Chapter 6: Vision

16.4K 557 53
                                    

( Miyuri Pov )

Nandito ako sa isang napakataas na lugar habang tanaw ko ang buong kabuoan ng napakalaking lugar

Masasabi kong hindi ito ang Zanvier dahil mas malawak at kakaiba ang lugar. Mayroong iba't ibang lugar ng makikita

Meroong city na nasa tubig, nag aapoy na tuktok ng bahay, parang bato na mga building, at mga lumilipad lipad na mga lupain

Ngunit ang kapansin pansin sa lahat ay ang napakalaking palasyo na nasa kalagitnaan ng lahat. Napapalibutan ito ng tubig at meroon lamang na mga tulay ang nakakonekta sa north, south, east, at west na nagsisilbing daan papunta sa napakataas at napakalaking palasyo

Napatingin ako sa aking likod at nakita ang isang isla na lumulutang. Napakalaki nito at napapalibutan ito ng barrier ngunit nawala ang pansin ko doon ng may nagsalita sa aking likudan

"Welcome to Xaurus"

Liningon ko ito upang makita ang isang babae na nakalutang at may suot ng violet na gown. Mayroon din itong suot na korona ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil blured ito

Hindi ko alam kung bakit ngunit ramdam ko ang napakalakas na presensya nito at kakaiba ang linalabas niyang aura

"The chase will begin and i hope all of you succeed against my disciples so we can determine whether you're worthy of being one of the future sovereign"

Hindi ko naman naintindihan ang sinasabi nito kaya nangunot lamang ang aking noo. Sinubukan ko na magsalita ngunit para bang may nakabara sa aking lalamunan

"Time is up. Let's meet again"

Unti unti itong naglaho maging ang mundo ay unti unting nawawala ngunit bago siya mawala ng tuluyan narinig ko pa ang huli niyang sinabi

"When you win the chase we'll meet in the real world beyond the illusion"

Bumangon ako ng hinihingal habang ramdam ko ang tumutulong pawis sa akin. Para bang nagising ako sa isang kakaibang pangyayari na hindi ko inaakala

Tumingin ako sa aking orasan at nakitang isang oras na lamang bago ang aming klase. Tumayo ako at pumunta sa banyo upang maligo

Hinayaan ko na lumandas sa aking katawan ang malamig na tubig habang iniiisip ko ang aking panaginip. Napakaraming katanungan sa aking isipan na hindi ko masagot sagot

Pinikit ko ang aking mata at iwinaksi sa aking isipan ang lahat. Dapat hindi ko muna isipan ang bagay na iyan. All i need for now is to keep my mind at peace

Tinapos ko ang aking pagligo at ang iba pa bago ako nagbihis. Lumabas na lamang ako ng tuluyan sa kwarto ko ng tapos ko na ang lahat. Napangiti pa nga ako ng makita ko ang aking sarili sa salamin na suot muli ang uniform

"Good morning guys!" agad na bungad ni Ethan ng lumabas din sa kwarto niya

"Morning" bati din namin

Sabay sabay na kaming lumabas upang pumunta sa cafeteria upang kumain. Ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin sa amin ng ibang estudyante lalo na ng mga baguhan

Pagkapasok namin sa cafeteria ay mas marami naman na estudyante ang mga tumitingin sa amin. Katulad ng dati ang dalawang lalaki ang kumuha ng pagkain namin habang kami ay pumwesto na

Muling bumukas ang pintuan ng cafeteria at nakita namin ang mga Royalties. Kumaway sa amin si Six at Chad at nagsipag unahan ang dalawa

Ang mga babae naman ay napailing na lamang habang sina Rage na ang kumuha ng pagkain nila

"Hey guys" ani ni Six

Nginitian namin sila habang umuupo sila. Kita namin ang saya sa mga mukha nito at para bang may gustong sabihin sa amin

Si Chad na hindi nakapagpigil ang unang nagsalita ng may malawak na ngiti

"Gusto ba ninyong sumama sa amin?"

Agad na nangunot ang noo namin sa tanong niya. Halatang napakasaya niya sa pupuntahan

"Saan?" tanong ko

Nagtinginan muna ang dalawa bago sinagot ang aking tanong

"Sa Cratidier meroon na gaganapin na tournament and we would like to watch"

"Cratidier? If i'm correct parte iyan ng mundong Hexia from the other world" Cyrille said

Nagsipag datingan na din ang iba at mukhang narinig nila. Habang ako naman ay kinuha ang pagkain na inabot ni Rage

"Yup! Sabi kasi ni Hm Tanya inimbitahan siya at ang mga school official pero may inaasikaso silang mabuti kaya tayo na lang daw ang pumunta para kahit papano may mag represent"

Sumubo ako ng dumpling bago muling ibinalik ang tingin sa kanila

"Magandang sama sama tayo kaya please sumama na kayo" pagpipilit ni Six at Chad

Nagtinginan muna sina Monique habang ako ay patuloy lamang sa pagkain

"Pero kakabalik lamang namin dito tapos aalis na naman kami" Tine said

"Hindi naman iyan problema since tayo naman ang mag rerepresent sa mundo natin" wika naman ni Agatha

Muli ako sumubo ng dumpling lalo na ng dinagdagan iyon ni Rage at mukhang napansin naman iyon ni na Alisia lalo na sina Six

"Bakit ka ba lamon ng lamon? Hindi ka man lamang nagsasalita"

Napangiti na lamang ako dahil sa kanila. Linunok ko na muna ang pagkain na nasa bibig ko bago nagsalita

"Sorry. Kailan ba dapat pumunta doon?" i ask

"Bukas na"

Tiningnan ko sina Enzo na ngayon ay hinihintay lamang ang aking sasabihin. Liningon ko sila at ngumiti

"Ok sasama kami"

Iba't ibang reaksyon naman ang ginawa nila dahil sa aking sinabi

"Yeah!"

"Awesome"

"Nice!

Mukhang masaya sila dahil sa aking pagpayag. Napailing na lamang ako at tinapos ang aking pagkain

Ng natapos ko na ang aking pagkain tumayo na ako upang pumunta sa klase ng bigla na lamang sumakit ang aking ulo kasabay ng isang boses at oangitain sa aking isipan, muntik pa akong matumba mabuti na lamang nasalo ako ni Rage habang si Alisia naman ay nahawakan ako

Nakita ko ang isang babae na nasa loob ng isang violet na crystal. Maganda ito at para bang nasa mahimbing na pagtulog

Napapalibutan ito ng crystal at ang iba ay mayroon ng mga basag. Meroon din akong nakikita na mga ibon na lumilipad lipad sa kapaligiran habang sa likod ay ang napakalawak na lugar

Madilim at nakakatakot kung tutuosin ngunit ng makita ko ang sa may pinaka likod niya parang napuno ako ng kuryosidad

Para bang sa ibaba ay meroon na malawak pang lupain at kami ay lumulutang

Nabalik ako sa realidad ngunit nakaramdam ako ng panghihina. Ang sunod ko na lamang na naalala ay ang pagkain ng dilim sa akin at ang sigaw nila sa aking pangalan

"Miyuri!"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now