Ikalabing-Dalawang Kabanata

1.1K 20 0
                                    

"G-good morning..." Nauutal kong simula nang tawagan ako ni Zeus nang sobrang aga. Well, early morning kasi ang flight niya papuntang Cebu. He texted me na nasa airport na siya at pasakay na ng airplane so then I replied na "take care" at hindi ko inaasahan na tatawag siya.

"Good morning, Minnie. Did you sleep well? It's still early in the morning." Hindi ako makatulog nang maayos sa guest room. Bukod sa namamahay ako, iniisip ko rin ang confession ni Night sa akin kagabi.

"Ah.. Nakatulog pero..." Wala akong maidugtong. Letsugas!

"Pero?" He waited for my answer.

"Pero naiisip kasi kita." Ugh! Where did I get those words!? Oh God!

Pababa na ako sa unang palapag ng bahay ng mga Monteverde. Balak kong pumunta sa tabi ng swimming pool.

He chuckled."Are you sure that it's not a gay thing na kiligin? Because frankly speaking, wala na akong ibang matatawag sa nararamdaman ko ngayon. Damn! I miss you already, Caleila."

Napahinto ako sa paglalakad. Ugh! I miss him, too.

"Call you later, Minnie." Paalam niya nang magpaalam siyang sasakay na ng airplane. Hays! Bakit ganun? Namimiss ko na siya agad. Letsugas na Yuchengco!

Napabuntong-hininga na lamang ako nang patayin ko ang tawag niya saka ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa swimming pool area ng bahay. Napaupo ako sa gilid ng pool habang nasa tubig ang mga paa ko.

I need to clear out my mind and heart. Ayokong magmadali sa sinasabi ni Mama na tamang panahon pero ayokong hintayin ang pagkakataon na may masaktan isa man sa kanila ni Zeus at Night.

Nilagay ko sa gilid ang cellphone bago magmuni-muni. Malamig ang tubig ng pool pero okay lang.

Ngunit, nawala lahat ng iniisip ko nang walang babalang may humawak sa balikat ko at nagbabalang ihuhulog ako sa pool.

"UHHH!" Gulat kong sigaw. Then I heard a chuckle. "Night! Ikaw! Agh!" Napatayo ako at naiinis siyang hinarap. He looks fresh at bagong ligo lang dahil sa mamasa masang buhok nito. Ang aga naman para magising siya? Di rin ba siya nakatulog kagabi?

"You should have seen your face, La-La. Ang epic ng reaction mo!" He said while laughing pero bakit ganun? Pakiramdam ko may lungkot sa tawa niya.

"Ano bang iniisip mong reaksyon ko? Na tatalon ako sa tuwa? Na iiyak ako sa gulat?" I said with a sarcasm in my tone.

"Hey, chill sweetie. Umagang umaga, ang init ng ulo mo." Anya bago pisilin ang pisngi ko.

"N-Night! Ano ba?!" Hinawi ko ang kamay niya habang patuloy siya sa pagtawa.

Naglakad ako palayo sa kanya sa sobrang inis.

"Napag-isipan mo na ba ang mga sinabi ko sa'yo kagabi?" Biglang nagseryoso ang boses niya nang makasunod sa akin.

Napahinto ako. Hindi ako makasagot sa tanong niya kaya nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

"Caleila..." Tawag niya at pinigilan ako sa braso. May pagmamakaawa sa boses niya.

"I'm sorry, Night." Yun lang ang namutawi sa mga labi ko.

Binitiwan niya ang braso ko.

"I guess, masyado ata akong nagmamadali." Malungkot niyang ani pero napalitan din yun nang magsalita siya ulit. "Tss! Anyway, will you help me to cook our breakfast ?" Pang-iiba niya ng paksa. Nanlaki ang mga mata ko at nadivert ata ang atensyon ko sa huling pahayag niya.

"You cook?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya at naglakad papasok ng bahay. Sinundan ko naman siya and we're heading to the kitchen.

Is This Love?Where stories live. Discover now