Chapter 17: Deep Within

11.9K 421 13
                                    

Bigla na lamang kami napunta sa isang burol na kung saan makikita ang mga tao na meroon na mga litrato ni Serafhina. Ang iba naman ay idinidikit ang larawan ni Serafhina sa pader

Ilang taon ang lumipas ng bigla na lamang nawala si Serafhina. Walang nakakaalam kung bakit siya nawala at kung sino ang kumuha sa kanya

Marami ang nabahala dahil ang tagapangalaga ng Xaurus ay ngayon wala na. Marami ang haka haka na baka namatay na si Serafhina ngunit ramdam ko na parang may mali

Umikot ang kapaligiran at nagbago sa isang senaryo kung saan maraming tao ang nakatingin sa entablado kung nasaan ang babaeng may itim na buhok kasama ang ilang tao na mukhang nakakataas din

Sa mga nagdaan na pagbabago dumating din ang araw kung saan kinakailangan na koronahan si Majesty bilang ang aming bagong pinuno

Marami ang hindi sangayon dahil napakabata pa ni Majesty, meroon din naman na nanahimik na lamang at sumang ayon

Masasabi ko na isa ako sa mga tao na mas piniling tumahimik na lamang sa lahat. Ayaw kong madamay pa ako sa gulo na magsisimula dahil lamang sa kanyang koronasyon

Bigla naman kaming napunta sa senaryo kung saan may mga tao ang nagtipon tipon at mukhang may seryosong pinaguusapan

"Hindi pwedeng sila muli ang mamuno sa buong Xaurus"

"Simula ng maging pinuno natin si Majesty nagka letse letse na ang lahat"

"Marami na din siyang pinapapatay na mga katulad natin sa hindi malaman na dahilan"

Sari saring komento ang aking naririnig noon tungkol sa kanya ngunit hindi ko maiwasan na hindi makaramdam din ng inis dahil tama naman ang sinabi nila

Simula ng maging pinuno namin si Majesty marami na ang nagbago. Marami ang pinapapatay niya sa hindi malaman na dahilan. Mayroon na din siyang pinasira na lugar at marami ang nagsasabi na siya ang pumatay kay Serafhina

Ang mga dragon din na nangangalaga sa bawat makapangyarihan na isla ay isa isang nawala na mas lalong ikinagalit ng tao

Wala silang ibang maisip na tao na kayang makagawa ng isang bagay kundi si Majesty

Sa lahat ng bagay na aking naririnig tungkol sa kanya nanatiling tikom ang aking bibig pero mukhang may plano ang tadhana sa amin

Biglang gumalaw ang senaryo at napunta kami sa kagubatan kung saan nakatayo ang babae na may brown ang buhok at nakatingin sa bilog na buwan

Isang araw nagising na lamang ako na may kagustuhan na mapatay si Majesty kaya sumali ako sa nabuong grupo na may balak din ng masama kay Majesty

Doon ko nakilala si Anathasia na kapatid ni Serafhina na galing pa sa mortal world at pumunta lamang dito para ipaghiganti ang kanyang kapatid na sa tingin niya si Majesty ang dahilan ng pagkawala

Muling nagbago ang senaryo sa isang malaking gate na kulay violet. Gabi na at marami ang mga kawal at mga mamayan ang naglalabanan

Sa tuwing ikaapat na buwan parati kaming sumasalakay sa kastilyo ni Majesty upang pigilan siya sa lahat ng kanyang ginagawa sa buong Xaurus

Lagi kaming may dalang sandata para lamang mapatay siya ngunit parati lamang kaming umuuwi ng luhaan

Napunta naman kami sa senaryo kung saan nakaharap kami sa ilang tao na nakaupo sa trono habang nakayuko ang mga mamayan

Kumuha kami ng permiso sa mga dyos at dyosa ng mga elemnto upang mapatatag ang aming kakayahan. Hindi sil nagdalawang isip at kaagad kaming pinayagan na ipinagpasalamat namin

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now