Chapter 24: Start In Xaurus

11.1K 427 5
                                    

( Miyuri Pov )

Nandito na kami sa pamilihan upang bumili ng aming mga kakailanganin. Mabuti na lamang may dala kaming pera at parehas lamang ang pera dito at sa Zanvier

Nakasunod lamang kami kay Serafhina na malayang naglalakad. Walang nakakakilala sa kanya since ang sabi niya ay napakatagal na ng mawala siya kaya napaka impossible na may makakilala pa sa kanya

"Nakapili na ba kayo ng gusto ninyo?" biglang tanong ni Serafhina

Actually marami akong gusto kaya hindi ko alam kung ano ba dapat ang kong piliin. Nagdadalawang isip pa ako kung ano ang bibilhin ko at susuotin

Sa huli napagplanuhan kong bilhin ang limang damit na nagustuhan ko. Ang isa sa lima ay sinuot ko na dahil iyon ang utos ni Serafhina

I smile ng makita ko ang aking repleksyon sa salamin. Agad akong lumapit sa iba na kanya kanya din ng kanilang suot

Ang mga suot ng iba ay dress lamang na kakulay ng kanilang kapangyarihan while the other choose to wear a pant and tshirt with cloak

Ang mga lalaki naman ay hindi na kinakailangan magpalit pa, bumili na lamang sila ng cloak at sinuot iyon. Meroon din akong binili na cloak pero hindi ko muna sinuot

"Saan na sunod na distinasyon natin?" Alisia ask

Lahat naman kami ay napabaling kay Serafhina dahil siya lang naman ang nakakaalam dito

"Sa Sacred Hyde, diba?" ani naman ni Six

Kita namin ang malalim na paghinga ni Serafhina kaya naman lahat kami napatitig ng deretso sa kanya

"Bago tayo makakarating sa Sacred Hyde may madadaanan pa tayong tatlong kaharian" wika ni Serafhina

"Anong klaseng mga kaharian?" tanong naman ni Nova

"First will be the Paradise Kingdom, it's the hidden kingdom that only few people know. Tatahakin natin ang daan sa kanila upang mas mapadali tayo. Second would be the Island Palace of the Gods, kakailanganin natin dumaan sa kanila upang kumuha ng impormasyon sa ating paglalakbay and the third is the Iron Kingdom, ang kaharian na katulad sa mortal world"

"Pagnalagpasan na natin ang tatlong kaharian na binanggit ko titigil tayo sa Xlazer ang pangalan ng city sa labas ng Sacred Hyde. Doon lamang sa city na iyon ang paraan para makapasok tayo sa Sacred Hyde"

Napatango tango na lamang ako at tumingin sa kapaligiran. Napakalaki ang pagkakaibahan nito sa Zanvier. This place is full of people using their power

Marami din na mga bagay ang hindi kami pamilyar. Tumingin naman ako sa itaas upang makita ang mga isla na lumulutang

Napangiti na lamang ako sa aking mga nakikita. Our world is really wonderful

Bigla naman kami napatigil sa paglalakad ng may biglang nakabunggo si Elien. Nakita ko pa ang pagtumba ng dalawa at maging ang pagkahulog ng kahon sa hawak ng batang lalaki

Agad naman tinulungan ni Zero ang batang lalaki habang tinulungan naman ni Victoria si Elien

Pinagmasdan lang namin kung paano tulungan ni Zero ang batang lalaki ngunit napako ang tingin ko sa siko ng lalaki

Kita ang malaking sugat niya doon kaya dali dali kong nilapitan ang lalaki at agad na tiningnan ang kanyang siko

Kita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang ekspresyon ng aksidente na mahawakan ko iyon

The Awakening Of The Unknown [Revising]Where stories live. Discover now