Ikawalong Kabanata

1.5K 31 3
                                    


"Anak, nakalimutan mo na ba? Si Night, ang kababata mo, si Nat-nat." Sabat ni Papa. Napalayo ako sa ginang na yumakap sa akin.

Masayang lumapit si Mama kay Night na para bang anak niya din ang lalaki habang seryoso kaming nagtitigan ng lalaki.

"Naalala mo ba, Caleila? Nung bata ka pa, isang buwan ka atang walang ginawa kundi umiyak nang pumunta sa New York si Nat-Nat. Four years old ka pa lang nun samantalang 5 years old na 'tong si Nat." Tinignan ni Mama si Night mula ulo hanggang paa tapos ngumiti na para bang nasisiyahan at hindi makapaniwalang malaki na si Night.

Hinila ako ni Papa na maupo samantalang hinila ni Mama si Night na maupo rin. Pareho kaming naestatwa. Hindi maabsorb ng utak ko ang sinasabi ni Mama. Wala akong maalala.

Nat-Nat? La-la? Ah! Yung imahe ng dalawang bata.

"Naku, kumare. Hindi mo rin alam , laging malungkot at nagmumukmok sa kuwarto 'yang si Nat. Palaging nagtatanong kung kailan ba daw kami makakauwi ng Pilipinas. Nakakalungkot nga lang at nawalan tayo ng komunikasyon kaya hindi namin agad kayo nacontact ng dumating kami lalo't lumipat na kayo rito sa lungsod." Natatawang kuwento ng mama ni Night. Bumalik na ito sa pagkakaupo but this time sa tabi ko at hinaplos haplos pa ang buhok ko.

Taga probinsya kami dati at nalipat lang rito sa lungsod nang maghighschool na ako.

"Buti na nga lang at pursigido itong si Night na mahanap ang kababata niya. Tignan niyo sila, hindi ata makapaniwala na nagkita na silang muli?" Natawa naman ang ginoong na sa hula ko ay tatay ni Night.

Napayuko ako at napahawak sa sentido ko.

"Are you alright?" Naramdaman ko ang paghawak ni Night sa braso ko.

Para akong napasong lumayo sa kanya.

"I'm fine, Night. Uhh.. Excuse me po." Tumayo ako pero parang nanlalabo ang paningin ko bago ako lamunin ng dilim.

"Caleila!" Boses ni Night ang huli kong narinig.

Kadiliman. Ngunit, napalitan yun ng isang eksena. Naroon malapit sa swimming pool ang cute na batang lalaki at batang babae.

"N-Nat-Nat... C-Chama ako sa inyo." Naiiyak na pagsusumamo ng batang babae habang basing-basa na ng tubig dahil sa pagkakahulog sa swimming pool.

"Wala ka talagang utak, La-La! Hindi mo ba naisip na puwede kang mamatay kanina." Galit na sagot sa kanya ng batang lalaki na basing-basa rin ng tubig dahil sa pagsagip sa kanya.

Umiyak ang batang babae na may pangalang La-La.

"H-hanap k-kachi k-kita a w-while a-ago p-peyo w-wala ka. I-I t-thought y-you a-aready l-left m-me na. T-hen, I s-lipped c-chapos n-nahulog ako sa p-pool." Paliwanag ni La-La sa pagitan ng pag-iyak. Nanginginig ang batang babae sa sobrang takot at lamig.

"Stupid." The little boy said bago tumayo. "Go home, Caleila!" Nagulat ako sa pagbanggit ng batang lalaki ng pangalan ko. "Go home! And forget me!" He said bago pamartsang umalis habang naiwan roon ang batang babae na umiiyak.

Biglang napamulat ang mga mata ko at mukha agad ni Night ang nabungaran ko.

"Nat-Nat..." Unang salita na nasabi ko.

Napangiti siya.

"Oo. Ako nga 'to, La-La." Nag iwas ako ng tingin.

Naalala ko na ang lahat. Marahil binaon ko na sa limot ang alaala ko kay Nat-Nat at dinagdagan pa yun na masyado pa akong bata kaya madali sa akin na kalimutan ang batang pag-ibig. Yes, it's puppy love. Kaya siguro takot akong sumugal dahil bata palang ako, naramdaman ko na kung paano ang masaktan sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Is This Love?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang