CHAPTER 49: BANDAID

Start from the beginning
                                    

She look at me and she smile. Yung ngiting parang aso. Kaloka! Kahit kailan talaga ang plastic ng babaeng to.

"Nako wala friend. Sige mauna na ako ah. Ingat kayo sa pag uwi. Okay?" Nakangiting sabi niya sabay sakay sa kotse niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Sigurado ako na kinakalbo na ako nun sa utak non. Nakakaloka! Nang makaalis na si Angel, bigla kong tinignan si Kendrix tapos tinanong ko siya ng may blankong reaction sa mukha.

"Saan naman tayo pupunta Kendrix?" tanong ko.

Tinignan niya ako tapos tumawa siya ng malakas. Ano? Nabaliw na? JUSKO! KASHOKOT AH! T_____T

"Nako wala! Ayoko lang talagang sumabay kay Angel eh. Mas gusto kasi kitang kasama eh." sabi niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi ni Kendrix. Teka nga. Tama ba yung narinig ko? Mas gusto akong makasama ni mokong? Kaloka to ah! Pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang kilig eh.

"Ahahahaha! Nice joke Kendrix. " tumatawang sabi ko.

He just look at me seriously.

"Pero seryoso ako Athena. Mas gusto kitang makasama eh." seryosong sabi niya.

Bigla akong natahimik ng dahil sa narinig ko. Bakit ba ang lakas magpakilig ng mokong na'to? Mababaliw na ako oh? T____T

"I mean mas gusto kitang kasama kasi kaibigan kita. And you are so special to me." sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Kaloka! Kala ko kung ano na eh. Habang nag lalakad kami papunta ng bus stop ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakakaloka! Bakit ngayon pa? Hay! Kung minamalas ka nga naman. Biglang hinubad ni Kendrix ang jacket na suot niya at isinuklob sa ulo ko.

"Wag kang mag paulan Athena baka magkasakit ka." sabi niya.
"Ano ba Kendrix! Wag ka ding mag paulan baka magkasakit ka niyan eh." sabi ko.

He just look at me and he smile.

"Wag mo akong isipin Athena. Okay lang ako. Malakas ata to noh!" nakangiting sabi niya.

KINABUKASAN...

Habang nag hihintay na magsimula ang class namin, nakasalubong ko si Kendrix sa pinto ng classroom namin. Everytime na pupunta ako sa kaliwa, pupunta din siya sa kaliwa. Pag pupunta naman ako sa kanan pupunta din siya sa kanan. Ano to? Nag sasayaw ba kami? Kaloka! Bigla siyang napahinto at tinignan niya lang ako ng may blankong reaction sa mukha. JUICECOLORED! Bakit ganyan siya makatingin? May mali ba sa itchura ko?

"Bakit ganyan ka makatigin ha? Anong balak mong gawin?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot tapos tinitigan niya lang ako. Tapos dahan dahan lumapit ang mukha niya saakin. Ipinikit ko nalang ang mga mata nang bigla niyang hinawakan ang mga braso ko at binuhat ako papunta sa labas ng pinto. Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sobrang gulat. Nakakaloka! Anong tingin niya saakin? Bata? Pero in all fairness ah, ANG LAKAS NI MOKONG! PARANG SI SUPERMAN. HEHEHE!

Nagdecide ako wag nalang lumabas at naupo nalang sa upuan namin ni Kendrix. Pero pag dating ko doon, nakita ko na nakayuko lang si Kendrix sa mesa niya. Ano kayang nangyare sa mokong na to? Napuyat ba siya? Pero ano naman yung pagpupuyatan ng mokong na to? Hahawakan ko na sana yung ulo niya biglang dumating yung professor namin. Bwiset! Bigla niyang inangat yung ulo niya tapos tinitigan ako sabay ngiti. Bakit parang mapungay ata yung mata ni mokong. Okay lang ba siya? Bakit parang hindi siya okay? May sakit ba siya? Hahawakan ko na sana yung ulo niya ng bigla niyang napansin yung maliit na sugat sa kamay ko.

"Athena napano yang sugat mo? Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sugat ko sabay tago ng kamay ko.

"Ah eto? Nako wala to. Maliit na galos lang to eh." nakangiting sabi ko.

Hindi na siya sumagot tapos ngumiti nalang. Maya maya pa, may binigay siyang bandaid na may mukha niya ng patago.

"Ano to? Pati ba naman sa bandaid may mukha mo?" bulong ko.
"Eh anong magagawa ko? Eh ako yung endorser niyan eh. Pwede ba ilagay mo nalang yan, baka maimpeksyon pa yang sugat mo eh." Pabulong na sagot niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang sa teacher namin nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagyan ng bandaid na may mukha niya. Nakakaloka! Kahit kailan talaga ang kulit kulit ng mokong nato. Kung hindi lang kita mahal siguro kanina pa kita nasapak. CHAROT! HAHAHA!

"Kendrix okay ka lang ba? Bakit parang sobrang pungay ata  ng maga mata mo. May sakit ka ba?" Tanong ko.
"Nako wala! Medyo masakit lang yung ulo ko. Siguro dahil to sa ulan kagabi. Pero wag kang mag alala. Okay lang ako." Nakangiting sabi niya.
"Eh hindi nga okay yung itchura mo eh. Tara na sasamahan na kita sa clinic dali." sabi ko.
"Nako wag na Athena. Okay lang talaga ako promise!" sabi niya.

Maya maya pa, biglang nawalan ng malay si Kendrix. Nakakaloka! Ang taas ng lagnat ni mokong. Inaapoy siya ng lagnat. Sabi ko na nga ba eh. Ang tigas kasi ng ulo. Sabi ko na wag magpaulan eh. Nako naman! Agad namin siyang dinala sa clinic. Pero advice ng nurse sa clinic na kailangan niya ng bed rest. So nag decide sila na i-uwi si mokong sa bahay nila. Hindi sa apartment nila ah? Sa totoong bahay nila. Sinamahan naman siya ni Kaycee umuwi para may magbabantay sakanya. Atleast kahit papano hindi na ako mag aalala ng sobra. Hay sana maging okay agad siya. T____T

Itutuloy....

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now