Chapter 5: The Chase

17.6K 598 61
                                    

( Someone Pov )

Tahimik na nakatitig ako sa salamin kung saan makikita ang mga maharlika na yinayakap ang mga bagong dating. Napakasaya nila at puno ng kagalakan ang nakalagay sa kanilang mukha

Ako ay napangiti na lamang na nakatingin sa salamin kung saan sila makikita. Napakaganda na tanawin kung pagmamasdan ngunit para sa akin ang napakaganda na reaksyon ay ang darating na araw kung saan nila malalaman ang katotohanan sa mundo ng Zanvier o tawagin na natin sa buong mundo ng Xaurus

"Checking them out"

Hindi ko na kinailangan pa na tingnan ang nagsalita base sa boses niya pa lamang. Kilala ko na ang nag mamayari

"Ano ang ginagawa mo dito?" malumanay na tanong ko

Narinig ko ang tunog ng isang heels na naglakad at tumigil lamang kalaunan

"Ngayon ko lamang natanggap ang mensahe ni Que na nagising na ang nasa loob mo"

Napaderetso ang aking tingin sa salamin dahil sa aking narinig. Liningon ko siya na ngayon ay nakasandal sa pader at binigyan ng ngiti

"Nagigising pa lamang" pagtatama ko

Sumeryoso ang kanyang mukha sa kanyang narinig ngunit kalaunan ay napabuntong hininga

"Hindi na ako magtataka. Kagagawan mo naman ang kapangyarihan na iyan"

Naglakad ako aking trono bago dahan dahan na hinaplos ang sandalan nito habang nanatili ang ngiti sa aking labi

"Wala naman talaga na nakapagtataka doon lalo na't ako ang namumuno sa buong Xaurus"

Tumayo siya ng deretso at tiningnan niya ako ng seryoso sa mga mata

"Pano ang Zanvier?"

Humarap ako sa aking likod kung saan makikita ang napakaganda na kapaligiran. Napakalaking mundo at puno ng mga taong may mga kapangyarihan. May mga nagtataasan na bahay at meroon lamang na tama lamang ang laki

Sa kalangitan naman ako napatingin. Napakaraming makikita na isla na lumulutang ngunit nakatuon lamang ang aking tingin sa isang isla sa ere na nababalot ng ilusyon

"I'll let them believe what they see first until i let them see the real world beyond that illusion"

Muli kong nadinig ang tunog ng heels hanggang sa tumigil ito

"I pity them. They only see what you want them to believe"

Hindi ako nagpatinag at nanatili na nakatingin sa isla. Wala naman akong magagawa. Ito ang paraan upang mapanatili na maayos ang lahat

"You must have already forgotten it but i can blame you, it's already been in the history"

Naglakad ako sa aking trono bago umupo at pinagekes ang aking binti. Ang aking kamay ay nakalagay sa kanan ng aking trono bago ko inalagay ang aking mukha doon at may maliit na ngiti sa aking labi

"Majesty" wika niya sa aking pangalan habang nakakuyom ang kaliwang kamao

Wala pa din na nagbago sa aking ekspresyon na nakatingin sa kanya. She's been living this world longer than us. She was my enemy but my ally right now

"We were the one who created that illusion"

Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad papalabas ngunit tumigil ito bago muli nagsalita

"You're right. Knowing i'm one of those people who created the illusion makes me more guilty"

Napangisi ako at nanatili na nakatingin sa kanyang likuran

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon