CHAPTER 46: PIANO

Start from the beginning
                                    

"All of my doubts suddenly goes away somehow..."

"One step closer...."

[CHORUS]

"I have died everyday waiting for you..."

"Darling, dont be afraid..."

"I will loved you for a thousand years..."

"I'll love you for a thousand more..."

Habang kumakanta at tumutugtog ako ng biglang may kumalabog.

*BLAGGGG*

"Sinong nandiyan?" Tanong ko.

Pero walang sumagot sa tanong ko. Dahan dahan akong naglakad palabas ng music room ng makarinig ako ng ingay.

*Meow... Meow... Meow...*

Pusa? Ano naman gagawin ng pusa dito? Dahan dahan akong nag lakad para hanapin yung gumagawa ng ingay. Nang biglang nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng makita ko si Athena na nagtatago sa likod ng mga upuan.

"ANONG GINAGAWA MO DITO ATHENA? BAKIT NAG TATAGO KA DIYAN SA LIKOD NG MGA UPUAN?" Gulat na tanong ko.

She look at me and she smile na parang ewan.

"Ahhh....hehehe... Wala lang. Trip ko lang. Ang saya kaya tumambay sa likod ng mga upuan. Hehehe." sabi niya habang kumakamot sa ulo.

Tinignan ko siya ng may blankong reaction sa mukha. Ano daw? Trip niya tumabay sa likod ng mga upan? ADIK BA SIYA? -_____-

"Kanina ka pa ba diyan ha?" tanong ko.
"Ah hindi naman. Napadaan lang ako dito para hanapin ka tapos narinig ko na may tumutugtog ng piano at kumakanta dito sa loob tapos nacucurious ako kaya pumasok ako. Pero sa hindi inaasahang pag kakataon nadapa ako dito sa likod ng mga upuan kaya ayun, na interrupt ko yung pagtugtog mo. Sorry ah." sabi niya habang naka yuko.
"So ibig sabihin, narinig mo lahat?" Gulat na tanong ko.

Tinignan niya ako tapos tumango siya habang nakangiti na parang aso.

"Hindi ko alam na magaling ka pala tumugtog ng piano tapos ang ganda pa ng boses mo. Nagulat ako dun ahh. Bakit hindi mo ipinapakita sa lahat yung talent mo?" sabi niya.

Tinignan ko siya tapos pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan parin ako.

"Eh hindi naman ako sanay na ipakita yung talent ko kahit artista pa ako. Tsaka wala naman gustong makinig eh. So para saan pa? Ayoko naman magsayang ng oras para i-dissappoint lang ang lahat." Sabi ko sabay lakad paalis.

Paalis na sana ako ng biglang nagsalita si Athena.

"MAGALING KA KENDRIX. SOBRANG GALING. TSAKA NAKAKALIMUTAN MO NA BA NA NANDITO LANG AKO? AKO KENDRIX! HANDA AKONG MAKINIG SAYO!" Sigaw ni Athena.

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng dahil sa sinabi ni Athena. Tumakbo siya papunta saakin tapos hinatak ang kamay ko pabalik sa stage para tumugtog ulit. Tinugtog ni Athena ang IKAW AT AKO by MOIRA DELA TORRE.

[VERSE 1]

(ATHENA)

"Sabi nila, balang araw darating ang iyong tanging hinihiling..."

"At noong dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli..."

(KENDRIX)

"Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata..."

"At ang takot kung sakali mang ika'y mawawala..."

[CHORUS]

(KENDRIX AND ATHENA)

"At ngayong, nandiyan kana..."

"Di mapaliwanag ang nadarama..."

"Handa ako sa walang hanggan..."

"Di papaasahin..."

"Di ka sasaktan..."

"Mula noon..."

"Hanggang ngayon..."

"IKAW AT AKO..."

Habang kumakanta kami ni Athena. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Looking at her right now, para akong nakatingin sa isang tunay na Anghel. Her voice is serenading my heart na parang dinuduyan ako sa hangin. Her smile that makes me feel better and her eyes that makes me fall deeper. Parang pakiramdam ko biglang nawala ang selos na nararamdam ko. SANA NGA IKAW AT AKO NALANG HANGGANG SA DULO. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron siya para magkaganito ako. Basta ang alam ko lang, MAHAL KO SIYA. Hanggang sa...

"ATHENA MAHAL KITA..." sabi ko habang nakatingin sakanya ng deretcho.

Biglang napahinto si Athena sa pag tugtog tapos tinignan niya ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng sinabi ko yun. Hindi ko alam kung ano yung magiging reaction niya sa sinabi ko. Grabe! Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba.

"MAHAL DIN KITA KENDRIX..." Sagot ni Athena.

Biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa sinabi ni Athena. Tama ba yung narinig ko? O nag-iimagine lang ako?

"Ano yung sabi mo Athena? Mahal mo ako?" Gulat na tanong ko.

She look at me and she smile.

"Oo naman. Tama yung narinig mo. I love you as a friend. Yung lang yun. Walang halong malisya." Nakangiting sabi niya.
"Alam ko. Yun din naman yung ibig sabihin ng I love you ko eh. as a friend." Nakangiting sagot ko.

Hindi na siya sumagot at ngumiti nalang. Buong akala ko kanina kaya ko nang sabihin yung nararamdaman ko sakanya. But I was wrong. Umurong nanaman ang dila ko sa pang EWAN na pagkakataon. Ewan kasi hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umurong yung dila ko sa tuwing sinusubukan kong umamin sakanya. Siguro nung nag paulan ng katorpehan ang langit, ako lang yung gising tapos sinalo ko lahat. Hay! Ang ganda na sana nung moment eh. KAINIS! >_____<

Itutuloy...

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now