Chapter 18: Threat

11.9K 498 53
                                    

( Majesty Pov )

Dahan dahan ang aking ginawang hakbang habang pababa sa dungeon na kung saan ko kinukulong ang mga takwil sa mundong ito

Bawat hakbang ko ay naglilikha ng tunog na dinig sa buong sulok dahil sa katahimikan. Bawat yapak ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa mga nilalang na nakakulong

Patuloy lamang ang aking paglalakad hanggan sa nakarating ako sa ika pitong selda. Kita ko sa loob ang demonyo na nanginginig sa takot at hindi makatingin sa akin

Hinarap ko siya at binigyan ng isang tipid na ngiti habang pinagmamasdan mula paa hanggang ulo

"How have you been? Your master did this, right?"

Hindi ito nagsalita at nanatili lamang sa madilim na gilid ng kanyang selda. Lumawak na lamang ang aking ngiti dahil sa nakikita

"Afraid? Don't be, you have already defy me para katakutan mo pa"

Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamay at galit na tiningnan ako. I can see clearly how her eye is full of hatred

"Hindi ka na dapat nabuhay. Dapat patay ka na! Dapat hindi ka na nabubuhay!" paulit ulit niyang sigaw

Napapikit ako dahil sa nakuhang mga salita sa kanya. Para bang napakalaki ng kasalanan ng aking buhay

"Bakit ba gusto ninyo akong namatay na lamang? What did i even do to you para gustuhin ninyo akong mamatay?" i ask her

Bigla itong tumakbo sa may aking harapan at sinubukan na kalmutin ako mabuti na lamang dahil agad akong napahakbang paatras

"Dahil sayo marami ang namatay. Dahil sayo marami ang nagdusa at ng dahil sayo nawala ang mga mahal namin sa buhay!" sigaw niya sa akin

Tiningnan ko siya ng mabuti at dahan dahan na napahalakhak. Napahawak pa ako sa aking tiyan habang tumatawa while she look at me angrily

Hindi nagtagal dahan dahan na nagseryoso ang aking mukha at tumingin sa kanya ng mabuti bago nagsalita

"Huwag ninyong isisi sa akin ang bagay na kabilang kayo sa gumawa. Bakit? Noong ako ba ang kinoronahan sino ang sumalakay sa aming palasyo? Hindi ba kayo? Kayo ang nagumpisa ng gulo na tinatapos ko lamang"

Hindi nawala ang galit nito sa akin at sumigaw pa sa aking mukha. Sumilay na lamang ang isang maliit na ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kanya

Hindi pa man siya pumipikit ng nakapasok na agad ako sa kanyang selda kaharap niya. Nagulat pa ito ng makita ako ngunit hindi ko iyon pinansin at agad na hinablot ang kanyang buhok

Napahiyaw ito ng kinaladkad ko siya at ginamit ang aking kapangyarihan para makapunta sa tuktok ng aking kastilyo

Pinaharap ko siya sa tanawin na ako lamang ang nakakita. Ang tanawin na kung saan nababalot ang Zanvier ng barrier na ginawa ko

"Look at Zanvier! Look how i created lies and illusion for them so that they would be safe from her. Such a beautiful sight"

Pinaharap ko naman siya sa akin at tinanong gamit ang malamig at seryoso na boses

"Now tell me! Tell right into my face that i deserve to die so that everything would fell into nothing"

Balak na sana niyang kumawala sa aking hawak but in a blink of an eye she is already inside her cell again

Hinarap niya muli ako ng walang pagbabago na expression sa kanyang mukha

"No! You did all of this dahil sa kagustuhan mo. Lahat ng ito ginawa mo para sa kapakanan mo lamang hindi dahil sa kung ano ang nararapat!"

Napailing na lamang ako sa kanyang mga sinabi at tumalikod sa kanya bago nagsalita

"Fine! If that's what you believe, hindi kita pipilitin na paniwalaan ako"

Pagkatapos kong sabihin ang mga katataga na iyon agad naman akong umalis sa lugar na iyon

"Mistress!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin only to see two of my men. Naglakad ako papunta sa kanila at tinanguan sila na nagsasabing sabihin na nila kung ano ang dala nilang balita

"Nakita na nila ang nakalagay sa libro"

Napalitan ng isang ngiti ang inis ko sa natanggap na balita. Tuluyan akong lumabad sa lugar na iyon at dumeretso sa aking trono habang nakasunod sa akin ang dalawang tao ko

Umupo ako sa aking trono at tiningnan sila ng may ngiti sa aking labi

"We'll proceed to the next plan"

( Miyuri Pov )

Napagpasyahan namin na sa Akademya na lamang magkikita at ng mga commander. Sa ngayon nandito muna kami sa cafeteria upang kumain dahil sa tanghali na din kami nakarating at gutom na kami

Masaya ang aming paguusap usap ng bigla na lamang nakita ko ang babaeng new student. Kita ko sa gilid ng aking paningin ang pagngiti nito ng makita ako

Dala dala ang pagkain nito nakangiti itong lumapit sa amin na nahalata ni na Monique. Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng makarating ito sa aming pwesto habang puno ng pagtataka ang mga royalties

"Hey guys" bati nito sa amin ng nakangiti

Ang mga royalties ay pinagmasdan lamang siya ng mabuti habang ako ay tiningnan siya ng matalim

"Sino ka?"

"Anong ginagawa mo dito?' sabay na tanong namin ni Alisia

Lahat sila ay nabaling ang tingin sa akin but i remain looking at her

"Magkakilala kayo?" Agatha ask na sinagot ni Ethan

"We knew her"

Walang nagbago sa aming reaksyon. Nagtitigan lamang kami habang ang aming mga kasama ay puno ng pagtataka

"I just want to join you guys. Bakit? Bawal ba?" she ask me

Napakuyom ako ng aking kamao. I look at her seriously as she look at me mockingly

"Leave" madiin na wika

Imbis na umalis umupo pa siya sa katabi ni Chad na mukhang ikinagulat naman ng isa. Pinagkrus niya pa ang kanyang binti at tiningnan ako

"Magkakilala naman kayo so it's okay, Miyuri" lumipat ang aking tingin kay Six na mukhang nahalata ang aking pagkairita

"If it's okay to you Six sa akin hindi" umakto ito na itiikom na lamang ang bibig habang tiningnan ko muli siya

"Leave, Hana" i said seriously

"Why? Don't you want me to tell them your story or how much you-"

Nahampas ko ang mesa dahilan para umilaw ang aking mata at magyelo ang buong cafeteria. Marami ang napatayo na mga estydyante sa kanilang inuupuan maging ang aking mga kaibigan

"Are you threatening me?" i ask darkly

Nagkibit balikat siya na mas lalo kong ikinainis. Lalapitan ko na sana siya ng may humawak sa aking nakakuyom na kamay

Tiningnan ko ang tao na humawak sa aking kamay only to see Rage looking at me while shaking his head

Kinalma ko ang aking sarili bago ibinalik ang tingin sa kanya na ngayon ay nakangiti parin ng nakakaloko

"Fine! Tell them everything if you want"

Siya naman ang nangunot ang noo dahil sa aking sinabi ngunit katulad ng dati ngumisi lamang ako

"But once you tell them, never let me see your face again or else you'll meet....death"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now