18

172 22 8
                                    


Ayako

"So ngayon.... Nasa harap tayo ng pulang pinto na ngayon ko lang nakita, all dry -- kahit kanina lang nabasa tayong dalawa. Sinasabi mong connected 'to sa Koete?" Tumango ako sa ikasampung tanong ni Anx. Mukha pa rin siyang hindi makapaniwala pero no choice na siya kasi nakita niya ang damit niya na tuyong tuyo na. Napakagat siya ng kuko habang tumitingin saakin. "Tuwing ginigising ka namin, you mean that time kakagising mo lang rin? Last na nangyari sa'yo is bubuksan mo 'tong pinto na 'to?" Tumango ako ulit. Inexplain ko na sakanya lahat lahat kasi siya lang ata ang aware bukod saakin. Tumingin ako sa paligid para sana hanapin si Aiden pero walang Aiden na tumambad saakin.

Akala ko mapapalagay ako na nakausap ko na siya pero parang may mali sa salita niya. Trust nobody? Normal naman talaga 'yon ah. Sinasabi niya bang huwag ko pagkatiwalaan si Anx?

Pinitik ni Anx daliri niya sa harap ng mukha ko. Naagaw naman nito agad ang atensyon ko. "H-ha?"

Napacross arm siya tsaka tinuro ang pinto. "Pasok ba tayo?"

Umiling ako. "Baka kapag pumasok tayo sa ibang lugar tayo mapapadpad."

"Ngi." Tanging nasabi niya nalang. "Kung sa Koete talaga 'to nako di na ako maglalaro niyan." Umirap siya at nagsimula nang maglakad palayo sa pinto. Sumunod na rin ako sakanya habang nag-iisip isip.

Pero hindi pa kami nakakalayo ay may narinig kaming pag-iyak sa loob ng pinto. Small shouts rin... It was like from a girl?

Biglang umikot agad si Anx at dali daling lumapit sa pinto. Sinundan ko ulit siya at sabay naming binuksan nang sobrang lakas ang pinto.

Shock was written in our faces nang makita namin kung ano ang nasa loob ng kwarto na 'yon.


Yes we saw white cabinets....


But we also saw Aliyah, nakagapos sa upuan, may tali sa bibig at umiiyak.

---------

"Thank you for bringing her here." Saad ng principal habang pinapatahan si Aliyah na nanginginig ngayon. Hindi ko naman siya masisisi, kung sino gumawa n'on sakanya ay parang walang awa. Di naman niya deserve ang ganoong treatment. "I'll take actions na involving bullying. Salamat ulit sa pagsabi." Dagdag ni sir at tumango. "You can now go, I'll talk to Aliyah and ask some questions"



Bago pa ako makasagot at makatanong ay umoo nalang si Anx at hinila na ako palabas ng office ni sir. Ni hindi ako nakabye kay sir at hinila na ako palabas. Ni hindi nga ako nakatanong e--- at hindi ko nakausap ang kaibigan ko.




Well, kaibigan? Napatingin ako kay Anx na naglalakad na agad palayo. Hinabol ko agad siya at naglakad sa tabi niya. He seems less tense. Siguro kumalma na talaga siya. And even if I hate to break the calmness kailangan ko nang sabihin sakanya. "A-anx.." agad naman siyang humarap.

"Hmm?"

"I need to tell you something."

Napatigil naman siya at humarap saakin. His hands are in his pockets. "Ano?" Curious niya na tanong. Napakagat ako ng labi. Here goes nothing. Tumingin muna ako sa paligid saka hinila siya sa medyo tagong lugar. Kinalma ko ang sarili ko bago tumingin sa mata niya. "Hey, ano problema? Sabihin mo na"


"A-anx..." Gulp. "I saw Aliyah and the principal having sex."


Lumaki agad ang mata niya. "What the fuck, Ayako." Pero bigla siyang tumawa. "That was a nice but offensive joke." He shooked my confession at nauna na ulit maglakad. Naiwan akong nakatulala. I clearly saw it! Bakit ayaw niyang maniwala? Kasi kinakampihan niya si Aliyah? Kasi gusto niya si Aliyah?

"Anx! It's true!" Napasigaw ako sa corridor. Kami lang naman ang tao at medyo lumakas ang boses ko.

Bigla siyang napahinto at tumingin sa side niya. Naramdaman ko ang lamig ng titig niya at ang takot sa susunod niyang sasabihin. Tell me, Anx. Why aren't you believing me?



"How could they have sex,

.


.

.


when Aliyah's the principal's daughter? "

BEYOND // KOETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon