Chapter 2: Acting Queen

18.5K 689 25
                                    

( Agatha Pov )

Binigyan kami ng tig iisang gown ng asawa ng mayor habang ang mga lalaki naman ay binigyan ni mayor ng mga tuxedo. Gaganapin ang salo salo sa mansion ng reyna ng mga nefhomian ngunit nalaman namin na umalis pala ang mga reyna kaya ngayon isang acting queen lang ang makakadalo

Sinuot lamang namin ang ibinigay na gown ng asawa ng mayor at naglagay lamang ng pulbos at lipstick. Bumaba na kami pagkatapos namin ng makita na nandoon na din ang mga boys at sina mayor na nagwagwapuhan sa kanilang mga suot

Lumabas kami ng bahay ni mayor ng dumating na ang aming sundo. Magkahiwalay ang sasakyan namin na mga babae sa mga lalaki. Ang aming byahe ay hindi naman nagtagal, nakarating agad kami sa mansion na kung saan may iba't ibang palamuti

Meroon din na red carpet na mukhang hanggang sa loob ng mansion. Maririnig na din ang musika na pinapatugtog sa loob. Isa isa kaming lumabas at lumapit sa pintuan. Si mayor na ang nagbukas ng pinto kasabay noon ay ang agsasalita ng isang boses na babae

"Please give big applause to Mayor Wills, his family and our special guest the Royalties"

Maraming nagsipalakpakan pagkatapos ng sinabi ng babae. Kami naman ay dahan dahan na naglakad papasok sa loob na kung saan marami na din ang tao. Linibot ko ang aking paningin na may parang hinahanap ngunit sa kasawiang palad hindi ko sila nakita

"Mayor sabi ninyo nandito sila" wika ko kay mayor ng makalapit ako

"Baka mamaya pa dadating"

Tumahimik na lamang ako at nakipagusap sa mga lumalapit sa amin. Si Kiyan ay nakaupo lamang habang si Clara ay nakikipag usap sa iilan na babae

Linapitan ko si na Alisia at Elien na mukhang hinahanap din sila ngunit wala naman ngayon

"Wala sila" sabi ko ng makalapit sa kanila

"Baka na late lang" ani naman ni Alisia

"Pero wala ng dumadating" Elien said

Sabay sabay kaming nagpakawala ng buntong hininga ng biglang nagsalita ang kaninang babae na nag announce

"I have an announcement. I apologize to our every guest but we just receive a message, our acting queen won't be attending tonight for she have a special issue"

Nagbago ang mga mukha ng mga bisita at para bang nalungkot sa kanilang nalaman. Tiningnan naman namin ang mayor na ngayon ay malungkot din

"Ayos lamang po ba kayo?" tanong ni Alisia

Malungkot na binalingan niya kami at ngumiti ng alinlangan sa amin. Para bang napakasama ng balita na natanggap nila

"Hindi natin makikita ang pansamantalang reyna mukhang may mahalaga na inaasikaso ito"

Napatango naman kami. Mukhang napakalaki ng epekto ng pansamantala na reyna sa kanila

Linibot ko na lamang ang aking paningin. Nagbabakasakali na makita ko na siya ngunit dumaan ang katapusan ng selebrasyon ng hindi namin nakita kahit anino man niya

Bagsak ang aming balikat papauwi habang nakasasakay. Hindi ko kayang itago ang aking kalungkutan dahil hindi namin siya nakita. Malaki pa naman ang pag asa ko na makikita namin siya ngayon

"Nakita niyo po ba si Miyuri?" tanong ni Six

Lahat kami umiling bago sabay sabay na napabuntong hininga. Para bang lahat kami ay pare pareho ang nararamdaman

Biglang natigil ang aking pag iisip ng biglang may lumundag sa aming sinasakyan. Nagtaka na lamang kami ng pinalibutan kami ni Kiyan ng barrier ngunit nagulat na lamang kami ng biglang sumabog ang aming sinasakyan kahit na sa loob pa kami

Mabuti na lamang may barrier na nakapalibot sa amin kaya hindi kami natusta. Agad kong tiningnan ang kotse ni na Mayor at napahinga na lamang ng mabuti ng makita na ayos lamang sila

May mga taong nakamaskara na lamang ang biglang bumagsak galing sa itaas ng tingnan namin ito nakita namin na meroong mga ilang anino ng tao ang naglalaban

Hinanda namin ang aming sarili ng makita na biglang tumalon sa lupa ang ilan sa kanila. Hindi na kami nagulat ng kami naman ng pinuntirya ng mga nakamaskara

Wala kaming nagawa kundi ang makipaglaban din. Walang hirap na napatumba namin sila isa isa ng bigla na lamang sumigaw ang mayor

"Anak!"

Liningon namin iyon only to his daughter being held by one of the masked man. Plano na sana namin na lapitan sila ng bigla na lamang may mga babae ang tumalon muli galing sa itaas. Nakataliko ito sa amin ngunit ko ko ang magagara nilang kasuotan at para bang isang mga mayaman

Kita ko ang pagkagulat ng mayor ng makita ang mga babae lalo na ng mapadako ang kanyang tingin sa gitna kung nasaan nakasuot ang babae ng isang kulay blue

Yumuko si mayor at maging ang kanyang asawa. Para bang nakaramdam sila ng kagalakan at takot ng makita ang mga tao sa kanilang harapan

Ibinuka ng babae ang kanyang mga kamay sa dereksyon ng may maskarang lalaki bago ito ginalaw. Nagulat na lamang kami ng bigla itong tumalsik at tumama sa isang puno

Ganon din ang mga nangyari sa iba. Agad na nagsipagtakbuhan ang mga nakamaskara habang tumakbo naman pabalik ang anak ni mayor sa kanyang asawa

"Thank you for saving my daughter queen"

Queen?

Nabalot naman kami ng pagtataka sa sinabi ng mayor lalo na sa pinapakita nitong galang sa babae na nasa gitna

"It is my duty mayor"

Nabuhay ang aking sistema ng marinig ko ang kanyang boses. Napakapamilyar nito at para bang nabuhay muli ang aking pag asa

Nagkatitigan kami bago ako dahan dahan na naglakad papalapit sa kanila. Napatigil pa ako ng may tumalon na dalawang lalaki ngunit nakaharap sa amin. Sa oras na iyon doon na ako nakasigurado na tama ang aking hinala

"Guys? Miyuri?"

Lumingon sila sa amin. Napangiti na lamang ako ng makita ang mga napakapamilyar nilang mukha. Tumakbo ako sa kanila at agad na yumakap, mukhang nagulat pa sila sa biglaan kong pagyakap ngunit yumakap din sila

"Royalties? Anong ginagawa niyo dito?" Monique ask

Sasagutin na sana namin siya ng sumingit ang mayor habang hawak ang kanyang anak

"Mabuti pa sa mansion na kayo mag usap usap gabi na po dito lalo na't nandito ang aming mahal na reyna"

Kumunot ang aming noo dahil sa sinabi ni mayor. Si Six naman ang unang nagsalita at nagtanong

"Sinong mahal na reyna?"

Tinuro ng anak ng mayor si Miyuri at malawak na ngumiti sa amin

"She's our acting ice queen"

Nagpalipat lipat ang aming tingin kay Miyuri at sa anak ng mayor hanggan sa mag sink in sa amin ang ibig niyang sabihin

"WHAT?!"

The Awakening Of The Unknown [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon