EPILOGUE (Pangalawang Bahagi)

1.8K 50 11
                                    

Pangwakas

Ikalawang Bahagi

"Caleila, nasa labas na naman si Papa Zeus. Kanina pa yan."

Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Umaktong walang pakialam. "Pabayaan mo siya."

Araw-araw na pumupunta roon si Zeus. Nagdadala ng kung anu-ano. Tumatambay at...

"Ang guwapo mo talaga sa personal, Zeus! Ikaw yung naiisip kong character sa sinusulat kong nobela ngayon." Pacute na saad ng isa sa mga dormmate ko nang maabutan ko silang naglalandian sa kusina.

Ngumiti lang ang walangyang Zeus. Walang emosyon namang pumasok ako roon at umaktong walang Zeus sa paligid. Uminom lang ako ng tubig.

"Hoy, Caleila!" Hindi ko pinansin ang pagtawag nila at lumabas lang.

"Caleila..." Natigil ako sa boses na yun. Matapos ng tatlong araw na papunta punta niya roon, ngayon niya lang ako tinawag. "Hanggang kailan tayo magkakaganito?"

Hinarap ko siya. "Umalis kana, Zeus." 
Letsugas! Ayokong mabasag na naman ang boses ko. Kaya bago pa mangyari yun, nagmamadaling umalis ako.

Kinabukasan, inaasahan ko na naroon na naman si Zeus para ipaghanda ako ng breakfast ngunit naabutan ko lang na Biyernes Santo ang mga mukha ng mga dormmates ko.

"He left already." Someone answered kahit hindi ako nagtanong. Parang kinurot naman ng pino ang malaking bahagi ng puso ko but I hide what pain I'm feeling. Sanay na ako rito.

Naglakad ako patungong ref at kumuha ng milk na isinalin ko sa baso bago uminom.

Babalik na sana ako ng kuwarto nang matigilan. "Hanggang kailan ka masasaktan, Caleila? Hindi ka ba pagod na maging malungkot?"

Hindi ako sumagot. Magpapatuloy na sana akong hahakbang nang may magsalita ulit sa kanila.

"He's attempting to kill himself." Sa sinabi ng isa sa kanila, napalingon na ako.

"W-what?!" May heart. Letsugas! Bigla akong natakot.

"Sa mga oras na toh, nasa Le Buendia Seven Star Hotel siya. Attempting to drink arsenic poison to end his life dahil wala ka rin naman sa kanya. He told us that he doesn't have a life without you."

Mabilis akong pumunta ng kuwarto ko para kunin ang wallet at jacket.

"Le Buendia. Make it fast." Saad ko sa taxi driver.

Argh! I forgot my cellphone. I'm crying and shaking. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot.

"Excuse me, can you make it faster? Please..." I said pleading to the taxi driver.

Pakiramdam ko ang bagal ng oras. Natatakot ako na hindi na maabutan si Zeus. Letsugas!

Nang tumigil kami sa harapan ng hotel, mabilis akong bumaba nang makapagbayad na ako at patakbong pumasok.

"Zeus Asher Yuchengco, please." Nanginginig na saad ko sa receptionist. "I'm his girlfriend." Dagdag ko dahil tila ayaw pa ng babae sagutin ako.

"President suite no. 6, Ma'am. 10th floor." She said. Patakbo kong tinalunton ang elevator.

"Come on. Please." Maging ang oras sa elevator ay napakabagal.

Nang makita ko ang room number ni Zeus. Akmang magdodoorbell ako nang makitang bukas iyon.

Is This Love?Where stories live. Discover now