Chapter 25: Taker

10.4K 463 41
                                    

( Miyuri Pov )

Nakatingin kami ngayon sa babae na nagngangalang Lira na ngayon ay seryoso lamang na ginagamot ang lalaki while Aly is sleeping

Ang bawat galaw niya ay pinagmamasdan lamang namin simula pa kanina. Hindi ito nagsasalita at para bang wala lamang na buhay

"Do you live here?" i suddenly ask

Tumango lamang ito at hindi parin nagsalita. Napakibit balikat na lamang kami ng bigla na lamang may sunod sunod na katok ang aming narinig

Si Tine ang nagbukas ng pintuan at pumasok ang isang babae na katulad lamang ang kanyang kasuotan. Dali dali itong lumapit sa kanya at may ibinulong

Agad naman napatayo si Lira at agad na lumabas. Nagkatitigan kami at sumunod sa kanya ngunit nakakaabot pa lamang kami sa may pintuan ng bigla kaming pigilan ng lalaki na ginagamot ni Lira

"Mas mabuti pang huwag na kayong lumabas" wika nito

Napatingin kami sa kanya na ngayon ay nakatitig na sa amin. Seryoso lamang ang mukha nito

"Bakit?" tanong naman ni Alisia

"Mukhang ang mga taker lang naman ang na sa labas. Kung lalabas pa kayo baka kunan pa nila kayo ng pera sa suot ba naman ninyo na iyan hindi na nakapagtataka kung kunan nila kayo" ani nito ng nakatitig parin sa amin

"Taker? Bakit taker ang tawag ninyo sa kanila?" Elien ask

Napabuntong hininga ang lalaki habang ako naman ay napatingin sa may pintuan kung saan nandoon si Lira at mukhang may kausap

"Sila ang pinuno sa lugar na ito. Buwan buwan ay parati silang pumupunta sa kada bahay para kunan ng pera ang bawat isa sa amin. Dahil sa kanila kaya kami nauubusan ng pera" lintanya nito

"Hindi ba't ang Unknown ang pinuno sa buong Xaurus? Ibig bang sabihin nagtratrabaho sila sa Unknown?" Agatha also ask

"Hindi. Minsan lamang makialam ang Unknown sa amin simula ng mabuhay at bumalik siya sa mundong ito. Sa labas ng Sacred Hyde ay wala pang nakakausap kahit isa man sa Unknown kaya napakaimposible" muling lintanya nito

Ako naman ay nanatiling nakatitig kay Lira ng magulat na lamang ako ng may sumakal dito hindi lamang doon nagtatapos dahil wala din na awa na itinapon si Lira ng taong iyon dito sa may loob

Agad naman na linapitan ni Six si Lira upang tulungan ito na makatayo agad

Bigla na lamang nasira ang pinto at pumasok ang mga kalalakihan. Napakarami nilang tattoo at ang tanging suot lamang nila ay ang pang ibaba

Meroon din silang mga armas ngunit ang nakaagaw ng aking tingin ay ang lalaki na matangkad at mahaba ang buhok nitong brown. Meroon din itong peklat na pahaba sa may mata

Tiningnan lamang namin ito na ngayon ay napakalawak ng ngisi habang inililibot ang tingin sa buong kapaligiran

Para bang pagaari niya ang bahay na ito lalo na ng umupo ito sa isang upuan at tumingin sa amin

"Wow! Hindi mo naman sinabing marami pa lang chicks dito" masayang sabi nito

Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Yucks! Para bang sinabi niyang batang manok kami

"Sorry but we're not baby chicken" mataray na wika ni Monique

Lumawak lamang ang ngiti nito before tapping his lap. Ang kanyang mga kasmahan na lalaki ay bigla na lamang hinila si Lira na hawak ni Six

Hindi agad nakalag react si Six dahilan para mahablot agad nila si Lira at sapilitan na ipinaupo sa lap ng lalaki

Pilit na nagpupumiglas si Lira sa kanila ngunit sadyang malakas ang lalaki. Napakuyom pa ko ng kamao ng biglang hinaplos ng lalaki ang legs ni Lira

"Huwag kang magalaw. Hindi mo kami kayang bigyan ng pera kaya mabuti pang ikaw na lang ang maging bayad"

"Bastard" Enzo cuss

"Jerk" Victoria said

"Bitiwan mo ako" wika ni Lira habang pumipiglas sa hawak ng lalaki

Mukha naman nakaramdam na ng inis ang lalaki dahilan para sampalin niya si Lira at sa mga oras na iyon ay ang dahilan para makaramdam ako ng inis

Agad akong nagteleport sa likod ng lalaki at agad na sinipa ang likod nito. Unang tumama ang mukha nito sa sahig, mabuti na lamang dahil hindi nadamay si Lira

Agad agad itong tumayo at bumaling sa akin na ngayon ay dumudugo ng ilong. Napangisi na lamang ako sa aking nakikita at tumitig lamang sa kanya

"Hampaslupa!" galit na ani nito

Napatawa na lamang ako ng kaunti sa kanyang sinabi na mukhang ikinainis lalo nito

"Give her to me!" sigaw nito sa kanyang mga kasamahan

Lumawak ang aking ngisi lalo na ng tumakbo sa akin ang kanyang mga kasamahan

Hinakbang ko ang kanan kong paa patalikod bago ko inikot ang kaliwang paa sa direksyon nila dahilan para matamaan ang mukha ng ilan sa kanyang mga kasamahan

I almost laugh ng makita kung paano mahimatay agad ang dalawa sa kanyang kasamahan dahil lamang sa sipa ko

"Too weak" i simply said

Muling umatake sa akin ang ilan sa mga lalaki kaya naman agad kong pinagsusuntok ang malapit sa akin at agad na kinuha ang espada na hawak ng lalaki na pinilipit ko

Someone suddenly started to shoot arrow sa akin. Nakita ko kung paano mapatakbo ang iilan sa mga tao sa loob kaya kinakailangan kong lumabas

Tiningnan ko ang lalaki na nasa may bintana at walang pag aalinlangan na sinipa ito papalabas kasabay ko

Tumayo ako ng maayos at tiningnan ang aking kapaligiran. Hindi ko aakalain na hindi lamang sila sampu dahil nandito pala sa labas ang iba nilang kasamahan at napakarami nila

"Miyuri! Will you be alright?" i heard my friend shouted at lalabas na sana ng pinigilan ko sila

"I can handle them" i said to them

"I want you all to kill her" wika naman ng kanilang pinuno

Kita ko kung paano magpalabas ng kapangyarihan ang iilan sa kanila habang ang iba ay inilabas lamang ang kanilang armas

Binitiwan ko naman ang espada na hawak ko bago ako nagpalabas ng usok na parang sa yelo sa aking kamay kasabay ng pagilaw ng aking mata na mukhang ikinagulat nila

"Let me make you kneel"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now