Ikasampung Kabanata

1.5K 30 1
                                    


"Mum,Dad... This is Caleila Naveen Dela Santos, my girlfriend. Caleila, mga---" Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Zeus nang mabilis na lumapit at nakipagbeso ang mommy niya sa akin.

"I'm glad I finally saw and met you in person, Iha." Aniya. "How are you? Tinatrato ka ba ng maayos ng anak ko?" Nakangiting tanong niya habang hawak-hawak ang magkabilaang kamay ko.

"Ah... O-okay lang po. Ah. O-opo. M-mabait p-po sa akin si Z-Zeus." Ngumiti ako ng nahihiyang ngiti. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"I'm Asherina Yuchengco, Zeus's mother. You can call me momma or mum, too like what Zeus used to call me."

"P-po? Ah...E-eh." Nag init ang pisngi ko. Napatingin ako kay Zeus at sa natatawang tatay niya.

His father, the Honorable Liu Huang Yuchengco who's the famous and owner of the pharmaceutical company Yakgu Daseot na pasok sa Top 10 na may pinakamalaking manufacturer ng mga gamot. Yeah. Matagal ko ng kilala ang tatay niya dahil isa yun sa mga naituro sa amin sa kurso ko. Hindi ko inaasahan na anak niya ang boyfriend ko. Nalaman ko lang yun nang magresearch ako tungkol kay Zeus.

"Mum..." Natatawang lumapit sa amin si Zeus. "Huwag niyo muna i-pressure si Caleila. Ngayon lang kayo nagkita."

Tumingin ang ginang kay Zeus nang nakanguso.

"It's you fault. Ngayon mo lang siya pinakilala sa amin." Nagtatampo ang boses ng mommy niya.

Carbon copy si Zeus ng Daddy niya. Siguro nung kabataan pa ni Mr. Yuchengco, magkamukhang magkamukha sila ni Zeus. They're both God's gift to woman. Sa tingin ko, may halong Greek blood sila.

Napakamot pa ng ulo si Zeus bago napasagot sa nagtatampong mommy niya."You know I'm too busy, Mum at saka busy si Caleila sa studies niya. Grade concious po siya. Alam niyo naming mahirap mag-aral ng Pharmacy.".

Her mom's eyes widened nang humarap sa akin. "You are a pharmacy student?" Napatango ako. Tumingin ang ginang kay Mr. Yuchengco.

Napalunok naman ako nang lumapit ang ginoong sa amin. I know big people in society like them. They are too serious and too scary.

"Honey... Kararating lang nila. Why don't we go in first? Everybody's dying to meet her."

Huh? Anong everybody? Ibig bang sabihin hindi lang sila ang makikilala ko?

"Ow! Yes! Yes!" Napatawa ang ginang at inakay ako. Sumunod sila sa amin ng daddy niya.

"What year are you, Caleila?. Anyway, is it alright if I'll call you daughter?" She chuckled. "You know, I've been longing for a daughter kaya lang hindi nasundan si Zeus. Umaasa na lang ako kay Zeus na may maipapakilala siyang babae sa akin sooner. Lagi ko ngang kinukulit na ipakilala sa akin ang mga nalilink na babae sa kanya pero ang lagi lang sagot 'Mum, wala po.'. But now, I'm really happy that finally he introduced a woman to us. May makakasama na rin ako sa pagsho-shopping, sa salon, you know girl's chit chat." Tuloy-tuloy na kuwento ng ginang. Her eyes are glowing with so much happiness. Alam ko yun at masaya rin ako.

"Second year na po. Ah.. Eh... Okay lang po. Masaya din po ako'ng makilala kayo." Awkward pa rin ang boses ko.

"Pharmacy student din ako dati, Iha. I and Zeus's father met through my profession. Pero wag na nating pag usapan ang lovestory namin, I'm interested to hear yours and my son's lovestory."

"Ha? Ah... Eh.." Di na ako nakasagot nang makarating kami sa bungad ng malawak at magandang garden ng mansion. Naroon din ang maganda at malaking pool.

Is This Love?Where stories live. Discover now