Chapter 40: Sacred Hyde

9.6K 404 30
                                    

Pagkatapos iyon sabihin ni Crastine Angela hindi na ako nakapagpigil at lumapit kay Clara. Walang pag aalinlangan na sinampal ko siya na ikinagulat nilang lahat

Balak ko sana muli siyang sampalin ngunit pinigilan na kaagad ako ni Dominique at Victoria

"Kapal ng mukha mo para magpanggap na emperatris!" sigaw ko. "Wala ka namang silbi. Sawang sawa ka na ba sa buhay mo kaya pinaglaruan mo kami?"

"Guys stop!"

Pagpipigil ni Monique pero hindi naman ako nakuntento. Galit ako, galit na galit ako at naaawa kay Miyuri. Parati na lamang nanahimik si Miyuri sa lahat ng bagay at hinahayaan niya na ibang tao na lamang ang magsalita

She never speak for herself. Parati niya na lamang iniintindi kami. Masyado na siyang nasasaktan

Muli ko na naman sana na lalapitan si Clara ng bigla na lamang may tumatakbong taga silbi. Hinihingal ito at para bang pagod na pagod sa pagtakbo

"Bad news!" agad na saad nito

"What is it?" Kayden ask

"Napapaligiran na ng mga tauhan ni Xian ang lugar ng Iron Kingdom maging ang Xlazer city meroon na din na papunta dito. Mukhang alam na nila na sa Iron Kingdom ang sunod ninyong destinasyon"

"Who is Xian?" tanong ni Victoria

"Xian is the king of Iron Kingdom, one ofthe disciples of the unknown"

Lahat naman kami napatingin kay Serafhina na ngayon ay malalim ang iniisip. Si Crastine Angela ay nakangiti lang at para bang wala lang iyon sa kanya

"Kung ganoon hindi na kayo maaaring pumunta pa sa Iron Kingdom o sa Xlazer," saad ng dyosa ng mga tubig. "Siguradong mahuhuli kayo pagnagkataon"

"Then we have no choice," seryoso na wika ni Serafhina. "We will be heading to Sacred Hyde"

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Serafhina. Going to Sacred Hyde mean going to the castle of the Unknown

"Are you sure?" nag aalalang tanong ni god of light

Hinarap naman ni Serafhina ang mga gods habang hindi nagbabago ang ekspresyon

"Yes! Kailangan na namin agad kumilos bago pa maunahan kami ni Unknown," matatag na wika ni Serafhina. "Hindi ko man akalain na mapapaaga pero kailangan na namin kumilos"

"Okay, i'll open the portal to Sacred Hyde" nagmamadali na wika ng dyosa ng mga tubig

Hinarap naman kami ni Serafhina habang si Crastine Angela ay para bang nasisiyahan sa mga nangyayari

"This is gonna be fun" Crastine Angela said

Hindi na kami nagsalita lalo na ng kaagad na may bumuo na portal sa aming harapan. Tumingin naman kami sa mga gods and goddesses at ngumiti

"Let's go"

Napabuntong hininga na lamang kami at kaagad na pumasok sa portal. Nakaramdam pa kami ng kaunting hilo pero kalaunan ay nawala din iyon

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata only to see na nasa loob kami ng isang napakalaking kastilyo

Kulay violet ito pero hindi siya masakit sa mata. Napakaganda ng loob at nakakamangha. Meroong mga flag na simbulo ng kalahating maskara

"We have no time para tingnan ang kapaligiran," biglang simula ni Serafhina. "We will split up, Royalties and Crastine go to the Unknown throne and get the book. Monique, kayo naman ang pumunta sa kulungan ni Hm Tanya"

"Ikaw?" tanong ko kay Serafhina

Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita. "I will meet the Unknown"

"Pe-Pero-"

"No time to waste, just go!"

( Nova Pov )

Hindi na kami nakapagsalita ng tinulak kami ni Serafhina. Sumeryoso na lamang ang mukha namin at walang nagawa kundi ang tumakbo

"Tara!" wika ni Ethan

Lahat naman kami ay sumunod lamang sa kanya at kay Monique. Maaliwalas ang aming dinadaanan ngunit habang tumatagal napapansin ko na walang katao tao

Kahit taga silbi ay wala o kahit man kawal. Napakatahimik din ng kapaligiran at tanging mga pagtakbo lamang namin ang maririnig

"This way!" Monique said

Hindi na kami sumagot at agad na muling tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang pinto. Binuksan iyon ni Monique at nakita namin ang isang hagdan papataas

Walang sabi sabi na sumunod parin kami kay Monique na tumatakbo papataas ng hagdan. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba, nagiging malakas ang bawat tibok ng aking puso

"Hm Tanya!" biglang sigaw ni Tine

Napaangat ako ng tingin only to see Hm Tanya locked up. Maayos naman ang kalagayan nito pero nakakapagtaka ang inaakto nito lalo na ng mapatingin sa amin

"No! Run!" sigaw nito sa amin

Ano bang pinagsasabi niya na tumakbo kami? Nandito na kami para sagipin siya pero pinapatakbo niya kami. Mabuti na nga lang alam ni Monique ang daan paounta dito

Wait! Paano nalaman ni Monique na dito ang daan? She never been here before, does she?

Lumingon ako kay Monique only to see na nakatingin siya sa amin ng seryoso kasama si Ethan at Enzo

"Mo-Monique" wika ni Cyrille

Kakaiba ang kanilang aura maging ang kanilang tingin. Napahakbang ako papaatras lalo na ng ngumiti si Monique ng nakakaloko

"Do-don't tell me-"

Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng sumigaw si Hm Tanya

"Run! They are one of the disciples of the Unknown"

( Elien Pov )

Napatigil ako at napatingin sa aming likuran. Sa hindi malaman na dahilan ay lumandas ang kilabot sa aking katawan

"What's wrong, Elien?"

Bumalik ang tingin ko kay Six bago umiling. Baka guni guni ko lamang iyon

Muli kaming nagpatuloy sa pagtakbo. Kanina pa walang kahit na sino sa aming dinadaanan na ipinagtaka na lamang namin

Nag aalala din ako kina Aly dahil baka hindi nila mahanap ang kulungan ni Hm Tanya

"There!"

Tumingin ako sa aming harapan only to see a big violet double door. Napakalaki nito pero ang talagang nakaagaw ng atensyon ko ay ang simbulo ng maskara

Napangiti ako ng makita na walang hirap lamang iyon na nabuksan ni Crastine Angela habang patuloy parin ang pagsunod namin sa kanya

Napahinga kami ng maayos ng walang tao sa loob. Nakakapagtaka talaga na walang tao pero hindi namin iyon iniintindi dahil sinabi naman sa amin ni Crastine Angela na wala naman daw talagang tao sa kastilyo ni Unknown minsa

"Where is the book?" i ask

Walang nagsalita sa kanila habang kinakalikot ni Crastine Angela ang isang ilaw. Hindi namin alam kung para saan iyon pero bigla na lamang bumukas ang isang parte ng pader at sa loob nito ay ang hagdan pababa

"The book is in the chamber"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now