Chapter 23: Queen of Darkness

11.5K 411 54
                                    

( Trish Pov )

Nandito ako sa aking trono habang hindi mapakali. Hindi mahanap ng aking mga tauhan si na Miyuri kaya paano ko masasabi sa kanya ang aking nalaman

Binigyan niya ako ng isang misyon na kung saan napakahirap pala. Isa lamang sa aking mga tauhan ang nakabalik at sugatan pa

Tiningnan ko ang aking kamay bago ko nagulo ang aking buhok dahil sa inis. As far as possible kailangan kong bigyan ng balita siya

Dalawang araw ko na silang hindi nahahanap at mukhang wala pa sila sa Zanvier kaya paano ko masasabi sa kanila. Napabuntong hininga na lamang ako bago naalala ang pagkikita namin ng isang gabi.


( Flashback )

"Welcome Empress Miyuri and Chief" nakangiti kong wika habang papalapit sa kanila

Ngumiti naman sila at bumeso sa akin na ginawa din ko din sa mga Chief. Pinaalis ko naman si Fria bago ako nagsalita

"So what brought you here?" tanong ko sa kanila

"Here" she said at inabot ang isang folder

Kinuha ko naman ito at agad na tiningnan. Bigla naman sumeryoso ang mukha ko ng makita ang sa litrato

"What is this?" i ask her looking at the girl na nakalagay sa crystal sa larawan

"That's why i'm here. I want you to investigate that place and inform me" seryoso niyang wika

"Bakit sa akin? Hindi mo ba magagawa?" i ask her na ikinailing niya

"Meroon din akong aasikasuhin kasama ang mga Royalties" napatango na lamang ako sa kanyang sinabi

"If only i could come" i said na ikinatingin niya sa akin

Miyuri tap my shoulder and smile at me. I can see na nalulungkot siya sa akin but she choose not to remain it into her self

"Your not our enemy Trish" she said to me

Binigyan ko naman siya ng malungkot na ngiti bago magsalita muli

"But everyone think i'm the enemy" she suddenly sigh dahil sa aking sinabi

"Hahanap ako ng paraan para magbago iyon" she said to me with a smile

Napangiti na lamang ako sa kanya at tumango. I could only trust her

"Come, join me. Kakaluto lamang ng pagkain. Mas masaya kung sama sama tayo"

Binigyan naman niya ako ng ngiti bago tinanguan ang kanyang mga kasamahan

..Fast Forward..

Nandito kami sa hapag kainan at kumakain habang kausap ko sila. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan silang komportable sa akin at nakikipagtawanan pa

Tinapos ko agad ang aking pagkain at nagpaalam sa kanila ng mapagisipan ko na maglakad lakad sa pasilyo. Napadaan ako sa parte ng pasilyo kung nasaan ang mga litrato ng mga dating Queen of Darkness ng biglang mapadako ang aking tingin sa isang may takip na tela na litrato

Dahan dahan akong lumapit doon at inalis ang tela na nakalagay sa litrato, napako ang aking tingin at parang estatwa na hindi makagalawa sa aking kinatatayuan ng makita ko ang mukha ng babae na nasa litrato

"Who is she?" someone suddenly ask

"That's the very first and probably the last Dark Witch Queen in here" i said at liningon ang babaeng kakarating lamang

"Dark Witch Queen?" nagtatakang ani niya

"The First Queen of Darkness choose her as a heir dahil sa iyon ang kagustuhan ng unang reyna hanggang sa namatay ito. Tinupad ng lahat ang kahilingan nito na gawing first Dark Witch Queen kahit pa isa itong witch. Alam mo naman na dapat purong dugo ng dark user lamang ang dapat na maging Queen Of Darkness, diba?" napatango naman siya sa sinabi ko

"Ngunit siya ay naiiba dahil may halong isang witch ang kanyang dugo na naging dahilan para hindi sang ayunan ng iba ang pagiging sunod niyang Reyna ng Kadiliman"

"Ngunit walang nagawa ang mga mamayanan dahil siya pa din ang naging Reyna na ikinagalit ng iba. Marami ang gusto siyang pabagsakin at patayin hanggang sa isa sa lalaki ang muntik ng makapatay sa kanya. Nakulong ang lalaki ngunit umalis na siya sa trono, marami ang sumubok na hanapin siya ngunit kahit ni anino nito ay hindi na nakita pa. Pero may nakalap na impormasyon noon ang isang ministro na naging isang masamang witch siya at sinusubukan ang lahat upang mapatay ang mga tao na sumira sa kanya" hindi siya nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa litrato

Bumaba ang aking tingin sa sulat na nasa baba nito at binasa ng mapansin kong binbasa niya ang sa baba

Galea Monitra
The First and Last Dark Witch Queen

Naputol ang tingin ko doon ng umilaw ang singsing niya. Kita ko ng biglang pagseryoso ng kanyang mukha bago ako tiningnan ng mabuti

"I have to go"

Napatango na lamang ako sa kanya hanggang sa sinundan ko na lamang siya ng tingin

( Flashback ends )

Ano ba ang nangyari sa kanila? Hindi niya naman sinabi sa akin kung saan sila pupunta. Kung sana sinabi niya baka nasundan ko sila at nasabi ko pa sana sa kanya

Bigla naman bumukas ang pinto dahilan para mapatingin ako doon. Kita ko ang humihingal na tauhan ko habang puno ng pawis

"Queen, nakakuha kami ng impormasyon na nagkakagulo sa Kingdom of Mountain. Mukhang doon napunta ang babae"

Napatayo naman ako sa aking kinatatayuan ngunit kaagad din ako napakagat ng labi. Hindi ako pwedeng gumawa ng hakbang lalo na't mga dark user lamang ang meroon ako

Those people might misunderstand at magkapatayan pa sila. What should i do?

Wala si na Miyuri. Ako lamang ang natitira na Royalties na lamang. If only those people would give their trust on me baka magawan ko pa ng paraan ang lahat

I just sigh at tiningnan ang aking tauhan. Napakuyom na lamang ako ng aking kamay bago nagsalita

"Leave them be, let the council handle everything"

Kita ko ang gulat sa mata ng aking tauhan. Para bang hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig kaya bigla itong nagsalita

"Pero Queen ikaw lang ang makakagawa ng paraan. You keep on hiding in this place. Hindi tayo ang kalaban nila kundi ang other clan"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Tama siya, ngunit ang tanong, maniniwala ba ang mga tao sa Zanvier na hindi kami ang kalaban?

Would they believe me kapag sinabi ko ang totoong kalaban ay ang pinamumunuan ng aking kapatid

Napangiti na lamang ako ng mapait sa aking mga katanungan

I doubt that they will believe me.

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now