Hinila ko na sila paalis pa roon. Ayoko na marinig pa ang mga pagyayabang ni Marga dahil naririndi lang ako. Hindi niya naman deserve ang ginagawa niya. Pinapahiya niya lang ang sarili niya.


"Parang may naaamoy akong maalat." Vhenice.


"Oo nga, amoy bitter." Angelica. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Ako? Bitter?!


"Ang kakapal niyo! Bakit ako magiging bitter? Kailan pa naamoy ang bitter?!"  inis na tanong ko sa kanila. Pareho naman silang natawa. 


"Tignan mo kaya ang mukha mo! Nakasimangot! May jowa ka na ulit huy, hindi na pwede 'yan." pag-papaalala sa'kin ni Vhenice.


"Tapos 'yung lakad mo parang padabog. Mabuti pa ata na hindi na lang namin pinakita sa'yo." natatawa pa rin na sabi ni Angelica.


"Wala akong pake sa kanila okay? Alam kong may boyfriend ako." sabi ko at hindi na lang sila kumibo hanggang sa makarating kami sa room.


Hindi pa nagsisimula ang klase. Maaga kasi akong pumasok ngayon. Nag-isip-isip muna tuloy ako.


"Let me protect you. Lilipat ako ng school niyo para protektahan ka."


Grabe! Bakit ba bigla na lang 'yon pumasok ulit sa isip ko? Pwede naman na lumipat siya dito hindi dahil sa'kin kundi dahil kay Marga. 'Di ba nga gusto niya muna makabawi bago sila maghiwalay? Oo 'yun 'yon! Bakit ba ako aasa pa?


Natapos ang klase namin na parang wala akong natutunan. Ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko tungkol kay Jun. Hindi ko maiwasang mag-assume at kiligin. Ewan ko. Naguguluhan ako sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


Lunch break.


Pumunta kami ng cafeteria para kumain ng tanghalian. Pagkapasok ko, may lalaking sumalubong ng yakap sa'kin.


"B-Bakit ka ba biglang sumusulpot, William?" tanong ko sa kaniya. Humiwalay naman siyang agad.


Napansin ko pa na suot niya 'yung jersey niya. Malapit na nga pala kasi ang final match kaya mas bugbog na sila sa practice ngayon.


"Na-miss lang kita." sagot niya at hinalikan pa ako sa noo.


"Ehem!" sabay na sabi nung dalawa. William chuckled.


Hindi ako kumibo. Mula noong gabi na may nangyari sa akin na masama, naging ilag na ako kay, William. Hindi ko alam kung napapansin niya ba 'yon. Wala nga rin siyang idea sa nangyari sa'kin. Sinabi naman ni Jun sa'kin nun na ang dami niyang missed calls kay William gamit ang cellphone ko pero hindi 'yon alam ni, William. Siguro sinadya rin 'yon ni Mira dahil nabanggit ni William sa'kin na kailan niya lang nakita ang cellphone niya na biglang nawala.


Gustong humiwalay ng table ni William para raw masolo niya muna ako pero tumanggi ako. Sakto pa naman na kapapasok ni Samira kasama ang mga bago niyang kaibigan at halatang matalim ang tingin nito sa amin. Simple lang siyang nginitian ni William at mukhang hindi naman niya napansin.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now