset naman kasi 'tong si Anx. Ang ingay. Tinignan ko siya ng pataray para makita lang siyang nakangising aso. Bahala ka sa buhay mo diyan iuunfollow kitang peste ka.




"Sige" tanging sagot ko nalang para mapatili ang iba pati mga lalake sa section namin.

It was a normal day in school, until naging famous ako for gifts sa Koete.

BEYOND // KOETEWhere stories live. Discover now