Ikadalawampung Kabanata

1.4K 36 3
                                    

"U-umalis kana, Zeus." Kahit nahihirapan na ako at gusto ko na lamang magkulong sa kuwarto, nasabi ko ulit ang mga salitang yun.

Hindi ko siya tinignan. Nakabaling sa ibang direksyon ang paningin ko sa takot na makita niya ang tunay kong emosyon.

He laughed pero hindi yung tawang alam mong masaya. Iba. Iba ang tawa ni Zeus. Kung anong klase man yun, ayoko ng malaman.

"Come on, Caleila. Again? You are choosing him over me?" Natatawa ang tono ni Zeus na para bang nakakatawa ang sinabi ko.

Hindi ko siya masagot. Tahimik lang ako at gayundin ang mga taong nakapaligid. Hirap na hirap na akong huwag pumiyok at umiyak. Ugh!

"Damn! Look at me, Caleila!" Galit at seryoso na ang kanyang tono pero hindi pa rin ako nag abalang lingunin siya. Ayoko. Natatakot ako.

"Just fvcking leave, Yuchengco! Hindi pa ba klaro sayo ang lahat? Caleila chose me!" Si Night ang sumagot.

"You, shut up fvcking asshole!" Ngayon galit na lamang ang mahihimigan sa tono ni Zeus.

Akmang susugurin siya ni Night pero pumagitna na naman ako. Palihim kong pinunasan ang mga luhang hindi ko napigilang tumulo.

Ngayon, inipon ko ang natitirang lakas na meron ako para mag-angat ng tingin kay Zeus. Ugh! Masyadong madilim kaya hindi ko maaninag ang kanyang mga mata.

"I'm sorry, Zeus. I'm sorry because I used you. Yes, it's true. Ginamit lang kita para may inspirasyon ako sa pagsusulat. And Night.... He's the real one I-I l-love." Letsugas! Hindi ko na napigilang pumiyok sa huling salita. Maging ang pagkalas ng mga luha ko ay hindi ko na napigilan. Ito lamang ang tanging paraan para maitaboy ko siya, ang saktan siya.

Umiling si Zeus at ngumisi. "No. You don't mean that, don't you? Come on, Minnie, di ba pinatawad mo na ako? O gusto mo pa bang masaktan pa ako nang sa ganon makaganti ka sa akin? It's okay, Caleila. It's alright. Tatanggapin ko. Go. Hurt me. But promise me, sa akin ka pa rin. Ako pa rin ang mahal mo."

Akmang hahakbang siya patungo sa akin ngunit humarang si Night.

"Don't you have pride, Zeus? CALEILA CHOSE ME! SHE CHOSE ME! And you? You fvcking leave before I call a police and the media now." Mariing singit ni Night.

Hindi siya sinagot ni Zeus bagkus ay tumama ang kamao nito sa mukha niya.

"Fvck!" Night cussed at akmang gaganti kay Zeus nang pigilan siya nina Papa gayundin si Zeus na pigil ng mga lalaking pinsan ko.

"Shut up, asshole! You fvcking snake! Hindi ka kasama rito so don't you fvcking come in between us!" Nagwawala si Zeus para sugurin si Night.

"Stop!" Sigaw ko. Pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahan ng tumulo bago hinarap si Zeus. "I know this is all my fault. Ako ang nagsimula kaya ako rin ang magtatapos. So, please Zeus. If you really love me. Please, let go of me. Please, leave. Si Night ang gusto ko. Si Night ang mahal ko. At ikaw. Ginamit lang kita..... I'm ... Sorry." Matatag ko siyang tinignan at nagbingi-bingihan sa bulong ng puso kong bawiin ang mga sinabi ko at yakapin na lamang siya.

Umiling siya na para bang hindi makapaniwala."Fvck! Let go of me!" Pahiklas siyang kumawala sa mga pinsan ko at naglakad papuntang gate ng bahay.

"Zeus!" Hinabol ko siya. Hindi ko alam kung bakit hinahabol ko pa siya gayung gusto ko siyang itaboy.

He stopped. Umiiyak na ako pero wala na akong pakialam. Bahala na!

Nakatalikod siya mula sa direksyon ko. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sa paligid. Ni wala na akong pakialam kung pag-usapin kami ng mga pinsan ko o ipagkalat nila ang tungkol rito.

Is This Love?Where stories live. Discover now