Makalipas ang ilang minuto bumalik narin siya "Oh tara na daw by partner daw sila kaya tayo na ang magka-partner" pahayag niya tumango nalang ako.

Initaas ko ang suot kong itim na sweater at nag umpisa na siyang tumira 10 kada isang tao kapag naka 10 kana dapat lakasan mo ang pagtira mo para hindi masagot o masipa ng kalaban. Kapag nasipa nila ito ay turn na nila pero double ang kailangan nilang gawin para sakanila na ang puntos. Competition nga kasi ito kaya may ganon

"Sampu!" Sigaw ni Elena at sinipa ng malayo ang sipa. Walangya pinaka lakas niya naman masyado.

"Shoot hahah" Dagdag na sigaw niya ng pumasok sa basurahan ang sipa.

"Okay automatic point para sainyong dalawa. ito nalang ang gamitin niyo ipapakuha ko nalang yon" Aniya at nagsulat na sa papel niya. Ah so ganon pala ang rules nila dito

"Ikaw na tol" Sabi niya sakin at inabot ang sipa.

Nag umpisa nakong mag bilang at ng makasampu ay nilakasan korin ang pagtira ko dito. Sapat lang para hindi matira ng kalaban. Ngayon ay sila naman ang titira kaya nasakanila na ang sipa.

Tinira niya ito palayo pero hindi ganon kalakas dahil palobo o pataas ang tira niya kaya agad ko itong hinabol na sinipa. Nasagot din ito ng kasama niya kaya sa kanila ang puntos. Kapag nasagot ng kalaban ang tira mo ay maari mo pa itong tirahin hanggat kayang tirahin ng magkalaban ang sipa tuloy tuloy lang ang laro at hindi kailangang bumuo ng double sa kailangang gawin

"Tol sa kabila!" Sigaw ni Elena sakin ng mapakawalan na ng kalaban ang sipa. Nasagot ko ito at nasagot din naman niya. Hinabol ni elena ang sipa at nasagot din ito ng kalaban. Ilang ulit din ang paghabol na ginawa namin pero sa huli ay hindi na nila nasagot ang sipa.

Kailangan kong doublehin ang gagawin ko para samin ang puntos ang ibig sabihin lang non ay kami na ang panalo.

Gumawa ako ng 20 at ng panghuli na ang kailangan kong sipain ay pinakataas ko muna ito at tinira patalikod. Hindi naman nila ito nahabol kaya kami ang nanalo

"Yes! Panalo tayo wahahaha" Tawa ni Elena at nagtatalon talon pa papunta sakin. Masaya din ako kaya nakisabay nako sa pagtalon niya binigyan niya kami ng badges na may nakadesign na sipa at inilagay niya ito sa may kanang dibdib ng damit namin. Wow ang ganda ah lahit simple lang haha.

"Oh diba champion tayo galing modon ah" Papuri niya at pumunta nakami kung saan nakapwesto ang mga kasamahan namin

"Babe we won" Masaya niyang balita sa girlfriend niya ng makarating kami. Para tuloy siyang bata haha.

"Well congrats babe" sabi naman ni bella at pinunasan ng panyo ang girlfriend niya. Ang sweet nila pero kailangan sa harapan talaga namin.

"Lets go sali naman tayo doon sa goma!" Pahayag ni Sophia at hinila niya kaming dalawa ni bella kaya napalayo sa girlfriend niya si Elena.

"Uy teka yung girlfriend ko" Sigaw niya ng makalayo kami tumawa naman yung dalawa.

Kagaya ng ginawa ni Elena kanina may kinausap muna si Sophia na teacher bago kami nakasali. Kami daw ang hahawak ng goma o garter kailangan molang namang tumalon dito pero pataas ito ng pataas sa pagkakaalam ko pwdeng magtambing dito kapag sobrang taas na. Hmm.tignan natin

Una ay sa tuhod palang tapos bewang hanggang pataas na ito ng pataas. Mataas din pala sila tumalon kahit hindi naman sila kalakihan magaling sila. Si Sophia nga pala ang nakahawak sa kabilang garter kaya medyo pantay lang ang sukat pero ng umabot na sa ilong ko ay hanggang noo na niya. Hindi pwde ang heels dito kung ayaw mong mabali ang mga buto buto mo sa paa kaya kailangan niyang magtapak. Wala namang dumi ang mga damo kaya hindi na siya nag-abala pang kumuha ng pansapin sa paa.

Mabuti nalang at nakasapatos lang pala itong si bella kundi baka nakatapak din siya. Sakto lang naman ang height ni bella kaya pagnagheels pa siya mas matangkad na siya sa girlfriend niya.

Hindi na nila kinaya ang kailangan nilang talunan kaya sumuko na sila at ngayon ay kami na ang tatalon. Abot pa naman hanggang ulo nila pero ng itinaas na nila ang garter ay sumobra na ang taas. Tinanong ko kung kaya paba nila ang sabi nila ay hindi. Tinanong ko si sophia kung pwdeng magtambing ang sabi niya naman ay pwde kaya sinukat ko muna kung saan ko dapat ilagay ang mga kamay ko para matalunan ko ang garter.

Inilagay ko ang mga gamay ko sa damo at inumpisahan ng magtambing. Itinuwid ko ang mga paa ko sa ere bago mag landing at nagawa ko nga. Inulit ko pa ito ng dalawang beses kaya panalo na kami. Ang saya naman ng dalawa at ibinigay na saamin ang badges ako na ang naglagay ng akin katabi ng napanalunan namin ni Elena sa sipa kaya dalawa na ngayon ang akin.

"Paano pahinga muna kami" Paalam nila at bumalik na sa kinaroroonan niba Ms,Eve. Gusto ko pang maglaro kaya sumali pako sa sepak,Patintero at luksong tinik at nanalo naman ako sa tulong ng mga kasamahan ko. Nagkaron pako ng kaibigan haha.

Tumigil nako ng makaramdam ako ng pagod at bumalik na sa kanila. Ang dami kong nakuhang badges

"Wow tol ang dami niyan ah" Turo niya sa mga badges ko

"Matinik ka paring maglaro hanggang ngayon"Aniya kinuha ko naman ang panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Pagkatapos non ay inilagay ko ang panyo sa likod ko. Hindi ko namalayan napataas pala ang laylayan ng sweater ko kaya ng makita ko sila sa tyan ko nakatingin. Mamboboso pala ang mga to.

"Wew ilan yan?" Tanong niya diko naman maintindihan ang sinasabi niya " Yung abs mo nakita namin may abs ka eh, ilan yon?" Tanong niya nanaman

"Wala akong abs nasilaw kalang ng araw kaya akala mo meron" Tanging sagot ko.

Kinulit pa niya ako pero hindi ko naman siya sinagot hanggang sa napagpasyahan na ni Ms,Violet ang umuwi. Hindi na namin kasama si Sophia dahil hindi naman siya sa bahay umuuwi.

Pinuksan ko ang pinto ng kotse sa back seat at pumasok naman si Ms,Violet pumasok ako sa driver seat. Bubuhayin ko na sana ang makina ng may biglang iabot sakin si Ms,Violet. Isang gray na damit.

"Magpalit kana muna ng damit baka ubuhin ka may aircon pa naman dito" sabi niya habang hawak parin ang damit. Kinuha ko nalang ito. Saan ako mag papalit?

"Dito ka nalang mag palit sa loob tinted naman ang sasakyan dont worry hindi ako titingin" Sagot niya na parang nabas ang iniisip ko.

Nagdadalawang isip man pero nagpalit narin ako ng damit. Tumingin muna ako sa labas kung may tao ba sa parking lot pero wala naman akong nakita tinignan korin ang kinaroroonan ni Ms,Violet pero abala nanaman siya sa phone niyo. Kaya hinubad ko na ang sweater ko at mabilis na nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay nagmaneho nako pauwi ng bahay. Alam ko na ang daan kaya hindi na kailangan pang sabihin ni Ms,Violet.

Hanggang sa makauwi kami ay dumiretso lang si Ms,Violet da kwarto niya at ako naman kinuha ko muna ang kapatid ko para bantayan...

Hayy medyo ginabi narin pala kami sa biyahe nagluluto na si Maam Pinckey kaya siguradong maya maya lang ang kakain na. Himala at hindi ko nakita si Ms,Eve ng pumasok ako. Nasa kwarto kaya siya? Baka nga nagpapahinga makikita korin naman sila mamaya sa hapunan kaya hindi ko na muna sila iisipin at aalagaan ko muna si uno.

--------
Grab yours now!
We accept COD!!
https://shopee.ph/product/696661897/15068494703?smtt=0.696681482-1648768244.9

Book 1: The Girl Who Owns The CROWN (COMPLETED GXG) On viuen les histories. Descobreix ara