20

188 24 7
                                    


Ayako

"What should we do now then?" Taas kilay na tanong ni Anjelou habang nakacross legs. Nakaupo siya ngayon sa lamesa ni Atler. Si Atler ay napapakamot nalang sa ulo. Si Ammony nag-iisip habang  lakad nang lakad sa gitna namin samantalang si Anx ay naghahanap na naman ng tiles na naiiba. Nakakagulat man, pero kaming lima ngayon ang aware sa game na ito. Weird enough kasi hindi na nga ako naglalaro ng Koete, so bakit nasasama pa rin ako dito?

"Last time napadpad kami dito, nakaalis kami by stepping on a tile." Klarong sabi ni Anx.

Napatigil si Ammony at napatingin saamin. "How'd you know about the tile?" Kusang napadpad ang tingin niya saakin.

"I had a friend and he showed me"

"So you mean hindi lang tayo ang aware sa game na 'to?" Tumango ako sa tanong ni Anjelou. "Then what about them? Bakit sila nakafreeze lang? Why aren't they aware? Are we in some curse or something? What about Arabelle? "

"Well she loves to curse. " Prenteng sagot ni Anx na nakikinig pala saamin sa malayo.

Napairap si Anjelou. "That's not my point." Agad niyang binaling ang tingin saakin. "Stop being a bitch na nananahimik. Tell us how to get out here. Where's that friend of yours?" Napatayo na rin siya at nagpaikot ikot. She seems frustrated. Well, sino ba naman ang hindi? Kanina pa kami nagtititigan dito na hindi alam ang ginagawa at gagawin namin. I, myself, am very surprised na andito agad kami. To think of it, kasama ko si Anx. Hindi pa kami masyadong ayos and I hope na di nalang kami maging awkward sa isa't isa.


"Sabi ni Anx kanina this is Koete. Mahirap paniwalaan but I have no choice kasi kelan pa ako makakakita ng kaklase ko na mga avatar at kulay blue ang pangalan sa taas ng ulo? Naku kung gan'to lang ang school edi hindi ko na kailangan ng id." Dire-diretsong saad ni Ammony na halatang naiistress na. Umupo siya agad sa upuan na parang nanghina. "If this is Koete then should we treat this as an escape room?" Desperadong tanong nalang ni Ammony.

"Escape rooms with useless doors." Biglang nagsalita si Atler. Napatingin naman kaming lahat sakanya. Lumapit na rin kaming lahat sa pwesto niya. Muli kaming nagtipon tulad ng kanina. "Listen, paano magiging escape room 'to? This room is so dull. White walls, paralyzed avatars and nothing else. It means wala pang nangyayari. That means this game is not yet opened by whoever is playing this goddamn game. Wala ring taguan para matago 'yong mga kailangan nating mahanap para tumakas dito. Koete has this mystery room, not an escape room. "


Napatango kaming lahat. He has a point. Then that means--- "So are you saying na we should play the games provided by the app para makalabas?" Anjelou pointed.

"On point." Sagot ni Atler. "Wala na tayong ibang choice."

"B-but what if hindi pa rin tayo makalabas?" Nagsalita na ako. Napatingin silang lahat saakin bago ako sagutin ni Anx.

"Well, we should figure it out somehow." He smiled at me. "Agree ako sa sinabi ni Atler. We should try. "

"Agree. " Sabi rin ni Ammony.

Nagkatinginan kami ni Anjelou and since gustong gusto naman naming lumabas ay parang nagkaisa na ang mga isip namin. Napatango kaming dalawa at as if on cue ay biglang nagliwanag ang nasa harap namin. Lahat kami ay napatingin sa board na nasa harap. Bigla itong umilaw at may mga tumambad na mga salita.



˚

.  *     ✦     .      ⁺   .⁺       ˚

.  *     ✦     .      ⁺   .

.      ⁺        ⁺

MYSTERY ROOM

⁺       ˚

BEYOND // KOETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon