Chapter 16:Hidden History

12.2K 430 25
                                    

Biglang nagbago ang aming kapaligiran. Inilibot ko ang aking paningin ng napunta kami sa isang plaza na puno ng tao at nagkakasayahan

Ang kanilang mga kasuotan ay para bang pang dati ng panahon. Ang mga babae ay nakabistida ng mahaba habang ang mga lalaki ay nakasuot ng pantalon, tshirt at kalo

Nagulat pa ako ng may naglakad na babae sa akin at tumagos lamang sa aking katawan. Ganoon din ang nangyari sa aking mga kasama

"This is the past. To be specific it's our past" Serafhina said

Magsasalita na sana ako ng may isang boses ng babae ang biglang nagsalita na narinig namin ngunit hindi naman namin makita. Tanging boses lamang talaga ang maririnig

Xaurus iyan ang pangalan ng mundo na pinaka sentro ng lahat sa iba pang mundo. Maraming kingdom at lupain ang mahahanap dito ngunit isa lamang ang pinakapinuno namin na lahat at iyon ang pamilyang Lunaria

Ang kanilang kaharian ay na sa pinaka sentro ng Sacred Hyde ang lupain sa sentro ng Xaurus. Sila ang mga maharlika na kinakatakutan ng lahat dahil sa kanilang kakayahan

Malaki ang Xaurus lalo na't kung titingala ka sa kalangitan doon mo makikita ang iba't ibang lumulutang na isla. Bawat isla na lumulutang ay iba din na klaseng kaharian ngunit sa bawat isla meroon din na pinakasentro ng lahat

Zanvier, iyan ang tawag sa lumulutang na isla na dumudugdong sa bawat iba pang isla na lumulutang. Para bang isang malaking mundo din ang Zanvier dahil sa ito ang sumisilbi na daan sa bawat isla na lumulutang

Ako si Crastine Angela Mahimer, isa ako sa mga nakatira sa Zanvier ngunit hindi ako tao. Ako ay nabuo lamang gamit ang mahika ng aking kinikilalang ina na siyang gumawa din sa akin

Kilala ako sa Zanvier dahil sa taglay kong kakaibang kapangyarihan. Tinatrato nila ako na parang isang maharlika dahil sa takot at kagalakan

Masaya ako dahil doon lalo na ang aking ina na dati ng reyna ngunit walang nakakaalam na ako ay hindi lubusang tao. Tanging ang aking ina at ako lamang ang may kaalaman sa lahat

Hindi lamang ako ang kilala sa buong Zanvier dahil si Serafhina ay kilala din dahil siya ang unang demonyo na nabuhay sa aming mundo. Siya ang naging tagapangalaga sa Xaurus ngunit nadagdagan pa ng isa ng sumilang ang pamilya na Lunaria

Muling nagbago ang aming lugar at napunta kami sa isang kastilyo na kung saan ang isang babae ay nanganganak habang nagsalita muli ang boses

Sumilang ng isang batang babae ang asawa ng aming pinuno na Lunaria. Biglaan lamang ang balita kaya marami ang nagulat, hindi lamang iyon ang ikinagulat namin dahil nalaman din namin na kakaiba ang batang babae

Sa pagsilang ng babae ang kanyang mga mata ay nagiba kumapara sa mga normal na isinisilang na bata. Ang mata ng babae ay naging kulay violet habang ang aura niya ay napakalakas na kumpara sa normal na lakas ng isang bata

Maraming nagsasabi na maaring kagagawan iyon ng mga diyos ngunit ibinalita ng isang doctor na ang babae mismo ang gumawa ng kanyang sariling kapangyarihan

Marami ang muling nagulat dahil sa balita. Kahit kailan hindi pa nagkaroon ng ganitong pangyayari sa buong buhay namin

Pinangalanan ng pamilyang Lunaria ang batang babae na Majesty Hein Lunaria. Simula ng malaman ng lahat ang pangalan ng anak ng Lunaria naging kilala na din siya sa buong Xaurus

Nagbago ang aming kapaligiran at napunta kami sa isang kagubatan na puno ng mga kakaibang halaman

Meroong dalawang babae na blur ang mukha na pumipitas ng mga bulaklak at mga dahon sa puno. Kulay brown ang buhok ng isang babae habang ang isa naman ay puti

Lumipas ang mga taon na kilala kami ng mga tao. Ako na nakatira sa kagubatan ng Zanvier ay nantili na lamang na tahimik sa mga mamayanan na puno ng kuryusidad sa amin

Marami din akong naririnig na mga balita kina Serafhina at Majesty maging sa aking sarili ngunit nanatili kaming tahimik na tatlo. Hinayaan ko na lamang ang mga balita katulad ng dalawang babae na kagaya ko

Hindi ko pa man nakikilala ang dalawa ngunit parehas lamang kami na hinahangaan at nanahimik. Nagpapasalamat na lamang ako kahit papano dahil walang gulo ang nagaganap ngunit hindi ko alam na marami pang bagay ang magbabago

Muling umikot ang kapaligiran hanggang sa napunta kami muli sa plaza. Ang kanina na babae na may brown na buhok ay nandito din at nakaupo sa isang bench

Kita ko din sa may kalayuan ang paparating na apat na kabayo na may sakay na dalawang lalaki at dalawang babae na blur din ang mukha

Ang mga tao sa plaza ay nagsipagyukuan sa kanila ngunit para dinaanan lamang nila ang lahat ng tai habang ang babae na may brown na buhok ay tumayo sa kanyang inuupuan

Napatitig ako ng mabuti sa kanilang dalawa ng magtama ang kabayo ng babaeng may itim na buhok at ng babaeng may brown na buhok

Nahulog ang babae na may itim na buhok sa kabayo habang natumba naman ang babae na may brown na buhok. Kita ko naman ang dali dali na paglapit ng tatlong kasama ng babae na may itim na buhok sa kanya habang ang babae na may brown na buhok ay tumayo

Pinagmasdan ko ng mabuti ang kamay ng babae na may brown na buhok kung paano niya tulungan ang babae na may itim na buhok. Para bang may mahika silang naramdaman ng maglapat ang kanilang balat ng bigla na lamang nagsalita muli ang boses ng isang babae

Sa mga panahon na lumipas hindi ko aakalain na dahil sa pagbaba ko sa Zanvier upang samahan ang aking ina ay magiging dahilan para makikila ko ang babae na gumawa ng sarili niyang kapangyarihan

Nagkatitigan ang dalawang babae habang kami ay nanatili na nakatitig sa mga pangyayari

Hindi ko akalain na ang babae na nakabanggaan ko ay ang babae na kagaya kong kilala sa buong Xaurus. Para bang may pwersa na naglandas sa aming katawan lalo na ng nagkatitigan kami

Hindi ko alam kung bakit iba't ibang memorya ang bigla kong nakita ng matitigan ko ang kanyang mata ngunit ramdam ko na magkaiba ang aming prensipyo

Tinulungan ko siyang makatayo at sinigurado na maayos lamang ang kanyang pagkakatayo

"Ayos ka lamang ba?" iyan ang tanong ko sa kanya

"Ako dapat ang magtanong sayo ng bagay na iyan, dahil sa akin kaya ka nagkasugat" malamig ngunit malumanay naman na wika niya

Sa mga oras na iyon napatitig ako sa kanyang mukha na nakangiti. Sa kanyang mga ngiti ay bigla ko na lamang nakita ang isang babae na nakahandusay sa sahig kaharap ng kanyang trono habang may saksak sa kanyang puso

Masagana na lumalabas ang dugo habang meroon na mga tao ang masayang nakatingin sa babae na walang buhay

Ngunit sa isang gilid nakita ko din ang aking sarili na nakangisi sa bangkay ng babae at ang aking mga kuko na mahaba habang may tumutulong dugo doon

"Ayos ka lang ba?" sa tanong ng babae ay nabalik ako sa reyalidad

Binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti ngunit nabalot ng kaba ang aking dibdib lalo na ng makilala ang korona na nasa kanyang ulo

Pero hindi ko akalain na sa araw na iyon marami ng bagay ang magsisimulang magbago sa aming mundo. Dahil lamang sa nagkakilala kami marami na ang masisira ang buhay

"Kinakailangan ko ng umalis" wika niya muli at bumitaw sa aking hawak

Wala akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin habang sumasakay sa kabayo. Akala ko din ay aalis na siya kaagad ngunit hindi ko inaakala ang mga sumunod niyang sinabi

"Masaya akong makilala ka, Crastine Angela Mahimer"

- - - - - - - -

What do you think about the hidden history?

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now